Chapter Nineteen

289 7 0
                                    

Forgetting Regret Sandoval - Chapter Nineteen

Biglang nanlaki ang mata ko nang kunin ni Regret ang kamay ko at hilain ako palayo doon. Tinatawag naman kami ng mga prof pero hindi natinag si Regret. Pumunta kami sa likod na lugar dito. Hindi madilim, sakto lang dahil may mga lamppost sa daanan.

"Regret!" Sabi ko. "Mrs. Tan is probably mad right now..."

I'm scared of her. Kahit naman na nalaman ko na may kahinaan ito, hindi ko pa din mapigilang matakot. She's a strict professor. At hindi na ako magugulat kung nabastusan siya sa ginawa namin—sa ginawa ni Regret.

"I don't care," Malamig na sagot nito.

"Problema mo ba?"

Tinignan niya ako sa mata. Shit naman e. Ayoko ng ganito. Natutunaw ako kapag ganito siya sa akin. My soul is not mine anymore. Kinukuha na niya lagi.

"That Alvarez is a threat."

Kumunot ang noo ko. Bakit ba ganoon ang tingin nila kay Von? Wala namang ginagawang masama 'yung tao at and evident naman na walang gusto sa akin si Von. May mahal siyang iba at malayong maging ako 'yon.

"Walang gusto sa akin si Von. We're.just.friends." I said clearly, "And what if naman gusto niya ako? May magagawa ka ba?" I added.

Natahimik siya sa sagot ko. Ano, ngayon tatahimik siya dahil mali siya?

And ano niya ba ako? I'm just his fucking bestfriend. Ako 'yung babaeng hanggang bestfriend na lang siguro ang tingin. Dahil sa pinaggagawa niya, mas lalo akong umaasa na meron. Umaasa ako na pwede kaming mangyari.

But because of his silence... Nasasaktan na naman ako. Parang... Wala lang talaga ako sa kanya.

Ah. Siguro nag-aalala lang siya talaga kasi baka nga maging bagong bestfriend ko na si Von. Kaya sinabi niyang threat siya. Pero alam kong alam niya na marami na kaming pinagsamahan. We're friends since highschool and that's something to be proud of right? Bakit hindi niya maisip iyon?

"Kaia, I love you. Hindi man gaya ng pagmamahal mo but I still love you."

My heart fucking raced. What the fuck is happening? Ano na naman ba 'tong pakulo niya? Ang bilis niyang magpakilig, ako naman 'tong nagpapauto.

"Let's just go back, Regret..." I said calmly, trying to hide the kilig inside me.

Tumalikod ako pero pinigilan niya ako. "What do you mean?" He asked, "Go back to what? From being just friends?"

Kumunot ang noo ko. "Ano bang sinasabi mo? We're still friends."

Binitawan niya ang kamay ko. Hindi ko gusto ang tingin niya. Hindi ako natutuwa na parang hinuhusgahan niya ako sa titig na ganon.

"I don't get you, Kaia." Nagulat ako nang lampasan niya ako.

Kumirot ang puso ko. Ano na naman ba ang problema niya? Bakit ba lagi na lang ako ang hindi niya maintindihan?

***

Maaga kaming nagising dahil maaga daw ang alis namin. We had our breakfast first before getting ready. Nagkaroon lang ng sandaling activity pagkatapos kumain. Regret and I didn't talk last night because he's nowhere to be found. Probably Mrs. Tan scolded him because I didn't see her either.

Kausap ko ang ilang kaibigan nang makita ko si Von, wearing a black shirt and black faded jeans, na kausap si Justin at naglalakad palapit sa direksyon namin.

"Good morning, Kaia!" Bati sa akin ni Justin. "Nawala kayo kagabi ah."

Naiilang akong ngumiti. "Yeah..."

Hindi ko gustong pagusapan ang nangyari kagabi lalo na nagkaroon na naman ng tensyon sa pagitan namin ni Regret.

