Chapter Thirty Four

354 10 0
                                    

Forgetting Regret Sandoval – Chapter Thirty Four

The ceremonies ended peacefully. Nagkaroon ng kaunting salo-salo sa bahay namin. Sinasama pa ni Mommy si Von kaya walang nagawa ito. Pero nagulat ako nang makita ang sasakyan nila Regret na nakaparada sa harapan ng bahay namin.

Bakit ba hindi na lang ako mamuhay nang tahimik at walang iniisip?

Pumasok kami sa loob then their eyes are on us. Maraming mapanghusga sa mundong 'to. Malamang may tumatakbo na kaagad sa mga isip nila habang kasama ko si Von. The thought of that makes my heart ache. I deserve the hate, Von doesn't. Masyado siyang mabait para pagisipian ng masama.

"Congrats Kaia and Regret! Talagang sabay nagtapos ang mag-bestfriend!"

Bestfriend.

What a word.

I looked at Regret who's looking at me too. Kung dati nagagawa kong mamatay sa kilig kapag tinitignan niya ako ng ganito, ngayon hindi na. I mean there is still something pero napalitan na ito ng ilang bagay.

Agad naman nagsimula ang kainan. From time to time, lumalapit ako kay Regret at kunwaring may pinaguusapan kami kahit wala. Ayokong may makapansin na hindi kami okay. The problem between us is our problem. Hindi na kailangang mandamay pa ng ibang tao.

Nagpaalam ako kay Von, na ngayon kausap ang pinsan ko, na pupunta lang ako sa kitchen. Hindi ako masyadong kumain ng madami dahil medyo masama ang pakiramdam ko.

"Kaia."

I froze.

Nandito na naman siya.

Bakit ba ayaw niya akong lubayan?

"I love you—"

"Please lang!" I cut hiSm from talking. "Stop it! Ayoko nang marinig pa 'yan!"

"Hindi ba mahal mo ako? Hindi ka ba masaya na mahal din kita?"

Matalim ko siyang tinignan.

"Paano ako magiging masaya kung ngayon mo lang sinabi? Paano ako magiging masaya kung sa tingin ko, sinasabi mo lang 'yan para guminhawa ang loob ko? Paano ako magiging masaya kung hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako?!"

Lumapit ako sa kanya at pinalo siya ng paulit-ulit.

"Hindi madali, Regret! Ang akala mo ba, madali na iwasan ka ngayon na malalaman kong mahal mo pala ako? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang kung kailan pagod na ako? Bakit ngayon lang kung kailan kinakalimutan na kita? Kasi kampante ka? Kampante ka na hindi kita susukuan?"

Hindi siya nagsasalita at hinahayaan lang akong saktan siya. Tumulo na naman ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Tao rin ako, Regret. Nasasaktan at napapagod din ako. Ngayon, sorry if I can't accept your love. Hindi ako gumaganti. Pero sa tingin ko, walang mapupuntahan 'tong nararamdaman nating dalawa."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kapag sinasabi niyang mahal niya ako, pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may kulang. Pakiramdam ko, may tinatago pa siya sa akin.

"I need you..." Sabi niya, inangat ko ang tingin at nagtama ang mata namin. "I fucking need you, Kaia..."

"Kailangan mo ako? Kaya mahal mo ako?"

Walang lumabas sa bibig niya na kahit anong salita.

Mapait akong ngumiti. "Save it. Love yourself and I will love myself."

***

"Von..." Tawag ko rito. Tumakas ako sa bahay namin gamit ang sariling kotse. Parang hindi kasi ako makahinga knowing that Regret is in our house. Si Von ang nagda-drive kahit nag-insist ako.

Forgetting Regret SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon