CHAPTER 32

1M 29.8K 16.1K
                                    


Happy reading to Iris Gonzaga.

CHAPTER 32

HUMINGA NG MALALIM SI Ruth ng makapasok siya sa Bachelor's Village Hall. She feels like a masochist because she knew she'll be in pain, but she still wants to remember Beckett together with everyone who looks somber just like her. Lahat bagsak ang balikat at walang imik. Tahimik ang buong hall. Walang nakangiti. Lahat malungkot o kaya walang emosyon ang mukha lalo na sa kalalakihang naroon.

Nang makaupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Gladz, kaagad nitong hinawakan ang kamay niya at pinisil.

"Okay ka lang ba?" Tanung nito sa kaniya.

Tumango siya. "Oo." Pilit siyang ngumiti. "I'm fine."

Tinitigan siya ng ilang segundo ni Gladz bago siya nginitian, "mabuti naman. Gusto sana kitang bisitahin araw-araw para naman may kasama ka kaya lang medyo maselan ang pagbubuntis ko. Alam mo naman..."

"Okay lang. Naiintindihan ko." Aniya saka nabaling sa platform na nasa harapan ang atensiyon niya ng may lalaking tumayo doon, sa harap ng microphone.

Lahat natahimik.

"Hi everyone..." Anang lalaki sa mababang boses, "as the owner of this Village, I, ahm," tumikhim ito na parang nahihirapang magsalita. "I open this s-simple gathering for our friend, Beckett, who, ahm," he took a deep breath, "ahm, p-passed away two months ago... And ahm," humigpit ang hawak nito sa stand ng microphone, "h-he's gone. Hanggang ngayon, hindi pa rin kami makapaniwala sa nangyari. Lahat kami dito, umaasa na magpapakita ang lunatic na 'yon saka pagtatawanan ang pagluluksa namin. That's why it took us this long to formally say goodbye to him. We still can't believe that...he's really gone and never coming back. So ahm, for those who wants to say something, the floor is yours." Iniwan nito ang podium saka bumalik sa kinauupuan.

Akala niya walang tatayo pero nakita niya ang isang lalaking naglakad patungo sa platform, at tumayo sa harap ng Mic.

"Hello everyone." Anang lalaki. "Most of you here knows me as Tyron Zapanta, husband of Raine, but to these lunatics," tinuro nito ang mga lalaking nakaupo at walang imik, "they know me as the President of our secret club, ang club na sana ay kabibilangan ni Beckett kung hindi lang sana—" pumiyok ang boses nito, "— siya nawala." Huminga ito ng malalim. "Beckett is a good friend of ours. He wasn't perfect but we all can accept that. None of us are anyways. Tulad ng sinabi ni Lysander, hindi pa rin namin tanggap ang nangyari. Kaming magkakaibigan, halos lahat, kaya naming gawin makatulong lang sa isa't-isa. We can climb a very tall gate, enter a palace uninvited, we can do anything for our friends if needed.

"At kung kaya lang namin sana siyang buhayin, kung may paraan para makasama ulit natin siya, ginawa na namin kahit pa kayamanan naming lahat ang kabayaran. He's a good friend and we would give everything just to see him again. I hope he's happy, but I doubt," tumingin sa kaniya si Tyron, "he left the love of his life. Alone. But no worries to him. We promise you, Furrer, hindi namin siya pababayaan. Aalagaan namin siya sa abot ng makakaya namin."

Tinanguan niya si Tyron saka tipid niya itong nginitian bilang pasasalamat sa sinabi nito.

Nang makababa sa podium si Tyron, may isang lalaki namang tumayo sa harapan. Si Pierce Muller.

Tumikhim muna ito bago nagsalita. "I, ahm," he let out a deep breath, "I think I'm the closes one to Beckett...and ahm, that fucker taught me a lot of things. He made me realize how important my life is. I still remember, nuong nasa Hospital ako, he was there for me. Kahit ilang beses ko na siyang nasuntok, muntik ko na siyang sagasaan pero nandiyan pa rin siya at handang umalalay. We've been friends for years, he'd been with me for every bad happening in my life, and I didn't even get to say thank you to that bastard who just left like no one is going to mourn for him. You asshole," nakakuyom ang kamao ni Pierce, "kung naririnig mo ako ngayon, hintayin mo ako diyan sa kabila. Alam ko kung nasaan ka, sa dami ng kasalanang nagawa natin pareho, tiyak, magkikita tayo kung nasaan ka man. At oras na magkita tayo, hindi lang suntok at sipa ang matatanggap mo saking baliw ka. Hindi pa ako nagluksa ng ganito sa tanang buhay ko."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon