Chapter 4

6 1 0
                                    

Kumalat rin sa school ang panibagong issue ko na naman. Lumayo sa amin si Florence, I felt so sorry dahil sa nagawa ko sa kanya. Nagkamali rin ako sa kanya, napagsabihan ko ng masasamang salita at nasaktan ko siya emotionally and physically. Samantalang ako, nasaktan lang ako emotionally. Nakasakit ako ng tao.

Napapadalas ang pakikipag text ko kay Mr. Laboratory 2, kahit hindi ko siya kilala personal, pinagkatiwalaan ko siya. Siya ang andyan nakikinig sa mga kwento, problema at hinanakit ko na kahit kailan ay hinding hindi ko mashe-share kina JA at Kristine, dahil silang dalawa ay pumanig kay Florence. I don't know what to do, wala na akong malapitan kundi sina Kate at Gwynwth lang. Nahihiya na ako kina mama dahil puro problema na rin sila. Ayaw ko nang dumagdag pa.

Dumistansya sa akin si Lance. Hindi na rin niya ako kinakausap. Minsan nahuhuli ko siyang may katext rin habang katext ko si Mr. Laboratory 2.

Hindi kaya si Lance yun?

"Ms. Rianne, give me your phone. Kanina ka pa nakikipag text." sabi ni Ms. Hana. Ang mataray kong adviser. Haysssss...

Bahala na. I'm so depressed. Bahala na kay mam Hana ang cp ko. Hindi ko na kukunin yun. Bahala nang wala na akong phone.

Nakapahalumbaba lang ako dito sa upuan ko. Hindi ko maintindihan ang mga tinuturo ng mga teacher buong araw. Walang pumapasok sa aking isipan.

Makapag transfer na kaya ng school? Para new ambiance at yung walang nakakaalam sa mga issues ko dito.

"Rianne?" naggitla ako dahil sa lalakeng tumawag sa aking likod.

Inikot ko ang buong paligid ng room. Wala na ang ibang tao. Labasan na pala? Ni hindi ko manlang napansin.

"Sabi sa akin nina Kate at Gwyneth, wala ka daw sa sarili mo. Nagpapaalam sayo kanina ay di mo daw sila pinansin." sabi ni Lance.

Kaya pala.

"Ah... sige" sabi ko sa kanya, kinuha ko ang aking mga gamit at umalis na ng room.

Ramdam kong sinundan ako ni Lance. Mas binilisan ko ang paglalakad ko. Baka kung sino pa ang makakita sa amin at panibagong issue na naman.

"Rianne talk to me please"

"Wala nang dapat pang pag uaapan pa." matigas kong sabi sa kanya.

"Bakit kasi hindi ka magpaka totoo?!" sigaw niya. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko Tinakpan ko ang kaliwa't kanan kong tainga. Ayaw ko nang makinig. Sarado ang utak ko!

"Iniisip mo ang reputasyon mo dito sa school! Dahil ano? Dahil naging girlfriend ka lang ni Peter, na isang sikat na lalake sa school. Iniisip mo nalang palagi yung mga issue tungkol sayo! Bakit hindi mo nalang hayaan? Magpakatotoo ka at gawin mo lahat ng gusto mong gawin. Ipakita mo sa kanila ang totoong ikaw! Hindi yung duwag mong pagkatao." sunod sunod niyang sigaw na nakapag patigil sa aking paglalakad.

Unti- unting sinasampal sa akin ni Lance ang katotohanan. Totoo lahat ng sinasabi niya sa akin. Naging gf lang ako ng isang sikat na player, iniingatan ko ang aking reputasyon oara huwag husgahan ng mga studyante.

Unti-unting pumapatak ang aking mga luha mula sa aking mga mata.

Bakit nga ba naging ganito ako? Nagbago ako ng dahil lang doon.

Naglakad si Lance, akala ko titigil siya sa harapan ko. Pero dirediretso lang siya. Nilampasan niya ako.

Naiwan akong nag iisa dito.

I have no choice but to end this crap issue.

Nagtext ako kina mama at papa na baka gabihin ako dahil pupuntahan ko si Florence.

Pinunasan ko ang luha ko sa aking mata, nag ayos ng buhok at naglakad na palabas ng school. Nilakad ko lang ang bahay nina Florence dahil hindi naman ito kalayuan.

Nanginginig ang kamay kong kumatok sa pintuan nila. Sa hindi inaasahan ay si Florence ang nagbukas ng pintuan.

"Rianne.." indi ko inaasahang sasalubungin ako ng isang mahigpit at mainit na yakap mula sa aking matalik na kaibigan. Ginantihan ko rin siya ng yakap. Napaluha muli ako.

Sumobra ako sa kanya. Bakit ang bait pa rin niya sakin? Sinaktan ko siya pero bakit kabutihan parin ang ginaganti niya sa akin?

"Bakit ka ganyan Florence?" hikbi kong tanong sa kanya.

"Bakit Rianne? Tara sa loob" umakyat kami sa itaas sa kanyang kwarto. Wala pa rin sina tita kaya okay lang na andito ako.

Kumuha siya ng suklay at sinuklay niya ang buhok ko habang nakaupo kami sa kanyang malambot na kama.

"I'm sorry Florence." pagbasag ko sa katahimikan.

"It's okay Rianne, alam kong alam mo na ang pagkakamali mo. Ayaw ko na rin na makita kang tulala at wala sa sarili sa school."

"Hayaan nalang natin sila. Gusto ko nang bumalik sa dati ang totoong Rianne na kilala ko"

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Ayaw ko nang magsalita pa.

"I know that I hurt you. Alam kong may masamang maidudulot kung maglilihim ako sayo tungkol kay Peter pero wala, nagpadala ako, mahal ko na siya Rianne. Ayaw kong masaktan ka, kaibigan mo ako tapos magiging gf ako ng ex mo? Sounds naughty right? Hindi maganda"

"I'm sorry for everything Rianne."

"Don't... dapat ako ang nagsosorry sayo Florence. I've hurt you emotionally and physically. I'm sorry for hurting you. Yes, I admit that I feel jealous about that pero ang sa akin lang ay magkaibigan tayo. You should have not been hiding secrets behind my back"

"I know" huling sabi niya sakin.

"But its okay with me na karelasyon mo si Peter. I don't mind" sabi ko sa kanya at ngumiti.

Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Actually nakipag hiwalay na ako kay Peter. Mas pipiliin ko ang pagkakaibigan natin kaysa sa ikasisira nating dalawa" at ngumiti siya ng malapad sa akin.

Making my jaw drop.

"WHAT?!"

~*~

-MapaladCMaria

Phone Number {COMPLETED}Kde žijí příběhy. Začni objevovat