Episode 28

2.5K 117 33
                                    

#INSCall
--

Sabado ay nasa bahay lang ako. Umalis si Vince papunta kina Kira at sina Mama at Papa naman ay nasa office. May special board meeting daw kasi sila sa company.

Nasa sala lang ako, nanood ng movie ng biglang tumunog ang telephone namin. Si guard pala sa labas.

"Miss Dale, nandito po si Sir Edison", sabi nya. Napakunot tuloy ang noo ko.

Hindi ko naman sya pinapunta dito. Hindi rin naman sya tumawag na pupuntahan ako not unless ..

Oo nga pala, baka sinusundo ako nito. Hindi ko pala nasabihan na hindi ako pupunta ng office ngayon. Naman Maymay!

Sinabihan ko na lang na papasukin ito at ipark na lang din ang sasakyan sa garahe. Nag-ayos muna ako ng aking sarili at nagpalit ng pajama, nakashorts lang kasi ako. Pagkatapos nun ay lumabas na din ako ng bahay para salubungin sya.

"Good morning babe", bati nya sabay halik sa aking pisngi. I smiled.

"Good morning rin babe", sabi ko sa kanya at humalik rin sa kanyang pisngi.

Sabay kaming pumasok sa bahay habang nakaakbay sya sa akin.

Sinabi nya sa akin kung bakit sya nandito at tama nga ako, susunduin nya raw sana ako at nagtaka pa nga sya kung bakit pinapasok ng guard ang kotse nya sa garahe.

"Sorry talaga, hindi ko nasabi sa 'yo", sabi ko. Magkatabi kami ngayon sa couch habang nanonood ng TV.

"It's okay babe", sabi nya, "Can I stay here today? Or we can go out instead?"

"Okay lang naman kung dito lang tayo. Tinatamad akong lumabas eh", sabi ko sa kanya.

Ayos lang naman sa akin na nandito sya. Kasama ko naman si Nanay Patching at ang isa pa naming katulong kaya panatag akong nandito sya. Ayaw ko lang kasi na may kasama dito sa bahay ng wala sila Nanay kahit na mga kaibigan ko pa ang nandito lalo na siguro kung boyfriend pa no?

Hindi naman sa may gagawing masama kaya lang ayaw ko din naman isipin nila Papa ang ganun. Although may tiwala sila sa akin, o sa amin ni Vince ay hindi pa rin kami nakakampante dahil kahit hindi naman nila sabihin at kahit saang banda, iba pa rin kung kayo lang dalawa ng jowa mo ang nasa loob ng bahay. Overthinking it is pero yun ang paniniwala ko.

Nagpahanda naman ako ng meryenda kay Ate Aloha para sa aming dalawa. Nandito lang din kami sa sala at nanood na lang ng movie.

"Dito ka na lang maglunch Ed ha? Nagpaluto na ako kay Nanay Patching", sabi ko sa kaniya.

"Okay babe, if that's what you want", sabi nya, "I'll go home by afternoon ha? May gagawin lang ako sandali. I'll be back by dinner, don't worry"

"O sige", sagot ko sa kanya.

Natatawa ako habang nanonood kami ng movie. Gusto ko kasi talagang manood ng horror pero sya itong ayaw pero napilit ko naman. At ngayon, ako itong tili ng tili habang nakakapit sa kanyang braso at sya naman ay tawang-tawa habang pinapanood akong natatakot.

"I told you, I'm not into horror movies but you insist because this is what you want, and now you're scared?", he chuckled, "Tell me? You just want to hug me no? Okay lang naman sa akin babe. Just tell me, I'm willing to hug you kahit ilang oras pa!"

Nahampas ko tuloy sya sa braso. Bwisit 'to. Kinilig ako eh!

"Tigilan mo 'ko jan sa mga kakirehan mo ha? Nah!", sabi ko sa kanya kaya at nahampas ulit sya sa braso. Natawa lang naman ito.

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Where stories live. Discover now