CHAPTER 8

1.3M 29.1K 7.1K
                                    

Happy 27th Birthday to AMIGAEL "CHINCHIN" ALONZO. Wishing you good health and happy life. 


CHAPTER 8

AYAW NI Ruth na isturbuhin ang mga magulang niya kaya naman hinawakan niya si Beckett sa braso saka hinila ito palabas ng kuwarto ng ama at sa labas ito kinausap.

"Seriously, Furrer, ano ba'ng ginagawa mo rito?" Parang napapagod na siyang itanung iyon palagi sa binata sa tuwing nagkikita silang dalawa. "Sinusundan mo ba ako?"

Walang pag-aalinlangang tumango ang binata. "Oo. Sinusundan kita."

Tumaas ang kilay niya. "Bakit? Ano na naman ba ang kailangan mo sakin?"

"I want to see you."

Pinag-krus niya ang mga braso sa harap ng dibdib. "At bakit?"

"Kasi na miss kita e."

Mapakla siyang tumawa. "Ginagago mo na naman ako e."

Mabilis na umiling si Beckett. "No, let me explain first."

"Please, Beckett, stop pestering me—"

"I don't want to be here either!" He snapped at her. "Sa tingin mo gusto kong sundan ka ng sundan? Hindi! Ayoko. Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gusto kitang makita, kung bakit kailangan kitang makita, kung bakit kapag hindi kita nakikita ay para akong nababaliw sa kaka-isip sayo. I want to be sane again, Ruth. I want to go back to the days where I don't give a shit about you! Sa tingin mo gusto kong maging parang tuta na sunod ng sunod sayo?"

Nameywang siya, "kung ganun naman pala, e di huwag mo na akong sundan. Pigilan mo ang sarili mo. Ayaw rin naman kitang makita e. Ayokong makipag-gaguhan sayo."

"Pero yong nangyari satin sa New York—"

"What happened in New York stays in New York." Aniya sa malamig na boses. "Huwag mong gawing big deal 'yon. Lalaki ka, I'm sure madali lang 'yon sayo. Kaya please lang, mula ngayon, huwag mo na akong sundan, huwag mo na akong isipin, at huwag mo na akong kakausapin kahit pa magkita tayo kung saan. Pareho naman ang gusto natin, ang bumalik sa dati na balewala natin ang isa't-isa. Its better for you, its better for me so let's settle with that."

"No—"

"Your answer should be 'Yes'."

"You are not the boss of me."

"I don't care! I just don't want to see you! Ano ba ang mahirap intindihin do'n?!"

May kung anong emosyong bumalatay sa mukha ni Beckett na kaagad din namang nawala pagkalipas ng ilang segundo kapagkuwan ay namulsa ito saka tumango-tango. "Sige. Aalis na ako. Mukha ngang mas makakabuti sating dalawa 'to." Anito saka umatras at tumalikod pagkatapos ay malalaki ang hakbang na naglakad palayo sa kaniya.

Humugot siya ng malalim na hininga habang nakatitig sa papalayong bulto ng binata kapagkuwan ay pumasok siya sa kuwarto ng ama at inabala niya ang sarili sa paglalaro ng uLOL para malibang siya. Alam niyang gustong magtanung ng Mama niya tungkol sa nangyari at pinag-usapan nila ni Beckett pero nanatili itong tahimik na ipinagpasalamat niya.

She doesn't need complication in her life. Lalo na sa pagkakataon ngayon na nasa Hospital ang ama niya.

So as days goes by, she devoted her time in caring for her father after the tubes were disconnected from his body. Ginugol niya ang oras sa pagbabantay at pag-alalay sa Papa niya na salamat sa diyos ay nagising na rin.

"Pa, talagang pagagalitan ko na kayo kapag kumain na naman kayo ng mamantika." Pagbabanta niya sa ama habang sinusubuan ito ng oats. "Makinig na kayo sa'min ni Mama. Hindi na puwede ang maraming kanin, ha, huwag matigas ang ulo."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon