Part 14

10.5K 335 1
                                    


KINAHAPUNAN ay nasa palasyo sina James at Mikaella para sa isang welcome dinner kasama ang mga miyembro ng royal family at ang ilang opisyales na namamahala sa proyektong Technology Ahead. Handa si Mikaella sa mga formal function na ganoon kaya hindi niya nakalimutang magdala ng mga damit na aangkop sa ganoong okasyon. May limampu yata ang tao sa napakalawak na hall na pinangungunahan ng hari at reyna. Some were dressed in a traditional clothes. Marami rin naman naka-dress. In fairness, halos lahat yata ng nakadaupang-palad niya ay napakababait.

"Hey," anang tinig ni James kasabay ng pagpulupot ng braso nito sa kanyang baiwang. "You're doing great. Hinahangaan nila ang elegance mo," may pagmamalaking wika nito. The pride in his eyes couldn't be mistaken. "Ganoon din ang kagandahan mo. Kung alam lang nila na amasona ka naman talaga," biro nito. "Come. Magsayaw tayo."

Hindi tumutol si Mikaella nang igiya siya nito sa dance floor. Tutal ay marami rin naman ang pareha na marahang umiindak sa isang mahinang tunog sa native na lengguwahe. Ginaya lang nila ang posisyon ng mga pareha na hindi naman nalalayo sa mga slow and sweet dances.

"What?" tanong ni James nang titigan niya.

Nagkibit-balikat siya. "Nadiskubre ko lang naman na may dual personality ka pala."

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Yeah? At ano naman ang mga iyon?"

"Well, arogante at bossy ang isa. And isa naman ay... likeable—unless arte mo lang iyon." Mula nang dumating sila roon ay hindi pa niya nakakaengkuwentro ang aroganteng James. Ang James na nakakasama niya, so far, ay mabait, maalalahanin, at maalaga.

"Likeable, huh?" Ngumiti ito. At isa pa iyon sa mga hindi niya magawang balewalain. Kapag ngumingiti ang binata, para bang ang pader na ipinalibot niya sa sarili ay nagkakaroon ng lamat. "So ayaw mo noong arogante at bossy na James?"

"Walang duda," ingos niya. "Sino ba ang may gusto ng ganoong ugali?"

"Hmm. Sabihin mo nga, kung hindi kita idinaan sa blackmail, kung idinaan ko kaya sa pagmamakaawa, nandito ka kaya ngayon sa sitwasyong ito? Nandito ka kaya kasama ko? Kasayaw ko? Hawak ko?" Nagkaroon ng kakaibang intensidad ang titig nito.

Umiling siya. "W-wala."

"So I did the right move then. Mikaella, habang nandito tayo wala tayong ibang masasandalan kundi ang mga sarili natin at, Well ang gusto ko talagang itanong ay kung puwede ba tayong ganito? Nag-uusap, hindi naiilang..."

Tumango siya. "Puwedeng-puwede." Kumislap sa kasiyahan ang mga mata ni James. "Kaya ko ngang umarte, 'di ba?" dugtong niya. "Kung kapalit niyon ay ang katahimikan ko pagkatapos. Bakit hindi?"

Napawi ang ngiti nito. "Right."



NAALIMPUNGATAN si Mikaella nang marinig ang tunog ng cellphone niya. Inaantok na hinagilap niya ang telepono at sinagot iyon. "Hello...?"

"Open the door. Now. Nandito na si Pina. Hurry," mahinang sabi ng caller na agad niyang nabosesan, si James. Napabalikwas siya at dali-daling tinungo ang pinto. Ini-lock nga pala niya iyon kagabi. Nakasanayan na kasi niya na mag-lock ng silid niya. Binuksan niya ang pinto, agad namang pumasok sa silid si James.

"N-nakita ka niyang natutulog sa labas?" nag-aalala niyang tanong. Binuksan niya ang ilaw bago sinulyapan ang wall clock. Mag-aalas-kuwatro pa lang ng umaga.

"Hindi naman. Naalimpungatan agad ako sa papalapit na yabag. So, nagpunta ako sa kusina at umakto na kumukuha ng tubig."

"Ha? Eh, may ref naman dito sa loob, 'di ba? Hindi siya nag-usisa kung bakit kailangang sa labas ka pa kumukuha ng—" Tumigil siya sa pagsasalita nang mapansin niya na pinagmamasdan siya nito. His stare was intense. Tila sumisigid iyon hanggang sa mga buto niya, giving her a little chill. "What?" Nakapaa lang siya. Magulo ang buhok at nakasuot ng nightgown, sexy nightgown—ayon na rin sa payo ni Jena na dapat niyang iempake. Hindi naman siya tanga para hindi mapagtanto na apektado si James sa ayos niya. Bakit hindi, eh, bukod sa sexy nightgown iyon ay halos see through rin. Batid niya na maaaninag ang panloob niya, gayundin ang hugis ng kanyang katawan. Lihim siyang ngumisi. Pero aaminin niya na naaapektuhan siya ng titig na iyon.

Umiling ito. "W-wala." Pagkatapos ay lumunok.

"May problema ka sa ayos ko?" kunwari ay mataray niyang tanong.

Mula sa kanyang katawan, tumaas ang paningin ni James. Sa kanyang labi muna, nagtagal doon ng ilang segundo bago tumaas at sinalubong ang kanyang tingin. It was suddenly clouded with so much desire. "You're asking me kung may problema ako sa ayos mo?" Bigla ay kumapal ang boses nito, gumaspang. Tila tumatagos sa katawan niya ang mainit na titig nito, pinag-aapoy ang kanyang katawan. Humakbang ito papalapit sa kanya. Gustong umatras ni Mikaella pero hindi niya maigalaw ang mga paa na animo sinemento na iyon roon. "Meron. May problema ako sa ayos mo, Mikaella." Lumapit pa ito sa puntong isang dangkal na lang yata ang agwat ng mga katawan nila. "It's making me... hard. So hard."

Mikaella gasped. Biglang nabuhay ang lahat ng dugo niya dahil sa sinabi nito.

"So hard I'm almost in pain..." dugtong pa nito.

Lumunok siya. She's feeling sexual at the moment. Gising na gising ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Something at the core of her being was throbbing, asking for his touches. Kaunting pisi na lang ang pinanghahawakan niya para hindi hapitin si James at kuyumusin ng halik. "W-well, uhm... p-problema nga iyan. At ano ang plano mong gawin diyan?" aniya, umaasang ito ang gagawa ng unang hakbang.

"Cold shower, I think," anito bago umungol. "Very, very cold shower."

Itinago niya sa paghalakhak ang pagkadismaya. Umalis siya sa harap ng binata na para bang binibigyan ito ng daan. Pagkuwa'y exaggerated na iminuwestra ang bathroom. "Gusto mo bang ihanda ko ang susuutin mo, sweetheart?" panunudyo pa niya.

Umungol si James bago pumasok na sa banyo. Bahagya pang ibinagsak ang pinto niyon.

Hindi siya nag-take advantage sa akin, naisip niya, hindi malaman kung matutuwa o maiinis.


The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon