Chapter Twenty Five

318 8 0
                                    


Forgetting Regret Sandoval – Chapter Twenty Five

I couldn't talk. I don't even know what to say. Hindi naman ako tanga sa mga nangyayari. Nakikiramdam din naman ako pero mas gusto ko na lang piliin na huwag pansinin. It's useless anyway. Everyone has their own lives and story, and I know it's way different from what I am thinking. Walang mangyayari kung seseryosohin ko 'to kung 'yung kwento nila sa akin ang papaniwalaan ko.

"Let's go." Sabi ko na lang at kinuha ang bag.

Walang nag-iimikan sa aming dalawa. Mas maganda kung ganito muna. Something just happened earlier. Ayoko nang dagdagan pa dahil baka mas lalong sumabog lang ang utak ko. My brain isn't ready to contain that kind of shit.

Kahit nasa room na, no one is talking. Nakakabigla rin naman kasi. Pero ayoko na talaga palakihin. I know something is happening. At ayoko ng nangyayaring 'yun.

Hindi ko na siya hinintay pagkatapos ng klase. Iba na rin naman ang klase niya sa susunod kaya bakit ko pa siya hihintayin?

"Kaia!"

I didn't stop and just continued on walking. I know that it's him. He's my friend but... Something's bothering me.

Mabuti na lang at mabilis akong nakapasok sa susunod na klase. Nasa fourth floor din kasi 'yung next class ko at siya sa second floor lang.

Hindi ako makapagisip ng maayos sa class. Bakit ba kasi nakaka-encounter ako ng ganitong pangyayari?

After the class, dumiretso ako sa library. For almost four years, tatlong beses lang siguro akong nakapunta dito sa library. Mas gusto ko sa crowded area pero alam kong may posibilidad na Makita ko si Von doon.

Habang naghahanap ng mababasa, nakita ko si Regret—na kasama si Chesca at nakangiti sila sa isa't-isa. Biglang kumirot ang puso ko. Kahit na alam kong wala lang, masakit pala na makita 'yung mga kumakalat na balita.

They look good together.

Kumuha na lang ako ng kahit na anong libro at umupo sa mga bakanteng upuan, patuloy silang pinagmamasdan. Fuck. Dito ba sila palaging tumatambay?

The thought of that makes my heart squeeze in pain. Maybe Regret likes her... Regret likes intelligent women. Iyong matatalino at masisipag. Ano bang panama ko sa Chesca na 'yon? Kahit naman na ayaw ko sa kanya, that woman is smart. Marami pang nagkakagusto dahil model siya katulad ni Regret.

Umupo sila sa bakanteng upuan, hindi kalayuan sa akin. I'm sure they can't see me. Lalo na nagtatago pa ako sa likod ng librong kinuha ko.


Maraming napapatingin sa kanila kaya nasasaktan ako lalo. Ang akala ko na-manhid na ako sa sakit pero hindi pa pala.

"Can we eat outside?" Nagpintig ang tenga ko sa tanong na 'yon.

Did... Did Regret just ask that?

Gusto kong sampalin ang sarili ko at tignan kung panaginip ba pero nang marinig kong ulitin ni Regret ang tanong na 'yon, fuck. It's real!

Tumayo na ako. Nanginginig kong binalik 'yung libro. I... I didn't expect that.

Bakit hindi, Kaia?

Masyado kasi akong umaasa e. Simpleng galaw lang kasi, binibigyan ko na ng kahulugan. Bakit ba kasi hindi na ako nasanay? Bakit ba kasi hindi na ako nadala?

This love is too painful.

I checked my phone. No calls and texts from Regret. What do I expect? Nakita ko na nga ng harap-harapan, gagawan ko pa ng dahilan sa utak ko.

Forgetting Regret SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon