CHAPTER 20

1.3M 30.5K 16.5K
                                    


To the beautiful twins, Ivy and Iris Gonzaga. Keep calm and be crazy, laugh, love and live it up, because this is the oldest you've been and the youngest you'll ever be again. Always remember, age is merely the number of years the world has been enjoying you. Hugs and kisses and a lot of birthday wishes. HAPPY BIRTHDAY TO YOU TWO. Enjoy your day. Sorry again because we can't be there with you to celebrate your special day. Hope to see you soon. 

CHAPTER 20

NATIGILAN DAHIL sa pagkatataka si Ruth ng mapagbuksan niya ng pintuan si Beckett. Hindi niya alam kung anong pakay nito kaya naman nagsalubong ang kilay niya. Papalubog na ang sikat ng araw kaya naman nagtataka siya kung bakit narito ito ngayon.

Its been three days since she last saw him in Gladz' wedding, that's why his presence now confuse her.

"Ahm...anong ginagawa mo rito?" Tanung niya sa binata habang bahagyang kunot ang nuo.

Bahagyang tumigil ang paghinga niya ng inisang-hakbang nito ang pagitan nila dahilan para magkadikit ang katawan nilang dalawa.

Nang mahamig ang sarili, napabuntong-hininga siya saka bahagyang itinulak ang binata palayo. "Lasing ka." Naamoy niya ang alak sa hininga nito. "Umalis ka na, Beckett."

Akmang isasara niya ang pinto ng pigilan siya ng binata sa kamay.

"S-sabi mo kalimutan kita." Umiling ito, "hindi ko kaya 'yon, Ru. I-I tried and failed every time."

"Beckett..." Inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. "Go home. Lasing ka. Ayokong makipag-usap sayo."

"A-ayoko..." Pilit nitong hinawakan ang magkabila niyang kamay, "mag-usap tayo." Nagmamakaawa ang boses nito. "Please, Ru, mag-usap tayo."

"Umuwi ka na. Ayokong kausapin ka kaya umiwi ka na." Inagaw niya ang kamay na hawak nito saka isinara niya ang pinto at naglakad pabalik sa kuwarto niya.

Nang makaupo sa study table niya, pinagpatuloy niya ang pag-i-sketch ng damit na isasali niya sa Wedding Gown Winter Collection na gaganapin sa Paris nitong darating na December.

Nakakadalawang damit na siya na na-i-sketch ng may kumatok sa nakasarang pinto ng kuwarto niya.

"Ruth, anak..." Ang Mama niya 'yon, "bumaba ka nga muna sandali."

Pinaikot niya ang swivel chair paharap sa pinto. "Bukas yan, Ma."

Itinulak ng Mama niya pabukas ang pinto saka sinilip siya sa loob. "'Nak, baba ka muna."

"Bakit?" Kunot-nuong tanung niya.

"Kasi si Papa mo eh..."

"Anong nangyari kay Papa?" Mabilis ang pagtayo niya saka ang paglabas niya sa kuwarto niya.

Halos liparin niya ang distansiya mula sa kuwarto niya pababa. Ganun nalang ang pakahinga niya ng maluwang ng makitang maayos naman ang Papa niya, pero ng makita kung sino ang inalalayan nito pahiga sa mahabang sofa, iyon ang nakapag-pairita sa kaniya.

"Pa..." Ilang segundo niyang tinitigan si Beckett na mahimbing na natutulog, "bakit mo siya pinapasok?"

Bumuntong-hininga ang ama niya saka humarap sa kaniya, "alam mo 'nak, may awa naman ako. I saw you close the door on him, but you didn't saw him passed out while he calls for your name."

Bumuga siya ng marahas na hininga. "Pa naman...break na kami kaya sana hinayaan niyo nalang siya."

Napailing-iling ang ama niya saka tinapik-tapik ang puso niya. "Puso, anak. When did you become this heartless to other people's well being?"

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon