CHAPTER 14

1.3M 27.6K 10.4K
                                    

Hi to Iris Gonzaga and Eva Christine Obillo. No matter how you feel, get up, dress up, show up and never ever give up. 

CHAPTER 14

DAYS had passed but no call or text from Beckett like he promised. Hinayaan niya 'yon. Inisip nalang niya na baka busy ito kay ... Sarra. She keeps her jealousy intact, she didn't let it show. Wala naman 'yong magagawang maganda.

She didn't call nor text Beckett to ask why he haven't called her yet. Ibinigay nalang niya ang buong atensiyon sa paggawa ng wedding gown ni Gladz na kahit papaano ay nakatulong para hindi niya masyadong isipin at ma miss ang binata.

And in the fifth day of missing her boyfriend, finally, he showed up.

"Ru... Let me explain."

Tinitigan niya ang binata na nakatayo sa labas ng boutique niya at mukhang hinintay siyang lumabas.

Humugot siya ng malalim na hininga saka naglakad palapit dito. "Explain what?"

"Kung bakit hindi ako nakatawag o naka-text man lang." Masuyo nitong sinapo ang mukha niya ng makalapit siya rito. "My mom arrived with Sarra. Magbabakasyon sila dito at sa bahay sila tumira ng ilang araw hanggang sa ma-convince ko si Mom na mag Hotel sila. Hindi kita natawagan kasi naging busy ako masyado sa pag-aasikaso sa kanila. I have to tour them around and when night came, I'm already dead beat tired. And when morning came, I don't even have time for myself. Pasensiya na talaga. Hindi na mauulit 'yon. Pangako. I'm all yours from now on."

She should be mad, right? May karapatan siyang magalit dito. Pero bakit mas nangingibabaw ang sayang nararamdaman niya dahil sa wakas ay nasa harapan na niya ang binata?

She sighed and smiled. "Its okay. Naiintindihan ko."

Beckett looks taken aback. "Hindi ka galit sakin?"

"Hindi."

"Bakit?" May pagtataka sa boses nito. "Boyfriend mo ako pero nawalan ako ng oras sayo. You should be very mad at me—"

"Ayos lang 'yon." She tapped his check. "Nandito ka naman na. Babawi ka naman diba? Saka kasama mo naman ang Mama mo, wala ako sa lugar mag-inarte."

"Pero—"

"Beckett," may babala ang boses niya pati ang kislap ng mga mata niya. "Huwag mo akong piliting magalit. Trust me, hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako. I'm not lying when I said its okay. I mean it. Its really okay."

Ilang segundo siyang tinitigan ng binata kapagkuwan ay hinalikan siya sa mga labi.

"Na miss kita, Ru..." Bulong nito sa mga labi niya bago siya hinalikan ulit.

She kissed him back and whispered 'I missed you too' in between their kisses. At nang maghiwalay ang mga labi nila, mahigpit siya nitong niyakap na para bang ayaw na siyang pakawalan pa.

"Have dinner with me?" He asked while she's still in his tight embrace.

That made her smile. "Sure. Doon tayo sa Resto ni Red, 'yong palagi naming kinakainang magkakaibigan."

"I know that place." Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap saka pinagsiklop ang kamay nila. "Lets go, my love."

Natawa nalang siya at nailing. Nang igiya siya nito patungo sa kotse nito, umiling siya ng buksan nito ang passenger seat at pinapasakay siya.

"May dala akong kotse, eh." Sabi niya sabay turo sa nakaparada niyang sasakyan. "Convoy nalang tayo." Suhestiyon niya.

Kaagad na napasimangot si Beckett. "But Ru, I miss you and—"

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon