kabanata 4

552 26 0
                                    

Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang kalesa papuntang palasyo ng SERYO kung saan ang simbolo ay malaking dragon ng tubig, hindi ko pagkakaila na nagagandaan ako sa mga nakikita ko sa paligid.

Ang daming magagandang tanawin ang makikita mo hindi mo aakalain na napakapayapa ng lugar na ito siguro kung mapunta man ito sa immortal world ay masisira lang dahil sa mga halimaw dun na walang ginawa ang mga halimaw dun kung hindi mansira ng bagay.

Ilang sandali pa ay nasa harap na kami ng malaking gate at ang masasabi ko lang ang ganda yung gate ay kulay ginto kulay lang ba o totoong ginto at kung totoo man ito ay magkano kaya pag-binenta mo ito siguro ding ako na ang pinaka mayaman sa buong miraiyo ahaha. Napakamot naman ako sa ulo, ano ba tong iniisip ko dapat ang iniisip ko ngayon ay ang paano haharapin ang hari nila at paano babalik sa mundo ko naputol ang iniisip ko ng biglang may nagsalita sa tabi ko kaya napatingin ako.

"Binibini nandito na po tayo"-sabi nya sabay baba kaya sumunod na din ako.

Pagpasok namin sa loob napa nganga ako sa nakikita ko sa bakuran nila kami ngayon at ang matindi pa dito ay napaganda ng paligid may mga rosas na umiilaw dahil nagdilim na din ay kitang kita ang mga alitaptap na lumilipad sa kapaligiran napamura nalang ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang lugar sa tanang-buhay kung nasa bakuran palang kami paano pa kaya ang itsura nang loob ng palasyo.

Ito na nga ang iniintay ko ang makapasok sa loob ng palasyo, pagbukas sa dalawang malaking pintuan ay tumambad saakin ang mapakalawak na loob ng palasyo at ang sahig ay naka red carpet pa. Sila na sila na ang may red carpet tapos may mga malaking chandelier  sa taas, patingin-tingin ako sa kanan at kaliwa dahil sa dami ng kwarto na to, ilang kwarto kaya ang meron ang nandito sa palasyo para malaman ang kasagutan ay tanungin natin si kuya, kinalabit ko naman sya kaya nabaling ang tingin nya saakin.

"Ano iyon binibini?"-kung tatanong nyo ako kung anong itsura ni kuya nako napakagwapo may bilugan na mata, kissable na lips, ang ganda pa ng buhok nya yung nakataas pa tapos yung damit nya yung pangbutler at siguro nasa dalawangpu't lima pataas na sya na ito at ako naman ay labing walo na kaya pwede pa ahaha ang landi ko putek.

Nginitian ko naman sya bago ko pa sya pagnasaan ng tuluyan.

"May itataong ho sana ako sa inyo"-napapakamot na sabi ko.

"Ano iyon binibini?"-nakangiting ito habang nakatingin saakin wait nasa heaven na ba ako bakit para syang angel na bumaba sa langit.

"Okay ka lang ba binibini"-tanong nya saakin at dahil dun ay bumalik ako sa sarili ko, hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa harapan nya.

"Ha? oo naman po, wag kayong magagalit sa itatanong ko ah, ilang kwarto po pala ang mayroon dito sa palasyo "-nahihiyang tanong ko. Nabigla ako ng bigla syang tumawa kaya napahawak ako sa puso ko dahil bigla itong bumilis bakit ngayon lang ako nakakita nang gwapo katulad nya .

"nasa mahigit dalawang daan na kwarto ang mayroon dito"-natatawang sambit nya kaya literal na napa nganga ako.

"Ano nasa mahigit dalawang daan ang  kwarto dito, wow ang dami naman"-gulat na gulat na sabi ko at the same time ay namangha sa dami nang kwarto dito.

"Oo at nandito na tayo binibini,"- di ko napansin na nasa harap na pala kami ng isang pintuan dito. Pero bago pa kami pumasok ay may masamang aura akong nararamdaman sa loob ng kwartong ito o sa labas, ngunit di ko mawari kung sa labas ba o sa loob kumatok muna sya at sinabing nandoon na kami.

"Mahal na hari at reyna, nandito na po ang babaeng anak ni ginang menda tuazon"-sigaw nya at binukasan ang pinto kaya agad akong naalerto baka sugurin ako ng aura na yun.

Pumasok kami sa loob ay lumuhod si kuyang pogo kaya lumuhod na din ako mas maganda na ang mag-ingat kay sa mapahamak. Bali ang kwarto pala na ito ay ang trono ng hari at reyna tsaka yung prinsipe mukhang nandito din, hindi ko naman sila makita sa mukha dahil nakaluhod ako na nakayuko din.

The girl from the other WORLD (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon