9

2.1K 149 18
                                    

As  I have predicted, the shoot took so long. Mainit na ulo ni direk dahil sa pagpunta nun Cindy sa set. Medyo awkward kami ni Alden. I don't know kung nahihiya siya sa akin o naiinis dahil sa pakikipagsagutan ni Paolo sa girlfriend niya. I just let it be. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. We never talked about it. Basta trabaho lang. After ng shoot, nagpaalam na agad kami nila Paolo kay direk at kala Leysam. Huningi pa ito ng paumanhin kay Paolo at sa akin dahil sa kamalditahan ng girlfriend ni Alden. Sinabi kong ayos lang pero sinabi niyang hindi niya tinotolerate ang mga ganun. Ayaw niyang mahaluan ng bad vibes ang trabaho. Sinabi kong ayos lang. Actually mabait ang manager ni Alden kaya hindi naman siya damay sa mga kalokohan nung syota ni Alden.

"Sam, yang alaga mo, pagsabihan mo ha. Sana huwag ng pupunta yun jowa niyang maldita dito sa set. Baka sa susunod, kalbuhin ko na iyon!" Sabi pa ni Pao.

"Di kita pipigilan. Inis na rin ako. Napaka-notorious! Di na nahihiya. Kakausapin ko na si Alden, kapag di niya inayos ang girlfriend niya, aalis na ako bilang manager niya. Di ko na kaya ang kabuwangan ng babaeng iyon." Sabi ni Leysam.

"Sinabi mo pa!" Dugtong pa ni Mama Ten.

"Naku, Sam, Mama Ten, hayaan na po ninyo. Baka mahal niya talaga." Sabi ko.

"Kahit na! Mag-quit na lang siya sa showbiz at samahan niya yun babaeng iyon! Lahat na lang ng project ni Alden, hinaharang. Kailangan pa ng approval niya. Ano siya? Siya na mag-manager kay Alden! Buti nga ito di niya napakialaman, dahil nga ang management na nagsabi. Tinakot din kase siya na di siya kailanman bibigyan ng project ulit ng GMA kapag ginawa pa niya yun ginawa niya kay Marian." Kwento pa ni Leysam.

"Naku, tama naman ang management! Buwang ang babaeng iyon!" Sabat pa ni Pao.

"Shhh.... tama na. Okay na. Tara na, uwi na tayo. Napagod ako masyado. Masyadong mataas ang emosyon ng lahat." Awat ko.

"O sige, sige! Ingat kayo Meng ha! Magtutuos pa kami ng alaga ko." Habilin ni Leysam.

Umalis na kami. Naiwan sila Mama Ten at Leysam. Kinakausap pa kase si Alden ng Direktor ng teleserye. Di ko alam kung para saan. Baka pinagsasabihan. Pero wala naman akong pakialam doon.

Umuwi na kami sa condo. Actually, ibinaba lang kami ng driver ni Paolo sa lobby ng building. Habang papasok na kami sa elevator, bigla na lang may humablot ng buhok ko at sinampal ako.

"Punyeta kang babae ka! Ahas ka! Balak mo bang agawin ang boyfriend ko? Di ka magustuhan ni Alden! Tandaan mo yan!" Nagulat ako. Napaupo ako sa bilis ng paghila niya sa buhok ko. Hindi pa siya nakuntento ay pinagsasampal pa ako at sinakyan habang nakaupo ako kaya napahiga ako. Pilit kong tinatabig ang kamay niya pero dahil sa malakas siya  at pagod na rin ako sa trinabaho ko kanina ay wala akong nagawa.

Biglang hinila ni Ate O ang babaeng nagwawala na nalaman ko na yun Cindy pala. Natulala ako sa bilis ng pangyayari.
Hinawakan ni Ate O ang babae. Sakto naman na may dumaan na staff ng building. Nagpatawag agad si Ate O ng security habang hawak-hawak niya ang babae.

"Idedemanda ka namin ng serious physical injury! Walanghiya ka! Wala namang ginagawa ang alaga ko sayo!" Nagpupumiglas pa ito at siya pa ang matapang.

"Malandi ka! Hayup ka! Inaagaw mo ang boyfriend ko! Hayup ka! Hayup!" Nagsisigaw pa siya. Nakayakap lang ako sa sarili ko. Nalapastangan ako. Iyon ang pakiramdam ko. Nagagalit ako. Pero hindi ko ipinakita sa kanya. Galit na galit ako. Pero mas bakas sa mukha ko ang awa ko sa sarili ko.

Dumating ang security. Ipinosas nila ang babae at tumawag ng mga pulis.

"Huwag ninyong papakawalan iyan!" Bilin ni Ate O.

"Ayos ka lang Meng?" Tanong niya.

Tumango lang ako. Niyakap ako ni Ate Oreo. Doon lang tumulo ang luha ko. Sa sobrang awa sa sarili ko. Wala naman akong ginawan ng masama. Bakit kailangang gawin sa akin iyon? 

Inakay ako ni Ate O papunta sa upuan sa may lobby. Pinaupo muna niya ako habang hinihintay ang mga pulis. Si Cindy naman ay isinama ng security sa office nila para doon hintayin ang mga pulis.

Tumawag si Ate O kay Paolo para pumunta agad. Baka di pa ito nakakalayo. Pati sila Leysam ay tinawagan din niya.

"Pabalik na daw si Pao. Dito muna tayo." Sabi ni Ate O.

"Ate, pwede bang ihatid mo na muna ako sa unit ko? Napapagod ako. Gusto kong magpahinga."

"Sige. Sasabihan ko lang yun security na huwag papakawalan ang babaeng iyon. Hintayin mo ako diyan."

Tumango lang ako. Habang wala si Ate O, naiyak ako. Sa sobrang awa sa sarili ko dahil wala ang mga magulang ko para dumamay sa akin, umiyak ako.

Maya-maya ay bumalik na si Ate O.

"Tara na. Ihahatid muna kita sa taas." Inakay na niya ako papunta sa elevator para maihatid ako sa unit ko. Pagdating doon ay iniwan din niya ako. Nakaupo lang ako sa kama ko. Tinignan kung ano ang mga sugat na nagawa ng babaeng iyon sa akin. Nakita kong namumula ang mga pisngi ko.  May bahid pa ng dugo ang labi ko kase nga napalakas ang pagsampal ng Cindy na iyon sa akin. Mas lalo akong nagalit sa kanya at naawa sa sarili ko. Sadyang may mga tao talagang masasama.

Hindi muna ako magtratrabaho. Magpapahinga muna ako. Ayoko munang magkaroon ng anumang kinalaman kay Alden. Kung pwede nga lang, hindi ko na siya makatrabaho. Ayokong maging biktima ng masamang ugali ng girlfriend niyang may sayad sa ulo. Huwag ako.  Hindi ko ito deserve. At lalong di ito deserve ng kahit na sinong babae. Wala siyang karapatang manakit ng kapwa niya.

A/N Lipat po muna ako sa kabila.

Sa Likod ng Kamera (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang