Chapter 10: Get well party

8K 190 2
                                    

Snow's POV

Magdadalawang linggo na nung huli kaming nagkausap ni summer. Yung hinatid ko siya sa kanila. And up until now, di ko pa rin siya nakakausap although magclassmate kami at magkatabi ng upuan I didn't bother to talk to her. Dont ask me why, cause I dont know either.

Ilang beses niyang tinangka na kausapin ako pero umiiwas ako. Ayoko kasi ng nararamdaman ko kapag magkasama kami. Tuwing nadidikit ang balat ko sa balat niya, may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. Everytime na nakikita ko siya, especially kapag nakikita ko siyang nakangiti o tumatawa, tumatalon palabas ang puso ko. And I dont like that. Baka lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ayaw mo ba nun? Malay mo pareho kayo ng nararamdaman.

I dont think so. She thinks of me as a friend. Nothing more, nothing less. Ayokong umasa, dahil sabi nga nila masakit daw umasa. I know very well kung anong nararamdaman ko towards kay summer. Gusto ko na siya. Yeah, I already like her sa sandali pa lang na nagkasama kami. Gusto ko to pigilan dahil bago to sakin. Never ko pang naramdaman to sa iba. At ayokong masayang yung nararamdaman ko lalo na't alam kong di mutual ang nararamdaman namin sa isa't isa.

I dont want to be the one who fall and I know she's not there to catch me. So why bother right? Mabuti na nga lang at busy rin sila ni sam sa student council at kahit papano diko siya masyado nakikita kapag wala ako sa classroom.

"Oy snow. Bakit parang iniiwasan mo si summer?" si jade. Lagi niyang tinatanong yan sakin and us usual diko siya sinasagot. Ayokong malaman niya na may nagugustuhan na ako and si summer pa yun. Mamaya kung anong gawin nito, may saltik pa man din tong kaibigan ko na to. Mahirap na.

Andito kami ngayon sa gym ng school. Varsity player na kami ni jade. Nag try out kami nung nakaraang linggo, medyo nahuli na nga kami sa try out pero natanggap pa rin kami. Di naman sa pagmamayabang pero magaling kami ni jade sa larong to. Mula pa mga bata kami nilalaro na namin to, we even join some summer camp ng volleyball kaya natanggap kami agad. Puspusan ang pag pra-practice namin. Sa umaga at sa hapon, kaya pagdating namin na dalawa sa condo ni jade natutulog agad kami. Minsan nakakalimutan pa namin kumain sa sobrang pagod. Ikaw ba naman na, 2 hours ang practice every morning tas papasok ka pa syempre tas another 3-4 hours practice sa gabi. Minsan nakakauwi na kami ng halos 10 or pag sinuswerte mga 9 pm ng gabi tas gigising at papasok kami ng 6 am kasi nga may practice pa. Sobrang pagod at pagpupuyat pero okay lang naman.

Dahil dito di ko na rin masyado naiisip si summer.

"Earth to snow?" sabi ni jade hababg winawagayway pa ang kamay sa harap ko. Inirapan ko siya. "Problema mo?" inis na tanong ko.

"Problema ko? Wala naman. Eh ikaw? Problema mo? Ilang araw mo ng di pinapansin si summer! Akala mo ba diko alam? Nag kukwento kaya si sam sakin minsan!"

"Nagtataka na ako sainyo ni sam. Kailan pa kayo naging close?"

"Di kami close!" sabay halukipkip ng mga kamay niya. Inismiran ko lang siya at nainom ng tubig.

"So snow, sabi ni sam kapag binabati ka daw ni summer ng hello or something, tinitingnan mo lang daw siya then lalayasan. Sabihin mo nga, ano bang nangyari? Kayo na ba at nag away kayo? Ano?"

Tsk. Kahit kailan talaga tong si jade. Napakadaldal.

Huminga ako ng malalim at nilapag na muna ang bottled water. Halos maubos ko to sa pagod.

"Diko siya iniiwasan." tipid na sagot ko, tinaasan naman niya ako ng kilay. Seriously? Problema nito? Nabaliw na naman.

"Okay! Kung talagang di mo siya iniiwasan, ihahatid mo siya ngayon mismo. Halos kasabayan lang natin umuwi sila sam at lalo na si snow kasi mas marami siyang ginagawa sa student council, so ihahatid mo siya then maguusap kayo sa kung ano man ang dapat niyong pag usapan and! Kapag di mo nagawa to, di kita papapasukin sa condo. Bahala ka matulog sa kung saan mo gusto, sasabihan ko rin sila jace at iba pang barkada na wag kang patuluyin, and! Nasa akin nga pala wallet mo, including your cards and cash so wala kang panggastos. So your choice." sunod sunod na sabi niya tsaka pinakita ang wallet ko na hawak niya habang nakasmirk.

Summer Melts the Snowحيث تعيش القصص. اكتشف الآن