Napatingin ako kay Von na nakatingin din pala sa akin. I smiled weakly at him, at alam kong hindi niya papaniwalaan 'yon. Iniwas ko ang tingin saka nagpatuloy sa pakikipag-usap. Makalipas ang ilang minuto, pinaakyat na kami ng bus. Ako siguro ang nauna dahil sa kapapamadali. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. I want to sleep already.

Gaya ng arrangement ng nakaraan, tumabi sa akin si Von. This time, nasa window side na ako. I was looking out outside when I felt somebody poke me.

"Anong ginawa niyo kagabi?" he asked. "Nawala kayo bigla." He stated.

"Nothing happened..." I answered. "Why? Curious?" Natatawa kong tanong.

His reddish lips parted, ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot. "Hindi naman. Nagtaka lang ako bigla ka niyang hinila. Dami ngang nainis kasi hinihintay nila 'yung sasabihin mo."

The only good thing that happened last night was I wasn't able to tell the most memorable moment of my life because if I did? I know that something will change. Alam kong may malaking mababago sa buhay ko at mabuti na lang na hindi ako nakasagot.

"Oh. Oo nga pala. Bakit 'yung nangyari sa akin ang memorable sa'yo?" I asked, partly glaring at him. "Tinawanan niyo pa 'yung nangyari."

"I'm sorry." Sabi niya. "Hindi ko naman talaga intensyon na pagtawanan 'yon. Pero 'yun talaga memorable kasi..."

"Kasi?" I asked, a bit annoyed.

"Wala." Then he freaking smirked. Damn.

***

Hindi ko pinansin si Von pauwi. Nakakainis! Ang pabitin niya! Ang mas nakakainis pa, 'yung nakakaasar na ngisi niya. Para siyang nananadya na hindi ko alam!

"Oy."

Lumingon ako sa kanya. "Ano?"

"Sungit naman." Sabi niya saka hinawakan ang kilay ko at dahan-dahang ibinaba. "Ganda sana ng kilay mo e. Huwag mo lang itataas." Tapos tumawa siya ng napakalakas.

Tinapik ko ng malakas ang kamay niya at hinawi ito. Nakuha niya pa talagang tumawa ha? Hindi niya ba nahahalata na naaasar na ako?

Nanatili akong tahimik. Mabuti na lang at tumahimik din siya.

Pero nakakabagot pala kapag wala kang kausap. Hindi rin ako makatulog kahit inaantok ako. Kakainin ko ba 'yung pride ko at makipag-usap sa kanya? Of course not, Kaia. Don't do that!

Huminga ako ng malalim.

"Von—"

Natigilan ako nang makita siyang natutulog na pala. His head was swaying kaya napangiti ako.

"Cute ka pala kapag natutulog..." I whispered.

Nakakatuwa siyang panoorin kapag tulog. Indeed, his face was angelic gaya ng sabi nila. Sobrang amo pala talaga lalona kapag tulog na ito. Wala sa sarili akong napapangiti habang pinagmamasdan siya.

Nakita ko na lang ang sarili na pinipicturan siya habang tulog. Dahil naaawa ako sa kanya, maingat kong ikinabit ang travel pillow ko sa leeg niya para hindi ito sumakit.

"Sleep well, Alvarez..."

Bumaba kami para sa isang stopover. It's already 12 o'clock in the afternoon, tanghalian na kaya marami ang nagsibabaan. Gusto ko rin sana bumaba kaya lang hindi ko maiwan si Von.

"Where's Kaia?" Nakarinig ako ng pamilyar na boses galing sa labas.

"Kaia?" Lumingon sa akin si Hanz. "Kaia! Si Regret hanap ka."

Shoot. It's Regret. Paano ako aalis kung natutulog si Von? Wala siyang kasama dito...

"Sige na baba na," Biglang sumulpot sa kung saan si Justin. "Ako na bahala dito." Tapos tinuro niya si Von.

Nagulat man sa pagsulpot, ngumiti na lang ako. Luckily he's here for his bestfriend. They are lucky with each other. Minsan napapaisip ako kung mas maganda na babae na lang ang bestfriend ko. Siguro mas open ako kung sa babae. But I couldn't imagine not being friends with Regret.

"Thanks, Justin."

Forgetting Regret SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon