[지효 × 리더] Jihyo × Reader (Tagalog Version)

2.3K 26 21
                                        

Update inspired by the story 'Live Boys' by Kuya Soju. I will be needing a contributor to make an English Version of this one shot for the sake of international readers.

리더's POV

Bumababa ako mula sa bus mula sa aming probinsya, ang Laguna, sinalubong agad ako ng napakakapal na mga usok na mula sa mga sasakyang dumadaan, ang nakakapasong na init ay akin na na ding nadama na tumatama sa aking balat.

Malayong malayo sa buhay na aking nakagisnan pero kailangan kong makipagsapalaran dahil hindi naman ako aasenso sa pagtanggap lamang ng mga labada, maghapong nakayuko para sa halagang limang daang piso na aming pagkakasiyahin sa loob ng isa o dalawang linggo. Ganoon ang aming buhay sa probinsya lalo na't ako ay hindi nakapagtapos ng pag aaral, bilang panganay sa aming anim na magkakapatid, ako ang inaasahan ng aking mga tumatanda na mga magulang.

Nag-iisip ako kung saan ako magsisimula upang makahanap ng mga dormitoryo o apartment na matutuluyan ngunit nakaramdam ako ng gutom nang kumalam na ang aking sikmura, hinihimas ko naman ang aking tiyan na wala pang laman kung hindi, kendi na aking binili sa tindahan bago ako lumawas dito sa Maynila.

Mukhang karinderya muna ang aking kailangang hanapin bago maghanap ng aking matutuluan.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may nakita akong babae na nahulog ang kaniyang coin purse habang may kinuha ito sa kanyang purse bag, agad ko itong dinampot at hinabol siya.

"Ale, ale-- yung coin purse niyo po, nahulog po nung may kinuha ka diyan sa bag mo kaya ito po, pinulot ko. Bilangin niyo po ang laman, wala naman po akong kinuha diyan." Aking pagpapaliwanag sa binibining na sa aking harapan, maputi siya, mabibilog ang kaniyang mata, mapula ang kanyang labi. Maganda ang kanyang katawan. Parang ka-edad ko lang siya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya para sa aking sarili dahil sa ganda nito at sa pagtawag ko sa kanya ng ale.

Nakita ko na ito ang kanyang tinignan, binilang ang laman. Inusisa ang bawat pocket nito na naglalaman ng mga samu't saring cards. Nang makita niya na ito'y kumpleto, ako'y kanyang tinignan na tilang may mga bituin sa kanyang mga mata.

"Di ko inaasahan na may mabubuti pang mga tao dito sa Maynila, thank you ah? O, ito..." Nakita kong humugot siya ng isang libong piso mula sa kanyang coin purse at inabot ito sa akin. "Tanggapin mo yan bilang aking pasasalamat."

Umiling ako't itinulak ang kamay niya pabalik sa kanya, yung kamay niya na may hawak ng pera nang pasasalamat.

"Naku, ale. Hindi ko matatanggap iyan, bukal sa loob kong isinauli iyan sa iyo nang walang hinihintay na kapalit o gatimpala." Aking pagpapaliwanag sa aking pagtanggi.

"Sige na, tanggapin mo na." Pagpipilit nito na tinumbasan ko naman ng mariing pangtanggi. Ibinalik niya ang isang libo sa kanyang coin purse.

"Mukhang hindi kita mapipilit, ganito na lang. Sabay na lang tayo mag-lunch, nakakain ka na ba?" Pagyayaya nito.

"Kahit hindi na po, okay lang po ak--" Hindi ko na natapos ang aking pahayag nang kumalam ang aking sikmura nang parang walang bukas, na parang may halimaw sa loob nito na naghahanap ng makakain, namutla ako sa kahihiyan at napatingin sa baba, hinahaplos-haplos ang aking tiyan.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Huwag ka nang mahiya at sumama ka na sa akin, hindi naman ako masamang tao tsaka kakain lang naman tayo."

Hindi na ako nakatutol pa nang ako'y kaniyang hilain papuntang sa isang restawran - malaki ito at maraming kumakain rito, maraming nakahain na pagkain na tila may catering at may kasalan dito.

"Maupo ka na lamang diyan at ako na ang bahala sa 'yo." Sabi nito sa akin na akin naman agad na sinunod. Nakita ko siyang kumuha ng pagkain mula sa mga lalagyan na punung-puno na samu't saring ulam.

MeltingWhere stories live. Discover now