Part 9 (Complete Chapter 7)

13.8K 355 9
                                    


THREE WEEKS LATER

"BYE," paalam ni Mikaella sa kaibigan. Uwian na niyon.

"Bye. Ingat. Huwag mong kalimutang ipaalam sa akin kapag nagparamdam na uli siya, ha? Cheer up. Baka nagpapa-miss lang iyon," ani ni Jena. Nasa harap na sila noon ng kanyang sasakyan.

Natigil siya sa aktong pagbubukas ng pintuan ng driver's side. "Hey, ano uli?" natatawang reaksiyon niya. Muli niya itong nilingon. Itinuro ang sarili. "Ako? Mag- cheer up? At bakit kailangan kong mag-cheer up?"

Namaywang si Jena. "Come on, my dearest. Nakakalimutan mo na ba ang motto natin na: Hypocrisy is not my cup of tea? Mga totoo tayo sa sarili natin, 'di ba? Alam natin kung ano ang mga ayaw natin at alam natin kung ano ang mga gusto natin. Kaya sabihin mo, disappointed ka na hindi siya nagpapakita, tama?"

Napapailing, binuksan ni Mikaella ang pinto ng sasakyan. "Kaibigan nga kita," aniya bago lumulan doon. Ang sinabi niyang iyon ay pag-amin na tama ito.

"I know, right!" pahabol na sagot ni Jena bago niya tuluyang maisara ang pinto. Kumaway at nagbato pa ito sa kanya ng flying kiss bago umalis sa unahan sa harap ng kotse.

Iiling-iling na minaniobra na ni Mikaella ang sasakyan at nagmaneho pauwi sa apartment. Alas-sais na ng gabi. Ganoong oras na sila nakalabas ni Jena dahil may mga papeles at accounts na kailangang i-over time.

Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mikaella. Ganoon ba ka-observant si Jena para mapansin nito ang pagkadismaya na sinikap niyang itago? O baka akala lang niya ay naitago nga niya? Dahil, oo, nakakadama nga siya ng pagkadismaya na lumipas ang tatlong linggo na hindi nagpakita sa kanya si James. Ni magparamdam. Dahil sa umpisa pa lang ay tumatak na sa isip niya ang mga linya nitong; I'll see you in Manila, Hindi kita titigilan, Madali kitang matutunton, I'll never leave you alone, at kung ano-ano pa. Bakit hindi iyon titimo sa isip niya gayong binitiwan nito ang mga salitang iyon na punong-puno ng pangako. Para bang isa itong hari na nagdelakra ng batas at kailangan iyong iukit sa bato para hindi mabura.

Ang mas malala pa, walang pinipiling oras na pumapasok sa isip niya ang lalaki. Gusto nga niyang ipasuri ang ulo kung may video tape ba roon, video tape ng pagmumukha ni James na may automatic reply feature pa yata. Tulad na lang sa sandaling iyon na gumigitaw sa isip niya ang eksena ng pagkakakorner sa kanya ni James sa may pader ng comfort room. Ang pagkakalapit ng katawan nila, ang tila tagos sa buto na tingin, ang sensuwal na labi, at ang halik. Damn it! Maayosna nakadokumento sa isip niya ang bawat sandali ng engkuwentro nila. Eksena sa eksena.

Saglit pa ay pumaparada na ang kanyang sasakyan sa harap ng kanyang bahay. Bumaba siya ng sasakyan, sinamsam ang kanyang bag at ilang folder bago tinungo ang front door para buksan iyon. Naisuksok na niya sa keyhole ang susi, pipihitin na ang seradura nang maagaw ang kanyang pansin ng busina ng sasakyan. Lumingon siya. And there, nakita niya ang pagparada ng isang itim na kotse sa likod ng kanyang sasakyan. Tumahip ang dibdib ni Mikaella dahil tila pamilyar iyon sa kanya. Bigla siyang nataranta. Dali-daling binuksan niya ang pinto, at nang makapasok ay isinara muli iyon.

SUMANDAL si Mikaella sa dahon ng pinto. Ang mga kamay niya ay sumapo sa nagririgodong dibdib. Parang mababasag ang rib cage niya sa sobrang lakas ng kabog niyon. Tinungo niya ang sofa, ipanatong doon ang mga gamit bago nagpalakad-lakad. Hindi siya maaaring magkamali, si James ang sakay niyon. Ang aroganteng lalaki na nangakong hindi siya titigilan pero hindi naman tumupad.

Nakagat ng dalaga ang kanyang ibabang labi nang mapagtanto kung ano ang inakto niya. Oh, crap! Bakit naman ganoon ang naging reaksiyon niya? Muntikan pa siyang mapatili nang umalingawngaw ang tunog ng doorbell. Lumapit siya sa pinto at sumilip sa peephole. Siya nga! Alam na nito kung saan siya nakatira at malay ba ba kung ano pa ang mga nalalaman nitong impormasyon tungkol sa kanya.

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon