45

2.2K 140 8
                                    

We had the time of our life. Pagkatapos kase ng shoot namin ay dumiretso na kami sa pamamasyal. Nakatakas kami sa mga tao na nakaabang sa amin.

Nang makabalik kami sa hotel namin ay gabi na. Tinawagan muna namin si Ate O para salubungin kami. Tamang-tama ay nagkakasayahan pa sila nila Pao. Sinalubong kami ni Ate O at Mama Ten sa lobby.

"Kamusta pamamasyal?"Bungad ni Ate Oreo.

"Ayos naman. Pero nakakapagod." Sagot ni Alden.

"Mabuti bumalik na kayo. Kanina pa tanong ng tanong si landing Maxine kay Alden. Kaya ayun nainip umalis. Ewan ko kung saan nagpunta." Sabi ni Mama Ten.

"As if naman mahalaga siya. Di nga siya iniintindi ng mga tao dito. Inis na inis nga ang mga crew ng pelikula kase ang arte, akala mo siya bida sa pelikula."Si Ate O.

"Hayaan na ninyo. Ma, aakyat na kami. Pakikuha ako ng damit kase tinatamad na akong pumunta sa kwarto ko."Utos ni Alden kay Mama Ten.

"Bilisan na natin at baka magtaka sila Direk. Tara na." Si Ate O.

Umakyat na kami sa kwarto ko. Doon na kami ulit matutulog. Pagdating sa unit ko ay kasama namin sila Ate O at Mama Ten. Lumabas ulit si Mama Ten para kunin ang pangtulog ni Alden. Mabilis lang niyang nagawa iyon. Inabutan niya kami na minamasahe ni Ate O ang mga paa ko.

"Den,eto na yun damit mo. Baba na kami. Magpahinga na kayo. Maaga pa shooting bukas." Bilin ni Mama Ten.

Lumabas na sila. Kami naman ay nagpahinga lang sandali at naligo na para makatulog na agad. Di na namin kayang gumawa pa ng milagro.

"Mahal, good night na. Antok na ako." Sabi niya.

"Sige mahal. Magbabasa lang ako sandali. Sandali na lang. Una ka ng matulog."

"Good night na mahal. Love you."

"Good night. Love you,  too."

Di ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog. Basta nagbabasa ako tapos nakatulugan ko na. Sa sobrang pagod namin nakatulog Kami agad.






••••

Nagising ako sa mga katok sa pinto at sa nonstop ringing ng cellphone ko.

"Mahal, buksan ko lang yung pinto." Kahit pupungas pungas pa ay kinuha ko ang telepono ko habang palapit sa pinto.

"Meng!!!!!!! Buksan mo yung pinto. Ngayon na!" Si Paolo ang nasa pinto. Pagbukas ko ay itinulak niya agad ako papasok.

"Babae ka! Hindi kayo nag-ingat! Buksan mo yung Twitter mo! Bilisan mo!" Sigaw nito.

Binuksan ko kaagad ang Twitter ko at tumambad sa akin ang mga pictures na nakitang papasok kami nila Alden, Ate O at Mama Ten sa kwarto ko. Meron din yun picture na lumabas at pumasok si Mama Ten na may dalang mga damit ni Alden. Pati ang pag-alis nila Mama Ten at Ate O sa kwarto ko. May caption pa ito na "Ang Iniidolo ng Neyshen na Mahinhin at Di makabasag Pinggan na si Maine Mendoza, Natutulog Katabi ang Pambansang Bae."

Di ko alam kung maiiyak ako o ano. Di naman nila alam ang totoo na mag-asawa kami.

Maya-maya nagising na si Alden. Pinakita ko sa kanya ang balita. Dumating na din sila Ate O, Leysam at Mama Ten. Kinausap muna nila si Direk tungkol sa mga lumabas na larawan. Sinabi nila na maglalabas kami ng statement. Pero huwag na daw muna. Saka na.

Halu-halo ang comment at reaksiyon ng mga tao sa mga pictures. May mga natuwa, meron din ang mga humusga na magagawa ko pala ang mga bagay na iyon. Meron din ang tinanggap ito na normal ng gawain ng mga magkasintahan. Pero ang problema hindi naman namin inamin na kami na. So ano ang lalabas na ako? Malandi at kaladkarin?

Naiyak na ako. Di ko matatanggap na mabansagan ng kung anu-ano samantalang di naman totoo ang mga sinasabi nila.

"Mahal maglabas tayo ng statement. Proprotektahan kita." Si Alden.

"Alam ko mahal. Pero paano natin ito iaayos?"

"Ako bahala sayo. Huwag kang matakot."

"Pao ano ang sabi nila Direk? Nila Sir Rams?"

"Huwag na lang daw sagutin muna. Pagdating na ninyo sa Pilipinas."

"Baka makasuhan ako kase nakalagay sa kontrata ko iyon."

"Huwag mo na munang isipin iyan. Madali na natin magawan ng paraan yan." Si Paolo.

"Tuloy pa ba yun shoot?" Ako.

"Oo naman. Di na tayo makaback out. Nakasimula na tayo at malaki na nagastos. Gagawan na lang ng paraan ang nangyari." si Leysam.

"Ako bahala sa atin mahal. Kapag siniraan ka pa nila, aaminin na natin ang lahat. Hindi importante yan. Bibilhin natin ang kontrata mo." 

Nababalisa ako. Hindi ko alam kung anong nagawa namin. Nagmahal lang kami.

"Sino nga pala ang nagpakalat ng mga litrato?" Tanong ni Alden.

"Pinatignan na namin sa CCTV. Si Maxine ang kumuha ng mga pictures. Ipinadala niya sa mga bashers ninyo. Humanda ang babaeng iyan."

"Asan na siya?"

"Nakaalis na siya kanina pa. Pagkaalis niya saka lumabas yun mga litrato." Kwento ni Ate O.

"Walanghiya talaga ang babaeng yan! Kakalbuhin ko siya pagbalik natin sa Pilipinas." Si Pao.

"Basta mahal kahit anong mangyari, ako bahala sayo. Di ako papayag na saktan ka ng kahit na sino. Huwag ka ng umiyak. Kaya natin ito. Baka ito na yun susi para makawala na tayo sa pagtatago."

Kahit papaano naisip ko na siguro panahon na nga na aminin na namin ang lahat. Kahit naman anong mangyari,ang mahalaga ay magkasama kaming mag-asawa. At iyon ang magpapatatag sa akin.

A/NGood night.

Sa Likod ng Kamera (Completed)Where stories live. Discover now