Chapter Twenty Four

303 8 0
                                    


Forgetting Regret Sandoval – Chapter Twenty Four

For the past few hours, ako lang ang kasama ni Regret sa kwarto. Kahit naman nandito sila Tita, hindi pa rin nila maiwan ang trabaho. Hindi nagtatagal, lagi silang may kausap sa cellphone.

Dalawang araw ang lumipas bago kami nakabalik ng condo. Gusto ni Tita na umuwi muna si Regret sa bahay nila pero nagpupumilit na naman 'yung isa na ayaw niya. Kaya nandito na kami sa condo, hindi alam kung anong gagawin. For me, gusto ko muna siya makapagpahinga.

"Kaia," Lumingon naman ako nung tinawag ako ni Regret. "I have something to tell you..."

Nagpunas muna ako ng kamay saka lumapit sa kanya. Umupo ako sa harapan niya at tinitigan siya. He's also staring at me that's why I laughed. May sasabihin ba talaga siya o magtititigan lang kami dito?

"I—"

Biglang nagring 'yung phone ko na nasa coffee table. Tumingin muna ako sa kanya bago sinagot 'yung tawag.

"Wait lang ha."

Tumayo ako para lumayo. "Ano ba, Von?"

Panira din ng moment 'to e!

May sinabi lang pala siyang assignment, baka daw makalimutan ko. Nakakainis talaga!

After the call, mabilis akong lumapit kay Regret. Baka kasi ma-bad trip siya tapos hindi na niya sabihin 'yung sasabihin niya. He's sometimes like that pa naman. Masyadong impatient.

"So ano na?"

He looked at me coldly. "Forget it." Then he stood up. Shit. This is what I am talking about! Ganitong-ganito siya kapag napuputol 'yung sasabihin niya!

Fuck you talaga, Von!

"Come on. Sabihin mo na." Pilit ko sa kanya habang papasok siya ng kwarto niya.

Natigilan ako. Alam kong wala naman rule na hindi kami pwedeng pumasok sa kwarto ng isa't-sa pero... it doesn't feel right. Naramdaman niya sigurong hindi ako pumapasok at nakatayo lang ako sa pintuan kaya nilapitan niya ako.

"You okay?" Malambing niyang tanong.

Halos matumba ako sa naging tono ng pananalita niya. Naging maamo ito bigla at parang punong-puno ng pag-aalala.

You're such a fool, Kaia. You are just hallucinating. As if namang mangyayari 'yang iniisip mo.

"Yup, I'm fine. Magpahinga ka na lang."

Tumalikod na ako at maglalakad sana but he held my wrist then he pulled me closer. Maayos na ang lagay ni Regret ngayon pero bakit parang ang init pa rin ng katawan niya?

"Thank you."

Napalunok ako.

"U-Uhm... Para saan?"

Even though I already know the answer, I still want to hear the exact words from his mouth. Gusto ko na sa kanya ko mismo marinig para mamatay na naman ako sa ibang nararamdaman.

"For the sleepless nights... Sa ating dalawa, you are the one who badly needs a rest."

Sa kilig at tuwa, niyakap ko siya ng mahigpit at binaon ang mukha sa dibdib niya. I'm trying not to smile but I just can't. Unti-unti akong napapangiti kahit ayaw ko.

Sarili ko lang talaga ang kalaban ko.

***

Back to normal.

Kami na ulit ni Regret ang magkasama tuwing lunch. Minsan lang, nauuna akong umuuwi o kaya hihintayin niya ako dahil iba talaga kami ng schedule. Plus the extra-curricular activities, sobrang hassle but worth it naman siguro sa huli. After all, malapit na rin naman kaming makatapos ng college.

Forgetting Regret SandovalDove le storie prendono vita. Scoprilo ora