Chapter 14: Grocery

6.3K 175 3
                                    

Summer's POV

"Bunso! Halika nga dito."

"Wait lang kuya!"

Aish! Tinatamad akong umalis ng kwarto ko, kaso itong si kuya kanina pa ako tinatawag! Hay nako.

Bumaba na lang ako at pumunta sa sala kung nasan si kuya.

"Oh bakit kuya?"

Prente siyang nakaupo at binaba ang magazine na binabasa niya.

"Mag grocery ka."

"Ano?"

"Mag grocery ka sabi ko."

"But, why me? Kuya marami pa akong gagawin! Alam mo naman na malapit na ang superiors meeting diba? Kuya naman, atsaka andyan naman sila manang eh." angal ko sabay crossed arms.

"Tsk. Maghapon ka ng nakakulong dyan sa kwarto mo. Kanina pa kita tinatawag. Ah basta, magbihis ka at mag grocery kayo."

"Kayo?"

"Basta. Mag bihis ka muna. Dalian mo."

Tsk. Padabog akong umakyat ulit sa kwarto ko at nagbihis. Medyo badtrip ako ngayong araw, pano naman kasi ni hindi man lang nagtext si snow o tumawag mula pa kanina. Sabado ngayon at walang pasok. Alam ko na may practice sila pero ano naman yung magtext siya diba? Wala man lang goodmorning text! Anong klaseng manliligaw yun. Hays.

Nagbihis na ako at bumaba ulit. Sakto naman na may narinig akong busina. Baka si ate. Bumaba na lang ako at nakita ko si kuya sa kusina.

"Oh kuya. Ready na ako. Amina yung pang grocery. Ano ba yung mga igrogrocery ko?"

"Oh eto," sabay abot ng pera at listahan. "Yan. Lahat nang andyan bilhin mo okay? Andyan na yung kasama mo mag grocery, pumunta ka na sa garahe. Mag ingat kayo ha."

"Tsh. Okay."

Umalis na ako sa kusina at nilagay na din ang pera at listahan sa bag ko bago pumuntang garahe.

"Hi summer. Get in."

Napaangat ako ng tingin sa boses na narinig ko. Si snow! Anong ginaga-- dont tell me siya yung kasama ko mag grocery? Tsk. Galit pa din ako sa kanya.

Diko siya pinansin at sumakay na lang bigla sa sasakyan niya. Nakita ko pa itong nagtataka pero bakit ba! Di kaya siya nag paramdam sakin half day! Tsk.

Nililigawan ka pa lang. Di pa kayo uy!

Alam ko!

Bakit ang demanding mo? Kung maka asta ka parang may responsobilidad na siya sayo na itext ka o tawagan.

Bakit ba? Nililigawan niya ako kaya dapat lang yun noh.

Aysus.

Hmp!

Sumakay na siya sa driver seat at nag seat belt. Patingin tingin siya sakin habang in-start ang sasakyan at hanggang sa umalis kami ng bahay. Di ko siya pinapansin at nakatingin lang sa labas ng bintana.

"Ahm, summer? May problema ba tayo?"

Problema? Oo!

Meron ba?

"Ah basta!"

"Huh?"

Ay shit. Nasabi ko nang malakas. Itong si brainy kasi kainis!

"W-wala."

"Ah ganon ba. Okay ka lang ba? Para kasing irita ka ngayon. Dahil sakin ba?"

"Hindi. Basta! Mag drive ka na lang!"

Summer Melts the SnowWhere stories live. Discover now