Episode 19

2.2K 122 73
                                    

#INSICanDoIt
--

It's been almost a week mula nung gabing nalaman kong ipapakasal na sya sa iba. Pero araw araw ay binabagabag ako ng aking konsensya. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ko sya pinagtataguan.

Magmula nung araw na yun ay sa bahay na lang ako palaging nakatambay. Inaaral ko ang mga papers sa company nina Papa. Hindi na ako pumupunta ng Reverie at sa Rave dahil alam kong susundan na naman nya ako. Kung pupunta man ako ay kukunin ko lang ang papers na kailangan kong basahin at pirmahan at agad aalis. Maya't maya ang tawag ni Luis sa akin, palagi daw akong hinahanap ni Edison, mabuti na lang at umaalis daw ito agad kapag malalaman nyang wala ako.

Miss ko na sya. Sobra. Pero kailangan kong saktan ang sarili ko para maging matatag sya. Na kaya nya ang sarili nya kahit wala ang presensya ko.

Nandito ako ngayon sa usual spot naming dalawa. Tinitingnan ko lang sya sa 'di kalayuan. Hindi naman nya ako mapapansin dahil madilim naman ang paligid.

Alam kong kailangan nya ako ngayon sa tabi. Lalo pa't hindi nya alam ang gagawin nya. Palagi syang tumatawag at nagtitext sa akin pero hindi ko na pinapansin.

Kahit ilang buwan lang kaming naging magkaibigan ni Edison ay kilala ko na sya. Napakasweet, caring at gentleman nyang tao pero pagdating sa pamilya ay mahina sya kaya siguro nagawa nyang pumayag sa kasunduang 'yon dahil mahal na mahal nya ang kanyang pamilya at naiintindihan ko naman.

Looking at him from afar ay masasabi kong ang lungkot nya. And really breaks my heart to see him like this pero kung kailangan ko syang saktan para malaman nya kung paano manindigan ay gagawin ko, kahit ako ay masasaktan na rin.

Agad akong umalis sa lugar na 'yon at baka mapansin pa nya ako. I drove my way home at minabuti ko nang magpahinga.

The next day ay pumunta ako sa bahay nina BeeJay. Wala pa kasi si Vince, isa pa yun, walang tigil sa pang-aasar kahit ang sarap na nyang bigwasan. But in the end, he always make me laugh. Yun siguro at tanging magagawa nya for now. Hay. Nakakamiss pala yun.

"Oh? Kumusta ka naman girl?", tanong ni BeeJay. Nandito kami ngayon sa sala nila, nanood ng movie. Actually, may entertainment room naman sila pero ayaw nya raw doon lalo pa't horror 'tong pinapanood namin.

"Okay lang, maganda pa rin", simpleng sagot ko while eating popcorn.

"Ay pak! Ganyan! Maging strong lang girl, because in the end, sayong-sayo naman talaga si Edison", sabi nito napatingin tuloy ako sa kanya ng may kunot sa noo, "Sus! Kunyari ka pang masaya, if I know ang lungkot ng feels mo noh? Alam ko namang namiss mo. Eh ano ba naman yang sinusundan mo sya sa secret place nyo, naku! Daming arte sa katawan! Imbyerna!"

"Whatever", I rolled my eyes.

"Whatever ka jan! Pero girl, excited na ako sa event the next day. Ay pak na pak! Ano kaya ang say ng parents ni Edison? At ano kaya ang mafifeel ni Labanos no? Mamumutla ata yun eh kahit maputla naman talaga yun, ay exciting!", sabi nya, natawa na lang ako, "Ayan. Tumawa ka na, mananawagan nga ako sa radyo mamaya na ibalik na yung ngiting Maymay", grabe talaga. 

"Manood ka na nga lang", sabi ko.

I always appreciate those people around me. Pinipilit nila akong icheer up and remind me na ipaglaban ang dapat ipaglaban lalo na 'to si BeeJay. Hindi talaga nya tinatantanan hanggang hindi nya ako makikitang tumatawa.

Dito na ako naglunch at ako na rin ang nagluto para sa kakainin namin. Kami lang naman dalawa dito sa bahay nila, aside sa kasambahay nilang busy rin sa kalilinis.

"Ay grabe! Ang dami mong niluto, inubos mo ata yung nasa refrigerator namin eh!", reklamo ni BeeJay. Andami ko ngang niluto at may padessert pa, "Ay tama, sabi nga nila pagbrokenhearted, sa pagkain dinadaan ..", sabi nito. Sinamaan ko naman sya ng tingin, "Ay hindi pala! Malungkot ka lang, hindi pala nabreak ang heart mo. Imbyerna 'to! Kain na nga lang tayo!"

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon