Chapter 44: Full Support

4K 101 3
                                    

Snow's POV

Isang linggo ng nakakalipas nung nakaalis ako ng hospital. Okay na ang lahat, naging barkada na rin namin si riyen at kiri. Although, ibang school si kiri dahil may sarili naman siyang skwelahan, may communication pa rin kami.

Kakatapos lang ng klase at practice namin, kaya nag uusap usap kami ngayon. Kailangan daw kasi ni summer myloves ng tulong,

"So ano problema summer?" tanong ni jade.

"Ano kasi.. Nakakahiya eh," pakamot kamot pa siya sa ulo niya. Natatawa na lang ako.

"Ano na? Sabihin mo na," pamimilit ni riyen.

"Ano nga kasi.. Diko alam kung okay lang sainyo eh," nahihiyang sabi ni myloves.

"Sabihin mo na kasi sis! Pabitin ka pa eh!" reklamo ni sam. Natatawa na lang ako sa kanila.

"Ano nga ka--"

"Kailangan niya ng makakatulong sa paglilinis ng buong mansyon nila." pagpapatuloy ko sa sasabihin ni summer.

"WHAT?!" sigaw nilang lahat kaya natawa na ako ng tuluyan. Hahaha!

"Please guys? Kasi kung kami lang ni snow ang maglilinis dun, baka abuyin kami ng ilang weeks."

"Sige na guys, payag na kayo para kay summer myloves," sabay kindat kay summer na kinangiti naman niya.

Actually, nung una nagulat at umayaw na rin ako kasi naman malaki ang mansion nila, mansion nga eh! Tapos kaming dalawa lang papalinisin niya don? Grabe. Kaya nag suggest ako na humingi rin siya ng help sa barkada.

"Bakit? Eh diba may mga katulong naman kayo sis?"

"Meron nga, kaso sabi ni mom and dad, kami na lang daw maglinis nila kuya kaso sila kuya at ate ko naman may mga sariling business and syempre sakin ang bagsak ng gawain na yun, day off ng mga katulong eh. Saturday and sunday maglilinis, kailangan daw monday malinis na." nakapout pang sabi ni summer.

She's so adorable right now. I wanna pinch her cheeks and kiss her hard, fck!

"Well ako sis, payag naman ako. Ewan ko lang sa kanila." sabi ni summer. Niyakap naman siya ni summer, "Thank you sissy sam." sabi niya pa.

Tumingin naman ako kay jade, panigurado papayag na rin to. In, 1,2..

"Ako rin! In na rin ako dyan," sabi na eh. Kapag sasali o sasama si sam, automatic sasama rin si jade. Haha. Apat na kami yes!

Tumingin naman ako sa iba, tiningnan ko ng masama sila jace, anne, athena, at khail.

"A-ah ako din. Sali rin ako dyan," sabi ni jace. Ganun na rin ang sinabi nila anne, athena, at khail. Marunong naman pala makiramdam eh. Nakukuha sa isang tingin. Good!

"Wow! Thank you!" tuwang tuwa na sabi naman ni summer. Ngumiti naman ako sa kanya and mouthed, 'I love you', kumindat naman siya sakin.

Tiningnan naman ni sila riyen, at silver. Muka kasing nag aalangan sila, si summer naman naka dikit na ang mga palad at parang nag wiwish.

Sinipa ko naman si riyen at tinaasan ng kilay, mukang nagets naman niya agad.

"Alright, im in." napipilitang sabi ni riyen. I smirk at her at umirap lang naman siya sakin.

Si silver naman, nag buntong hininga lang at um-oo na rin. Sila ate kaireen at fall naman, um-oo na rin. Kaya sobrang saya ni summer. Natutuwa naman ako dahil masaya siya.

"Okay, bukas na ang paglilinis ha. Punta na lang kayo sa bahay ng 7 am para makatapos tayo ng maaga rin." excited at tuwang tuwa na sabi ni summer na talagang kumikinang kinang pa ang mga mata.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon