Episode 24

2.5K 118 40
                                    

#INSYakap
--

The meeting was cancelled at nagpaalam ako kay Papa na sumama muna kay BeeJay para magroadtrip kahit saan.

Tahimik naming binaybay ang daan at wala ni isa sa aming magsalita. Ang bigat kasi talaga ng dinadala ko.

"Okay ka lang girl? Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo after nating maglunch", si BeeJay. Sumulyap ito sandali sa akin. Sya kasi ang nagdadrive.

"I'm fine. Tired, I guess?", sabi ko na lang.

Hindi ko pa rin kasi maiwasang hindi magselos kahit na panay ang iwas ni Edison kay Labanos.

Kahit saan kami napadpad ni BeeJay at buti na lang ay hindi na nya ako kinukulit tungkol sa nangyari at kung bakit ako nanahimik.

Kinagabihan ay diretso na kaming umuwi, wala rin naman akong gagawin at hindi ko na sya pinapunta pa sa Reverie dahil natapos na lahat ng kailangan tapusin.

Pagpasok ko sa kwarto, iniyak ko lahat ng frustations ko. Kung hindi lang sana ako nag-inarte ng ganito, kung alam ko lang na simula pa lang ay hindi ko na kaya, hindi ko na sana 'to sinimulan dahil ngayon pa lang, sasabihin ko nang nahihirapan na ako.

Pero kailangan kong tatagan ang sarili ko.

Ilang linggo at nakalipas, mahigit dalawang buwang nakatuon ang atensyon ko sa trabaho at negosyo. Kung kailangang iwasan ang dapat iwasan ay ginawa ko na. Lahat ng board meetings na kailangan kong puntahan ay si Marl na ang pupunta. For almost two months, ginugol ko ang aking oras upang maghanap ng investors sa company ng mga Peroza at naging matagumpay ang paghihirap kong hanapin sila dahil nadagdagan ang shares namin sa company.

"Do you really need to do this May?", tanong sa akin ni Marl. Nandito sya ngayon sa bahay upang ibigay lahat ng documents na kinailangan ko.

"Kung eto lang ang dapat kong gawin para mapasaakin ang dapat ay sa akin, gagawin ko", sabi ko.

Napag-usapan na namin 'to nina Mama at Papa at sila lang ang may bukod tanging alam sa mga ginagawa ko. Naipaliwanag naman nila ng mabuti ito kay Vince kaya hindi na masyadong mabigat sa puso ko.

"You love him that much, do you? Kasi noon, alam kong mahal mo ako pero hindi ka masyadong maeffort gaya ngayon", sabi nito.

Nandito kami ngayon sa kitchen counter upang magmerienda.

I sighed, "Dahil alam kong mahal nya rin ako. Yan naman siguro dapat ang ginawa ko sayo noon, pero alam kong una pa lang, talo na ako", I smiled at him.

"Naging duwag lang ako. Kaya siguro karma ko na rin 'to, ang magpakamartyr sayo"

"Thank you Marl for staying even if it cause you too much pain"

"No, I should be the one thanking you, for letting me back into your life, kahit hindi man sa paraang gusto ko, atleast we're still friends", sabi nito.

Niyakap ko na lang sya para kahit papaano ay maramdaman nyang mahalaga sya sa akin bilang isang kaibigan.

Nagkwentuhan lang kami sandali at pagkatapos nun ay nagpaalam na sya.

Tiningnan ko lahat ng papeles na binigay sa akin ni Marl at binasa and good thing tumaas ang sales ng company nila.

The next day ..

"Girl! Namiss kitaaaaa!", tili ni BeeJay na kapapasok lang ng bahay.

"Ang OA mo", sabi ko sa kanya habang nanood ng TV sa sala.

She chuckled, "Hay naku, isasama na naman ako mamaya nina Daddy sa Davao"

"Oh, edi wow. Pasalubong ko ha?"

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon