Part 24

10.7K 426 5
                                    


MIKAELLA blinked away her tears. Parang bula na naglaho sa puso niya ang nadaramang saya at napalitan ng pait at galit dahil sa mga eksenang tumatakbo sa isipan. Mga eksena ng nakaraan. Nasa kalsada pa sila. Sa gilid ng mga mata niya, nakita niya si James na pasulyap-sulyap sa kanya at animo hindi malaman kung papaano babasagin ang katahimikang humaharang sa pagitan nilang dalawa.

"Can we make it last forever, Mikaella?" pag-alingawngaw sa kanyang isipan ng sinabi ni James. No. There was no such thing as 'forever'. Gawa-gawa lang iyon ng mga taong mahilig tumakas sa reyalidad ng buhay. Iyong mga taong humahanap ng rason para maibsan ang kamiserablihan nila.

Tumunog ang alarm ng cell phone ni Mikaella. Sinuri niya ang kanyang telepono. Call nanay, ang dalawang salitang nagbi-blink sa monitor niyon. Tatawagan nga pala niya ang ina sa ganoong oras. Inilagay niya iyon sa reminder dahil lately ay para siyang wala sa sarili. No. Ang totoo, nitong huling dalawang linggo ay walang ibang laman ang kanyang utak kundi si James na nalilimutan na niya ang iba pang bagay. Kinalma niya ang sarili at nilunok ang tila malaking bikig na bumabara doon. Idinayal niya ang numero ng kanyang ina. Agad namang kumonekta iyon. "N-Nay..."

"Tita Mika," sabi ng batang tinig na siyang sumagot. "Si Angela po ito."

"Oh, Angela." Bakit nasa pamangkin niya ang cell phone? "Si Inay?"

"Eh, ako po muna ang pinatao niya dito sa bahay. Naiwan po niya itong telepono at nakita kong ikaw ang tumatawag kaya sinagot ko na po."

"Ah, ganoon ba?. Eh, nasaan ba siya?"

"Nasa ospital po."

"Ospital?!" agad niyang reaksiyon, nakakadama ng takot. Dama niya nang batuhin siya ni James ng nag-aalalang tingin.

"Ate Mika, kumalma ka. Hindi ho si Tiyang ang nasa naospital kundi si Ate Marie." Nakahinga nang maluwag kahit papaano si Mikaella. Ang pinsan pala niya na si Marie ang nasa hospital. "Nag-away po kasi sila ni Kuya Nilo kanina. Naitulak yata si Ate Marie. Ayon, dinugo si Ate. Buntis yata. Eh, 'di isinugod ni Tiyang sa hospital."

Saglit na hindi makahuma si Mikaella. Naitulak o itinulak? gusto sana niyang itanong. Pero siyempre ay alam naman na niya ang sagot. Hindi naman lasenggo o sugarol si Nilo pero seloso ito. At kapag nagselos ay hindi nangingiming manakit. Na para bang ipinapakita na mas superior ito, na dapat katakutan. Mapait na napangiti si Mikaella. "S-siya, sige. Pakisabi kay Inay pag-uwi niya na tawagan ako, ha? Bye."



"PUWEDE ba tayong mag-usap?" tanong ni James kay Mikaella. Nakuwi na sila at nakapaligo na. Walang nais maghapunan kaya maagang nakaalis ng bahay si Pina. Naging napakatahimik ng biyahe nila pauwi. Halos hindi na nga niya napansin na nakauwi na pala sila. Parang robot na kumilos siya.

"Tungkol saan?" hindi tumitingin na tanong niya rito. Nakaharap siya sa nakabukas na telebisyon pero ang totoo ay wala naman doon ang kanyang isipan.

"Sa nangyari." Naupo ito sa isang single settee. "Sa proposal ko."

"Gusto mong pakasalan ako? Gusto mong maging iyo ako habang-buhay. Why? Because even if I'm inexperience I'm still great in bed?"

"Mikaella!" tila nahihindik na protesta ni James. "Paano mong nasasabi iyan? Iyon ba ang tingin mong nangyayari? Iyon ba ang tingin mong habol ko sa 'yo? That was ridiculous! Gusto kitang maging asawa dahil mahal kita!" Anyong natigilan si James, tila ba may nasabi na nagpagulat dito. "God! How fool I've been for not saying the words. For not giving it a voice before. Ibig kong sabihin ay palagi kong sinasabi na mahal kita, sa isipan nga lang. I love you and I want to marry you because I want to spend the rest of my life loving you."

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon