Chapter 2

7 1 0
                                    

Hindi na nagreply kagabi si Mr. Laboratory 2. At nakatanga lang ako dito sa upuan ko, practice teacher ang nagtuturo ngayon kaya walang pake ang iba ko rin na mga kaklase. Nagiingayan lang sila.

"Rianne?" tawag sa akin ng katabi ko, si Lance. Kaibigan din siya ni Peter pero volleyball varsity player naman itong si Lance. Simula ng nagkahiwalay kami ni Peter ay siya na ang lagi kong kasama, he insisted at hindi ako ang lumapit sa kanya. I don't know pero I have this strange feeling when I'm with him.

"Yes?" tanong ko sa kanya habang hindi lumilingon.

"Kakausapin mo ako ng hindi ka nakaharap?" natatawa niyang tanong sa akin.

Nagulat ako ng hawakan niya ang panga ko at iniharap niya ako sa kanya. Hindi niya ako hinaras o kung ano, his soft hands caressing my jaw.

"B-bakit?" nauutal kong tanong sa kanya. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa aking panga.

"Kasabay mo ba sina Florence, JA at Kristine mamayang lunch?" tanong niya sa akin.

"H-hindi eh, actually wala akong kasabay mamaya. Busy sila." shete naiilang ako! Bakit kasi kailangan niyang gawin yun?

"Sabay na tayo mamaya. Libre kita!" masigla niyang sabi.

"Hindi mo ba kasama sina Peter mamaya?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

Pero sabi nga sa commercial ng ritemed, wag mahihiyang magtanong. Hahahaha.

"Hindi, may lunch sila ng coach nila." paliwanag niya sakin.

"Ahh sige" sabi ko at hindi na kami nag usap pa. Hinawakan niya ang aking kanang kamay at pinaglaruan niya ang aking mga daliri. Hinayaan ko lang siya.

Nakalipas ang ilang oras at recess na.

"Kakain ka ba?" tanong sa akin ni Lance. "Hindi tinatamad akong bumaba... tsaka siksikan kaya sa canteen!" sabi ko at sumubsob sa armchair ko.

Ramdam kong umalis na siya. Nag vibrate ang phone ko.

× × ×

From: Laboratory 2

Hi :)

× × ×

Hindi ko pinansin ang text na yun dahil lumapit sa akin sina Kate at Gwyneth.

"Uuuuyyyyy! Kayo ha! Nakita ko yun kanina!" sabi ni Gwyneth na parang bulate kung kiligin.

"Ang alin?" maang maangan kong tanong.

"Nag holding hands kayo kanina!" sabay na sabi nilang dalawa.

"Hindi naman kami nagholding hands!"

"Kayo na ba?" nagulat ako sa tanong ni Kate.

"H-hindi noh! Tsaka kabebreak lang namin ni Peter tapos may iba na agad?" sabi ko sa kanila...

"Ladies ito na ang mga pinabili niyo." nabigla ako ng sumulpot sa likod ko si Lance. May dala siyang apat na Richoco at apat na mineral water. Binigay niya yung 2 mineral at Richoco kina Kate.

"Thank you sa pag bili!" medyo kilig pa tong sina Gwyneth.

"At ito rin para sayo." nakangiti niyang inabot sa akin ang kanyang binili.

"Hindi naman ako ng pabili sayo Lance, hindi ata ito sakin."

"Nagrereklamo ka pa dyan Rianne! Kainin mo na yan!" kinuha ni Kate ang hawak ko at binuksan niya at binigay ulit sa akin.

"Kumain ka na Rianne" nakangiting sabi sa akin ni Lance.

Nahihiya ako sa kanya. Hindi naman ako nagpabili ng pagkain pero he insisted, again.

Kinain ko ang tinapay na binili niya para sa akin.

Anong meron sa kanya at ang bait niya sa akin? Dahil naaawa siya sa akin? Dahil sa pananakit sa akin ng kaibigan niya? Hindi naman niya kailangang gawin lahat ng iyon para sa akin... tanggap ko naman na wala na kami at wala akong problema kay Peter at sa mga kaibigan niya. Hindi niya talaga kailangang gawin to...

Ano bang meron ka Lance?

Nakatunganga lang ako sa bawat subject dahil wala ang mga teachers may meeting kaya mga practice teachers ang nagtuturo. Yung isa ay umiyak na dahil ang gugulo namin. Kahit ako ay ayaw ko rin sa mga practice teachers... ang gulo kasi magturo. Di ko naman nilalahat, sadyang may iba talaga na magagaling...

Lumipas ang oras at lunch na. Isinakbit ko sa aking balikat ang aking shoulder bag at tumayo na. Si Lance na naghihintay sa may pintuan. Nilapitan ko siya at sabay kaming naglakad palabas ng school. Medyo siksikan dahil lunch break ng lahat.

Ramdam ko ang kamay ni Lance sa aking likod. Nagtataasan ang balahibo ko sa likod. Na parang may shockwave ang kamay niya tuwing lumalapat ito sa aking balat.

"Sa mall tayo Rianne" um-oo lang ako sa kanya.

"Pagkatapos kay Peter, kay Lance naman?"

"Landi lang teh!"

"Gayuma pa more teh."

Bakit nauso ang bulong kung kinig rin naman ng bawat tao sa paligid?

Kahit wala kang ginagawang masama sa ibang tao, sisiraan at sisiraan ka lang. Inggit ang tawag doon. At wala akong pake kung anong sabihin nila. Sawa na ako sa mga sinasabi nila at paninira sa akin simula ng naging kami ni Peter.

Alam kong narinig ni Lance ang bulung-bulong ng iba. Alam kong tama ang ginawa niya. Mas nauna siyang naglakad sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanyang likuran.

"Bakit ganyan ka sakin Lance?" bulong ko sa hangin.

Hinawakan ko ang dibdib kong sumasakit.

Nasasaktan ako para sa kanya.

Hinintay ako ni Lance sa may labas ng school ng nakangiti. Sumakay kami ng tricycle. Tahimik lang at walang umiimik. Tanging ang ingay ng motor ang aming nakikinig.

"Pasensya na Lance ha. Nang dahil sa akin napapahamak ka." pagbasag ko sa katahimikan.

"Wala lang naman sakin yun, ayaw lang kitang makitang nasasaktan." makahulugan para sa akin ang kanyang sinabi.

Ayaw niya akong makitang nasasaktan? Bakit? Ayaw kong mag assume na may gusto siya sa akin. Ayaw kong umasa. Ayaw ko ng masaktan.





~*~

-MapaladCMaria

Phone Number {COMPLETED}Where stories live. Discover now