Episode 8

2.5K 134 39
                                    

#INSLove
--

"May? Mukhang successful ang Reverie ha?", si Kira. 

Nandito sila ngayon sa bar at kasama nya ang kanyang mga college classmates nya. Pinayagan naman sya ni Vince na magparty kaya nga lang, dito lang pwede. OA din nun eh, minsan na nga lang, arte pa.

"Sa awa ng Diyos, maayos naman ang takbo ng bar", sabi ko, "Jamming naman tayo minsan sa Rave, miss ko na tumugtog kasama ka eh"

"Sure! Why not? Kelan ba?", tanong niya. 

"Kung kelan mo gusto. Every saturday, tumutugtog si Vince dun"

"Oo nga eh. Yun rin ang sabi nya sa akin", she said, "Puntahan ko lang yung mga kasama ko sa taas May ha?"

"Yeah. Sure! Hatid na kita", sabi ko. They reserved a VIP room kasi sa kagustuhan na rin ni Vince dahil ayaw nyang mabastos ang pinakamamahal nyang Kira. Since hindi naman sya sumama ay mabuti na raw yung alam nyang safe ang girlfriend nya. Napakaprotective talaga.

Nang maihatid ko si Kira sa room nila ay pumunta muna ako sa restroom. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong ko pa talaga si Labanos kasama ang mga weirdo nyang kaibigan na puro kolorete ang mukha, nagmukha tuloy silang clown, dagdagan pa ng napakarevealing na suot. Jusko! Kailan pa naging bugaw ang babaeng 'to? Natawa na lang ako sa iniisip ko.

Actually, kilala ko naman ang mga kasama nya. Sila yung mga obsessed kay Vince noon. Stalker kung baga. Hindi ko alam na friends pala 'to ni Hillary. Tsk.

"Look who's here", si Labanos. She even looked at me intently from head to toe and even her so called pokpok friends. Matatakot na ba ako?

I ignored them. Ayaw ko nang gulo. At ayaw kong makapanakit ng tao. Baka kung ano pa isipin ng iba sa akin. Better safe than sorry, ika nga nila. But hell no, laban kung laban ako noh kaya lang I won't risk my bar para lang sa kacheapan ng babaeng kaharap ko ngayon.

Nagpoker face lang ako at nilagpasan lang sila. Pero lecheng Labanos, hinila ang braso ko. Bwisit!

"I'm not yet done with you", sabi niya at dinuduro pa ako. 

I smirked, "Bakit? Kelan ka pa nagsimula?", sabi ko and crossed my arms.

"Baka nakalimutan mo kung ano ang ginawa mo sa akin noon?", sabi nya at nakataas pa ang kilay. They even chuckled. Baliw na ba sila? 

"Oh. That", I said, "Well, hindi masyado. Ay no, kinakalimutan ko na pala, kasi naman, sino ka ba para isipin, di ba? Yung ka'cheapan mo? Yung pagkasocial climber mo. Yung --", she cut me off.

"At ikaw? Anong tawag sayo? Isa ka lang naman bartender na nanghuhuthot ng pera kay Edison", sabi nya. The hell! Matatawa na ba ako?

I chuckled, "Ako? Ako pa talaga? Nakakaawa ka naman. Kapit na kapit ka kay Edison dahil bankrupt na ang pamilya nyo", sabi ko at napatingin ang mga kaibigan nya sa kanya. So hindi nila alam? She feed her friends with lies? Hmm

"How dare you! Stay away from him!", singhal nya at was about to slap me pero napigilan ko ang kanyang braso.

"Don't you ever lay your hands off me", I said, "Or else.."

"Or else what? Bakit? Kilala mo na ba ako? I can do what ever I want!"

"At bakit kilala mo rin ba ako?", I said, "This is my second warning to you Hillary Peroza. Kung sa tingin mo makakaya mong tapakan ang pagkatao ko, wag mong subukan", sabi ko ng may diin pa talaga pero mukhang hindi naman natinag. 

Ikaw Na Sana (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora