Episode 5

3K 144 31
                                    

#INSGettingToKnowYou
--

"BeeJay! Pasama ako? Pwede?", sigaw ko pagkapasok ko sa kanila.

Nandito ako ngayon sa bahay nila. Naabutan ko ang bakla na nanonood ng movie sa sala. Actually, katapat lang ng bahay namin ang bahay nila kaya anytime, pwede akong pumunta sa kanila or siya sa amin. Pero siya talaga ang pumupunta sa amin usually kasi gusto niya raw ng makakausap.

"Ay kabayo! Ano ba naman yan Maymay! Ba't ka ba nanggugulat?!", si BeeJay. Napatayo pa sya sa gulat sabay tapon ng unan sa akin. Buti nga at nakailag ako. Natatawa ako sa reaksyon niya. Hahaha!

Agad naman siyang umupo sa sofa at tumabi na rin ako sa kanya, "Pasama nga ako sa mall"

Umirap naman siya sabay buntong hininga, "Kanina pa ako alis na alis dito. Jusko! Nakakabingi ang katahimikan dito!", sabi niya kaya natawa na naman ako. Wala kasi ang mga magulang niya. As usual, business trip na naman.

"Oh? What are you waiting for? Magbihis ka na! Look at yourself, mukha ka nang lalake", sabi ko. Nagpipigil lang ako ng tawa dahil sa reaksyon niya. Mukha kasing virus yun kapag sinabihan siyang mukha siyang lalake.

"Oo na! Tamo 'to, ikaw na nga magpapasama. Tse! Jan ka na nga!", sabi niya at tuluyan nang pumasok sa kwarto niya.

Medyo matagal rin akong naghintay. Tinapos ko na lang ang pinanood niyang movie. Kaya pala nagulat sya kanina, eh horror pala ang pinanood. Baliw talaga.

"BeeJay!! Ba't ang lamya mo! Kanina pa ako naghihintay dito!", sigaw ko mula sa sala nila. Wala namang tao dito bukod sa kasambahay nila kaya pwede na ring sumigaw.

"Eto na nga oh?! Ba't ka ba sigaw ng sigaw?", si BeeJay sabay labas ng kwarto niya. Gwapong gwapo niya sa suot niya. Actually, hindi naman sya yung tipong nagsusuot ng pambabaeng kasuotan.

"Eh kasi ang bagal mo", sabi ko, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, "Naks! Ang gwapo mo po"

"Correction. Maganda. As in M-E kaya don't me", sabi niya kaya natawa ako.

Lumabas na kami ng bahay nila. We used his hummer. Nah! Kay Tito ito pero gusto niya eto ang dalhin. Ewan ko rin sa baklang 'to at ang daming arte sa katawan.

Dahil feel ko naman ang moment, ako na ang nagdrive ng sasakyan. Medyo ayos nga ang pormahan eh. Ang astig lang.

"Bakit ba tayo pupunta sa mall nyo?", tanong niya.

Nakatuon pa rin ako sa aming dinaraanan, "Vince asked me to buy some clothes for a charity na gaganapin namin sa Sunday"

"Really? Ba't di ko alam yan?"

"Ewan ko sayo. Sama ka na lang"

"Of course, I will! Kahit nandun ang asungot kong pinsan na si Vicente"

"Oy grabe ka sa kanya!", sabi ko at natawa na lang ako.

Medyo matagal din kaming nakarating sa mall dahil sa sobrang traffic. Hindi naman ako nainip dahil daldal ng daldal itong baklang kasama ko. Haha!

Pagkarating namin sa mall, agad kong pinarada ang sasakyan sa isang pribadong parking lot. Kilala naman ako ng security guard dito dahil asawa naman sya ni Nanay Patching.

Bumaba na kami ni BeeJay at syempre sa entrance pa rin kami pumasok, alangan naman sa exit? Haha! Pagkapasok namin, sakto namang may nabangga akong babae. Magsosorry na sana ako pero pagtingin ko ay agad namang napataas ang kilay ko.

"Why are you here?", si Espasol kasama ang Labanos niyang kaibigan na masama rin ang tingin sa akin.

"Hoy babaeng mukhang pinaglihi sa harina! Wag mo kaming matanong-tanong kung bakit kami nandito ha? Public place 'to baka nakalimutan mo!", sabi ni BeeJay ng pabulong pero may diin. Iba din ang bakla. Ang sarap nang humalakhak pero pinipigilan ko lang.

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora