Prologue

13 1 0
                                    

Science time na naman. Ang pinaka paborito kong subject.

Nasa Physics laboratory kami ngayon. Ginagamit to tuwing magkaklase o di kaya ay kapag magtuturo ang mga student teacher gamit ang powerpoint. Sa Chemistry lab yung ginagamit namin para sa mga experiment. Baka isipin niyo ay mga che che buretche! Hindi!

Pero di ko lang alam kung ganoon din sa ibang schools. Pero ganto dito samin eh.

Ang pinaka ayaw ko sa mga subjects ay yung group reporting. Mga kaklase ko ngayon ang nagtuturo ng lesson namin at pucha lang. Wala akong maintindihan. Notes notes kunwari at kopya kopya sa powerpoint.

Mas gusto kong nagtuturo ang mga teachers. Kasi wala talaga akong maintindihan kapag studyante ang naglelesson.

"Uy Rianne basahin mo to hahaha!" kinuhit ako ng katabi ko. Si Kate. Tinuro niya yung nasa gilid ng puting lamesa namin.

'Ang sarap ng pooki'

Yan ang nakasulat. Di naman ako inosente para di ko malaman kung ano yan hahahahaha!

"Hahahaha!" langya talaga tong si Kate.

"Class! Nagiingay na kayo! Makinig sa reporters!" sigaw ni mam at nagkunwari akong nagsusulat ng notes.

"Uy Rianne patingin nga ng notes mo. Di ko talaga makita yung nasa tv" bulong sa akin ni Gwyneth at kinuha na ang notebook ko.

Ang iniisip ko parin hanggang ngayon ay kung ano ang top ko sa Math subject namin. Tangkana gustong gusto ko na talagang malaman! Umaasa ako na sana mapasama ako kahit top 5 pababa basta kahit anong posisyon sa top basta makasama ako huhuhuhuhu!!!

Nakikinig na ako sa mga reporters kahit napag aralan na to nung grade 7 pa kami. And FYI, grade 10 na po kami. Walanjo.

"Uy Rianne" bulong ni Kate sa kalagitnaan ng klase.

"Ano na naman? Makinig ka nga sa unahan Kate"

"Basta tingnan mo to oh. Pagtripan natin! Hahahaha!" eh ako namang si luka luka ay tiningnan ang tinuro niyang panibago sa puting lamesa.

May mga phone numbers na nakahilera doon. Anak ng may pa call me call me pang nalalaman tong nagsulat dito ah.


"Mapagtripan nga natin..."





~*~
-MapaladCMaria

Phone Number {COMPLETED}Onde histórias criam vida. Descubra agora