Chapter 2: Nightmare

11.9K 255 0
                                    

Snow's POV

Ngingiti ngiti akong pauwi sa condo. Kasabay ko si jade.

"Alam mo ang creepy mo. Ngingiti ka dyan. May kaaway ka na naman ba?"

Umiling ako at napamulsa na lang.

"Hoy! Tinatanong kita!"

Tumigil ako sa paglalakad at sinamaan ng tingin si jade. Nakasimangot naman ito, napabuntong hininga na lang ako. Paniguradong di ako titigilan ng babaeng to.

"Natutuwa lang ako sa president of the student council natin."

"President? Who? Si Summer?"

So summer pala name niya. Tumango na lang ako sa kanya.

"Oh eh ano namang nakakatuwa don? Type mo?"

Sinamaan ko na naman siya tumingin. Tumawa lang naman ito.  Dare-daretso kami sa elevator. Nasa 13th floor ang condo namin.

"So, type mo nga?"

"No."

"Sus. I know you, mukang type mo nga si summer."

"Bahala ka."

Tumatawa na naman siya. Pagkahinto naman ng elevator dare daretso ako sa room namin.

"Sige na, sabihin mo ng type mo siya. Aminin mo na."

"Ang kulit mo. Di ko siya type. Nakakatuwa lang siya kasi mukang takot na takot siya sakin."

"Oh eh ano namang nakakatuwa don?" sabi ni jade sabay plakda sa sala. Naupo na rin ako. "Eh halos lahat nman takot sayo lalo na pagtitingin ka pa lang."

"Oo nga."

"Letse ka talaga!"

Sabay bato naman nito ng unan sakin. Umiling iling na lang ako.

"Napaka wala mo talagang kwenta kausap!"

Nag half smile lang ako sabay punta sa room ko. Nilagay ko ang mga gamit ko sa kama sabay pikit. Inaantok na naman ako.

*tok tok tok*

Nakakunot noo akong tumingin sa pinto. Biglang pasok naman si jade. Sinamaan ko siya ng tingin sabay pikit ulit. Mangungulit na naman to.

"Tara punta tayo kila Jace!"

Di ako sumagot. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko. Baka kasi makatulog lang ako don pero mukang di naman.

"Hoy ano? Tara!" sabay yugyog sakin at talon sa kama ko.

Tumayo na lang ako at dare-daretsong lumabas ng kwarto. Sumunod naman sakin si jade at kinuha na ang susi ng kotse ko.

Alam na niya agad na pumayag akong pumunta kila jace kahit wala akong sinasabi. Sanay na sanay na yan sakin.

Bumaba na kami ng condo at sumkay sa sasakyan ko. Ewan ko ba may sasakyan naman si jade pero ang hilig gamitin ang sasakyan ko. Tsk.

Naupo na lang ako sa passenger seat at napikit. Siya naman ang nag drive.

"Sige pre, tulog ka lang gisingin na lang kita."

Di ako sumagot. Maya maya lang ginising na niya ako andito na kami kila jace. Jace's Bar.

Dare-daretso kaming pumasok at nakita namin don ang barkada.

"Uy! Snow and Jade! Waah!" sabi ni anne sabay yakap saming dalawa at hinalikan kami sa pisngi.

"Himala yata at napunta kayo dito sa bar ko ha sis?" sabi naman ni jade saby akbay saming dalawa at humalik din sa pisngi namin. Kapatid ni jade si jace. Kambal sila. Kaso si jace ay lalaki.

Summer Melts the SnowTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang