Chapter Eight

357 11 0
                                    

Forgetting Regret Sandoval - Chapter Eight

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Totoo ba 'yung narinig ko? Talaga bang sinabi niya 'yon? Aasa na ba ako? Bakit pakiramdam ko mamamatay na ako? Hindi pa pwede! Nagkakaroon ako ng pag-asa!

You're desperate, Kaia.

Sabagay, matagal na pala.

"H-Huwag ka naman magbiro..."

Kasi kahit na ganoon, masakit umasa. Masakit umasa sa isang joke.

Ngumiti lang siya sa akin. He didn't reply but he fucking smiled.

That fucking smile. Doon ako nahuhulog ng sobra. Sa ngiti niya.

Bigla namang nag-beep 'yung phone ko.

From: Von

Tapos na ba kayo? Kanina pa ako dito, ayoko lang istorbohin kayo haha.

Namula ako. Nakalimutan ko nga pala na kikitain namin si Von. I replied 'yes' as an answer.

Nakita ko siyang pumasok. Nakapambahay nga lang siya. Pero bakit parang pagod siya?

"Ah, Regret si Von. Von, si Regret. Best friend ko."

Nagkamayan naman sila. Umupo sa harapan namin si Von.

"So you were the one who saved Kaia?" Tanong ni Regret.

Tumango si Von. "Nadaanan kong pinagtitripan siya."

Ayan na naman siya sa choice of words niya! Hindi ba pwedeng gumamit siya ng ibang term? It's not pinagtripan. Muntikan lang naman ako ma-rape!

"I want to file a case... Do you know them?"

"Yeah..."

Nag-usap pa sila tungkol doon. Sinuri ko si Von. Nakita kong mag band aid siya sa wrist niya. Kumunot ang noo ko doon. May mga pasa din siya sa mukha. Where did he go?

"Von, saan galing 'yan?" I asked then I pointed his wrist.

"Ah ito?" Turo niya. "Wala. Nakawit lang..."

I know he's lying. Pero hindi ko na pinilit pa. Tumayo ako para order-an siya ng pagkain. Kahit na tumanggi siya sa alok ni Regret, there's a part of me na gusto siyang bigyan ng pagkain. Para nga siyang inaantok e.

Nilapag ko ang pagkain sa harap niya. "Sana hindi ka na nag-abala... Thanks anyway."

Hindi niya ginalaw ang pagkain. Tanging ang kape lang. Napailing na lang ako sa katigasan ng ulo niya.

* * *
"So bye Von! Tell your Mom that I'm completely fine."

Nandito na kami sa harap at nagpapaalam na. Tumagal ng isang oras ang paguusap nila. Hindi naman sila nag-usap lang about sa nangyari sa akin. Ang dami nilang topic e.

"Sige, sasabihin ko." Sabi niya at tumingin kay Regret. "Sige bro, alis na ako."

"Sure. Thank you and ingat."

Before turning his back, he glanced at me. Napaatras ako doon. What the fuck? He glanced at me! I mean, hindi naman big deal na sinulyapan niya ako pero iba 'yung tingin niya!

Fuck you, Von! I'll text you later!

"Let's go." Malamig na sabi ni Regret.

Nagtaka na naman ako. He's cold again. Sobrang labo niya. He's acting that he likes me pero there's nothing special naman daw. Labo.

Tumingin ako sa mga taong naglalakad. Malalim akong huminga. Problemado din kaya sila? About life? About friends? About family? About love?

Because if I'm the only one who's experiencing this kind of love, I'd surely kill myself. Life is unfair if I'm the only one.

* * *
Maaga akong nagising para magluto. May ginawa pa kagabi si Regret halos ala-una na siya nakauwi. Ayoko pa naman siyang napapagod.

Nagluto lang ako ng usual na breakfast. Bakit ba hindi ako napapagod gawin 'to? Ah. Because I love him.

Pagkagising niya ay sabay na kaming kumain. Ang lawak pa nga ng ngiti ko kasi wala siyang suot na shirt. Nakikita ko 'yung tattoo niya.

Nagalit ako sa kanya nung nagpa-tattoo siya. Swear, I really strangled him to death. Alam naman niyang ayoko sa ganon but he did. Pero ngayon, nasanay na din ako.

"What are your plans for today?"

Napaisip ako.

"Ah, pupunta ako kila Von."

He stopped eating. Nabitawan niya pa nga ang kutsarang hawak.

"Diba delikado doon?"

"Dala ko naman 'yung sasakyan. And don't worry, sa ibang way ako dadaan."

"Are you even sure that he's harmless?"

Umawang ang labi ko sa tanong niya.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "God, Regret! I didn't know that you are this judgmental!"

Hindi ako makapaniwala! Si Von 'yung nagtanggol sa akin nung panahong 'yon. At hindi ko alam kung bakit ganito ang sinasabi ni Regret!

"He saved me! At mabait siya! Mabait ang nanay niya at baka nga ang kapatid niyang lalaki ay mabait din!"

"Why are you so mad at me?"

"Because you're being judgmental!"

Hindi pa ba obvious? Nakakainis. Hindi ganito ang Regret na nakilala ko. Hindi siya ganito!

"Do you like him?"

Nababa ko na ang kubyertos na aking hawak.

"What?" I asked. "You're the only one I like!"

What the fuck. Sumisikip na ang dibdib ko. Hindi ko matanggap na si Regret ang kaharap ko. Parang ayoko ng ganito.

"Really?" He asked while smirking.

Tumayo na ako. Pagkatayo ko, tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na kaya.

Ang sakit.

Ang sakit-sakit.

Pinaparamdam ko naman. Pinaparamdam ko naman sa kanya ah? Saan ba ako nagkulang? Akala ko ba alam niya? Akala ko ba nararamdaman niya?

My heart's aching. Wala na akong paki kung humihikbi ako habang naghuhugas ng plato. Hindi tumitigil ang pag-agos ng luha ko. Ang sakit kasi na parang joke lang sa kanya lahat. Na joke lang na mahal ko siya.

Hindi niya ba alam na mahirap siyang mahalin? Falling for Regret is hard but I took the risk. Sa tingin niya ba joke lang lahat ng 'yon? Sa tingin niya ba na madali lang? Oo sige sisihin niya na ako. Pero wala naman ata siyang karapatang kwestyonin 'yon.

Naramdaman ko ang kamay niya na unti-unting bumaba sa kamay ko. Dahan-dahan niyang tinanggal ang plato na hawak ko. Hinugasan niya ang kamay ko para mawala ang bula. After that, he intertwined his fingers with mine. Naramdaman kong pinatong niya ang ulo sa balikat ko.

"I-I'm s-sorry, Kaia..." He sighed. "I'm really sorry."

Ilang beses niyang sinabi ang salitang 'yon. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at ang yakap niya noong hindi ako nagsasalita.

"Regret, hindi mo na nga ako mahal... Pero sana, huwag mong pagdudahan 'yung nararamdaman ko kasi totoo 'yon." Nanginginig kong sabi. Hindi ko nakilala ang boses ko.

Forgetting Regret SandovalTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang