Chapter 1

13 1 0
                                    

Hapon na ngayon at tapos na ang mga klase. Lumabas na ako ng classroom at dumaan sa room ng dalawa kong besties. Sina Kristine at JA.

Apat kaming magbesfriends. Sina Kristine at JA ang magkaklase at kami ni Florence ang nahiwalay at magkaiba ng sections.

And for now lagi kaming magkasabay ni Florence dahil laging nauunang lumabas. And for the first time na magkakasama ulit kami ngayon nina JA at Kristine.

Hinihintay namin si Florence dahil ang section nila ang pinaka matagal magpalabas.

"OMG Rianne ! May ikwekwento kami sa iyo! About dun sa retreat !" parang ewan na naman tong si JA.

Habang nagkwekwento sila sa akin ay naalala ko yung number na kinuha namin ni Kate. Maitext ko nga naboboring ako sa kwento nitong dalawa eh..

"Hindi ka naman nakikinig Rianne eh! Nagce-cellphone ka lang!" sabi ni JA. Tangkana napaka isip bata talaga nitong si JA.

"Wait lang kasi may tinetext ako eh"

"Ui sino yan? Hahaha! May bago ka na namang bf? Eh kabre break niyo lang ni 'ANO' ah" sabi ni Kristine.

"Sino yun?! Hindi ko yun kilala?!" Inirapan ko pa sila. Ayaw ko nang makakinig o may malamang tungkol sa kanya. Naloko na niya ako ng ilang beses. Nakakapagod rin magpatawad. Nakakapagod umintindi. Nakakapagod kapag may bf kang basketball varsity player. Lalo na't matalino, gwapo at magaling lumaro. Arrrghhh naaasar ako!

IMAGINE MO KAYA! NA LAGI AKONG NAPAPAHAMAK NANG DAHIL HINDI RAW KAMI BAGAY AT GINAYUMA KO DAW SI PETER! DAFUQ LANG DIBA. AS IN NAKAKAFUCHA LANG DAHIL SA GANDA KO BA NAMAN. (Literal na maganda talaga ako)

Imposibleng di niya ako mapansin at saka hindi ako ang lumapit sa kanya. SIYA ang lumapit sa akin. First bf ko siya at first gf niya ako. At hindi ko akalain na mahirap palang may sikat kang bf kasi may kahati ka palagi sa oras.

Sinusuportahan ko siya sa lahat. Pero wala parin talaga. Maybe hindi talaga kami para sa isa't isa.

Sinave ko yung number na tatlo at pinangalanang:

×Laboratory 1×
×Laboratory 2×
×Laboratory 3×

Hanep diba hahahaha!!

Tinext ko yung tatlong number at syempre 'Hi' yung tinext ko HAHAHAHAGAH!!

"Anong nginingiti ngiti mo dyan Rianne? Tara na late na ako sa choir!" sabi ni Florence at pucha ngayon lang sila lumabas. HALOS ISANG ORAS KAMING NAGHIHINTAY DITO (joke 15 mins lang naman hahaha)

"Tangkana eh sino ba ang late na lumalabas ha?" sabi ko sa kanya at inirapan ko pa siya.

"Tara na nga mga bruha" sabi sa amin ni Kristine at hinila na niya kami palabas ng school.

~*~

Nakauwi na ako ngayon sa bahay at kumain ako kasama sina mama at papa. Only child ako, nakalimutan kong sabihin sa inyo heheheh.

Pagkatapos kumain ay nagdiretso na ako sa kwarto, nagpunta sa cr at naglinis ng katawan at nagpalit ng damit.

At pagkatapos kong gawin lahat yan ay humiga na ako sa kama.

Naalala ko na naman yung number na yun.

Sinilip ko ang cp ko at may 1 message.

× × × ×

From: Laboratory 2

Hello sino poh ito?

× × × ×

"Wow nagreply. Isa lang ang nagreply!" Natatawa kong sabi.

× × × ×

To: Laboratory 2

Hehehe bakit po ngayon ka lang nagreply?

× × × ×

Nagmumukha akong tanga nito. Baka isipin nito na di naman niya ako kaano ano para tanungin ko siya ng ganung tanong.

Itigil ko na kaya to?

Bahala na si batman.

× × × ×

From: Laboratory 2

Nagtraining kasi kami eh.

× × × ×

"Sana lalake to sana lalake. Ayaw ko ng babae. " bulong ko habang naka cross finger.

× × × ×

To: Laboratory 2

Training ng?

× × × ×

"Puchaaaaaa!!!" Sigaw ko.

"Hoy! Aba matulog ka na!" katok ni mama sa pintuan. Ano ba yan!

× × × ×

From: Laboratory 2

Basketball. Hulaan ko na babae ka noh?

× × × ×

Pucha training ng basketball. Pucha baka makilala ako neto. Tangkana baka isa to sa kaibigan ni Peter!

× × × ×

To: Laboratory 2

Oo nga babae nga so ano nga pala ang grade level mo? Hulaan ko na elem ka! Hahaha!

× × × ×

Kahit pakiramdam ko ay ka-grade level ko to ay pinipilit ko na sana ay elem to.

× × × ×

From: Laboratory 2

Grade 10

× × × ×

Anak ng pucha lalo na akong kinakahabahan! Wag ko na kaya ituloy to? Wag na akong magreply!

× × × ×
From: Laboratory 2

Ikaw ano ba ang grade level mo?

× × × ×

Ayan na nga. Nagtext na naman siya. Sabihin ko kaya ang totoo? Bahala na

× × × ×
To: Laboratory 2

Grade 10 rin.

× × × ×

"Tangkana" bulong ko.

× × × ×

From: Laboratory 2

Wow batchmate! Hahaha!

× × × ×

Pucha parang kilala ko na kung sino to ah. Tangkana si Ethan ata to!!! Ang bait kasi ng katext ko na to eh! Si Ethan nga to! Sure na!

× × × ×

To: Laboratory 2

Parang kilala kita? Ethan ikaw ba yan?

× × × ×

Naka crossed pa ang 2 kong daliri para magkatotoong si Ethan to. Pleaaaase!

× × × ×
From: Laboratory 2

Ulol! Hahaha! Ni hindi nga umattend ng training si Ethan eh. Clue ko ay taga Section 4 ako.

By the way, ano pala fb mo?
× × × ×

× × × ×
To : Laboratory 2

Section 4? The hell? Walang varsity sa section 4!

× × × ×






Nakakapag taka... walang varsity sa section 4!!!

~*~

-MapaladCMaria

Phone Number {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon