kabanata 8

540 22 2
                                    

Pagkatapos ng kahihiyan na nangyari kahapon may ay agad akong pumasok sa bahay at dumaretso sa kwarto namin ni wendy, nagtaka si nanay menda kung bakit nagkulong na naman ako pero ang sabi ko nalang medyo sumakit ako ulo ko kaya pinabayaan nya nalang akong magkulong at eto kami ngayon nagtatalo dahil gusto ni wendy na sya nalang ang mamasukan sa palasyo dahil hindi na sapat ang pera ni nanay menda sa pang-araw araw kaya kailangan nya daw mamasukan sa palasyo dahil naghahanap daw ng bagong tagapag-silbi.

"Nay, ako nalang po ang ipadala nyo dun kaya ko naman "- kanina pa sila dito at ayaw talaga ni nanay menda.

"Wendy bata kapa at hindi mo pa kaya ang ibang mabibigat na trabaho doon, kaya ayos lang na ako nalang ang magtrabaho dun."-sagot naman ni nanay menda.

kanina pa silang ganyan at kami naman nila lucy at popoy ay pabalik-balik ang tingin namin sakanila gusto kasi ni nanay na sya nalang ang magtrabaho sa palasyo pero ayaw naman ni wendy dahil kailangan sya ng mga kababata nyang kapatid.

Bumuntong hininga nalang ako dahil simula ng dumating ako dito puro problema na lang ang dumadating saakin pati tuloy sila nadadamay sa kamalasan ko napatingin naman ako kay lucy dahil hinihila nya ang damit ko..

"Ate denisse, patigilin mo po sila"-pagmamakaawa nya saakin. Tumango naman ako at sumabat na sa dalawa

"kayong dalawa tumigil na kayo dahil ako nalang ang mamamasukan sa palasyo"-napatigil sila at napatingon saakin pati sina lucy at popoy.

"ANO"-sigaw nilang lahat.

"Ako nalang ang magtatrabaho dahil alam kong kaya ko naman at tsaka para makabawi nalang sainyo sa lahat ng naitulong nyo saakin."

"Pero ate denisse sigurado kaba?"-tumanho ako at nginitian naman sya.

"Oo, para hindi na kayo nagtatalo kanina pa naririndi sainyo si lucy at popoy"

"Pero ate denisse, wala kayong alam sa loob ng palasyo"-nag-aalalang sabi naman ni popoy kaya napatingin ako sakanya.

"Kaya yan ng ate denisse mo matalino yata to popoy, diba nay."

"Nako, oo na sige na ikaw nalang ang mamasukan dun at sana pag may nakita kang hindi mo alam wag mong masyadong ipakita na galing bundok ka "-bilin nya sina wendy naman ay natawa sa sinabi ni nanay menda  kaya napasimangot naman ako.

Nung makalipas ng ilang araw bago pa sumalakay ang halimaw sa mundong ito ay pinasyal nila ako at sobrang natuwa ako sa nakita dahil ang gaganda ng mga pinasyalan namin tapos ako naman ay ang ingay ingay , tsaka tanong ako ng tanong kung ano ano, kaya napapatingin saakin yung nga tao aba sa first time kong nakapunta sa ganong  lugar  walang ganon sa mundo namin kaya hindi ko alam yung lugar na ganon ano ba ang pangalan na pinuntaan namin nakalimutan ko na basta ang alam ko pasyalan daw ng mga buong pamilya ang lugar na yon.

"Ang sama nyo saakin, sa yun ang una kung papunta sa ganoong lugar "-natatampo kong sabi sakanila, kaya lalo sila natawa saakin...

"Sige tawa pa"

"nako tigilan na natin ang ate nyo baka maiyak na yan"-sabi naman ni nanay kaya tumigil na din sila sa kakatawa..

Kaya ayon nga ako na talaga ang mamamasukan ng bilang taga pag-silbi sa palasyo hindi naman ako mahihirapan mag-trabaho dahil sanay na ako. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto para mag-ayos ng gamit na dadalhin ko sa palasyo.

"Ate denisse"-tawag saakin ni wendy.

"Bakit?"

"Ano, mag-iingat ka po doon , "-napatangin naman ako sakanya at napangiti.

"Ano kaba , kaya ko na ang sarili ko no kaya wag kanang mag-alala saakin"-muntikan na akong matumba dahil bigla nya akong niyakap nga mahigpit ,kaya niyakap ko nadin sya pabalik.

The girl from the other WORLD (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon