35

2.3K 148 5
                                    

Nakauwi na kami sa condo ko. For the mean time dito muna kami habang nasa condo ni Alden ang kuya niya. Di naman ito nakikialam sa buhay ni Alden kaya walang problema kay RD, pero si Riza lang talaga ang ayaw sa akin.

Naaalala ko pa ang sinabi nila sa akin matapos kaming bumalik sa komedor.

"Pasensiya na Meng, hindi naman ganyan si Riza. Siguro nagseselos lang kase di na siya ang baby ng kuya niya." Sabi ng Daddy niya.

"Ayos lang po sa akin. Eventually, matatanggap din po niya ako. Huwag po ninyo intindihin, okay lang sa akin."

"Basta paumanhin anak. Pamilya ka na namin. Huwag kang magdadalawang-isip na lumapit sa amin. Tanggap ka namin, anak." Napaiyak ako sa sinabi ng Lola niya. Inakbayan ako ni Alden at hinalikan sa ulo. Sana nga matanggap din ako ni Riza, pagdating ng oras.

Napawi ang aking pag-iisip sa mga naganap kanina ng tapikin ako ni Alden.

"Mahal, huwag mo ng intindihin si Riza. Kakausapin ko din siya. Pero sa ngayon, ang mahalaga, mahal kita. Yan lang ang tatandaan mo."

"Mahal din kita. Di ko iniisip iyon. Sana nga lang magkasundo rin kami."

"Magakakasundo kayo. Huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan."

"Salamat mahal."

"Di na tayo lalabas, dito na lang tayo. Napagod din ako sa biyahe."

"Oo nga mahal. Pahinga ka na. Busog pa naman tayo at isa pa, ang dami pang pagkaing pinadala ni Lola. Sapat na iyon para sa pagkain ni Ate O.  Nagtext kase na gagabihin daw siya at makikipagkita siya sa kapatid niya."

"So tayo lang pala dito?"

"O ngayon?"

"Alam mo na yun. Tara na. Para pwede kang sumigaw." Binuhat niya ako.

"Kala ko pagod ka na?"

"Nawala pagod ko. Minsan lang tayong maiwan ng tayo lang! Doon tayo sa kwarto." Parang  batang itinakbo ako ng asawa ko sa kwarto. Inilock ang pinto dahil baka nga naman biglang umuwi si Ate O. As usual, alam na ninyo nangyari.

☆☆☆

Dahil wala kaming trabaho ng halos dalawang linggo, nandito lang kami sa condo, minsan lumalabas kami pero kailangang nakadisguise. At dahil nakakapagod yun katatago, naisip naming sa bahay na lang muna. Dito, pwede naming gawin ang gusto namin. Hindi rin kase kami pwede lumabas ng bansa, mahahalata kase laging madaming fans ang nakaabang kung saan man kami pumunta. Buti na lang, walang nakakaalam kung saan ang condo unit ko, pati ni Alden. Kundi, malamang nabuking na kami.

May hinala na ang management na may relationship kami pero wala silang idea na may kasalang naganap. Ang mga fans lang ang mahilig mag-SOCO. Halos lahat ng galaw namin ay binabasa. Pero di naman kami talaga super duper intimate. Ayoko naman kase ng PDA. Pero minsan di maiwasan ni Alden na ang mga hawak niya sa akin ay hindi na pang magkatrabaho, halatang pang may relasyon. Kaya lalong nagwawala ang mga fans dahil wala silang makuhang confirmation mula sa amin. Di tuloy maiwasan na mabash ang isa sa amin. Pero most of the time si Alden ang naiisue kase nagseselos ang fans namin na baka may ibang babaeng gusto daw ito. Di nila alam, mag-asawa na kami sa totoong buhay.

Puro haka-haka lang sila lalo na kapag nakikita nilang suot namin ang aming wedding ring pati kapag suot ko ang engagement ring ko.

Nakakatuwa ang fans, sila talaga nagseselos kapag may nadidikit sa asawa ko, talagang di pwedeng mambabae ang asawa ko at matapang pa sa akin ang mga fans namin. Kaya alam ko na hindi ko na kailangang awayin ang ibang babaeng umaaligid sa asawa ko, dahil nandiyan ang solid fans naming AlMaineNation para protektahan ako at ang relasyon namin. Kaya tiwala ako na walang mamamagitan sa aming mag-asawa.

A/N kakainis ang ulan. Sana lang tumila, pero kung hindi, malamang maputik bukas. Kakatamad tuloy pumunta sa sementeryo.

Sa Likod ng Kamera (Completed)Where stories live. Discover now