Chapter 41: Kidnapped

4.5K 83 2
                                    

Snow's POV

"Ano gagawin dito boss?"

"Iwan na muna natin. Wag niyong gagalawin yan, ako na bahala dyan mamaya. Babalik ako, at kayo naman magsi bantay sa labas! Isa yang Kent, baka may mga bodyguards na bigla na lang sumulpot dito."

"Yes boss."

Argh. Ingay naman nila kainis. Kanina pako gising pero nag tutulog tulugan lang ako. Hindi ko pa makita ang muka nung boss nila na malamang si joshua yun, pano masakit pa kasi talaga ang batok ko. Nyemas!

Nung naramdaman ko na wala ng tao sa paligid, tsaka ako nagmulat ng mata. As usual, nasa lumang gusali ako. Pero kakaiba, hindi siya mga storage or lumang bahay o ano. Para siyang hospital. Lumang hospital.

Inikot ko pa ang paningin ko sa paligid, nasa isang kalakihan na kwarto ako. Pero amoy gamot at hospital pa rin, may mga dextrose pa at injection akong nakikita sa isang lamesa na malayo sakin.

Diko mapuntahan dahil nakatali ako sa isang upuan, pati paa ako nakatali rin. Shit, kailangan kong makalabas dito! Pilit kong iniikot ikot at kinakalikot ang kamay ko, medyo masakit pero keri lang.

Buti na lang lagi akong may dalang pocket knife, mukang di nila ako kinapkapan ah? Daretso tali agad sa upuan. Tsk. Anong klaseng mga kidnappers to, mga walang kwenta. Nyeta.

Gamit ng pocket wife ko mula sa likod ng bulsa ko, natanggal ko ang tali sa mga kamay ko. Sinunod ko naman ang mga tali sa paa ko. Nang makalawa na ako, tinago ko na ulit ang pocket knife ko sa bulsa ko ar nag ikot sa kwarto. Medyo madilim pero may konting ilaw pa rin dahil sa emergency light ng kwarto.

Lumapit ako sa lamesa na may mga injections, may bote na katabi ito. Fucking sht! Balak nila akong lasunin gamit nito?! Paniguradong wala pang sampung minuto, patay na ako nito!
Ay hindi, mga 2 oras siguro. Pero mapaparalyze ang buong katawan ko at fuck! Diko na alam! Potassium cyanide. A poison that can kill any person in an instant. Sht.

Tinanggal ko ang laman ng mga injections at tinapon ito sa malapit na basurahan. Pati rin yung bote na nasa gilid inubos ko rin yung laman, at pinalitan ng tubig na nakita ko sa sahig. Nagmamadali ngunit maingat ang bawat kilos ko. Baka biglang may pumasok at paktay na! Paktay na talaga ako.

After ko gawin yun, tumingin naman ako sa paligid. May kadikit na building dito, at puro bakanteng building na. Nakita ko rin ang mga tauhan ng joshua sa baba. Now what? Pano ako makakatakas dito? Tsk.

Lumapit ako sa pintuan, pinakinggan ko ang labas. Wala akong marinig na kahit na ano. Kaya binuksan ko ng dahan dahan ang pintuan, sumilip ako sa paligid pero walang tao. Tumingin naman ako sa bawat itaas na sulok, baka may cctv. Pero wala rin. Good.

Lumabas ako ng kwarto, dahan dahan. Nakita ko agad ang fire exit at dahan dahan na pumunta don. Binuksan ko ang pintuan pero wala ring bantay dito. Mukang nasa ibabang bahagi sila ng gusali, mabuti naman.

Diko talaga alam kung tanga ba ang mga tauhan ni joshua, o si joshua mismo? Kasi kung ako, mang kikidnap? Aba! Lahat ng palapag ng building lalagyan ko ng tauhan, lalo na yung kwarto kung nasaan ang kinidnap ko. Kaso siya wala eh, ang tanga lang!

Dahan dahan ang pagbaba ko ng hagdan. Baka makagawa ako ng ingay at panigurado yari na ako. Mabilis ngunit dahan dahan ang bawat kilos ko, silip dito, silip doon ang ginagawa ko.

Pababa lang ako ng pababa ng may narinig ako sa isang malapit na pintuan sa fire exit. Lumapit ako at nakinig sa usapan nila,

"Ang ganda at ang sexy nung bunsong anak nung mga Kent ano?"

"Oo nga eh. Sarap patusin! Sarap tikman! Kanina nga nung nakita ko yun, natakam agad ako. Parang ang sarap dilaan ng bawat parte ng kataw--"

Summer Melts the SnowМесто, где живут истории. Откройте их для себя