30

2.5K 148 5
                                    

Instead of going for a roadtrip, we end up going to a judge and arrange for a secret wedding the following morning. May kinausap na si Alden na tao na tutulong sa amin para makahanap ng judge na hindi mag-iingay at magkakalat ng balak naming pagpapakasal. Siya na rin ang mag-aayos ng aming marriage license.

Then, we told Ate O, Mama Ten, Leysam and Paolo about our plans. Nung una, they disagreed but then eventually, pumayag din sila but on one condition, we have to keep it secret and we should remain what we are in front and behind the camera kapag may fans, yun hindi pa rin laging magkasama or hindi gaanong sweet sa likod ng kamera. Okay lang, basta after work, we can be what we are with each other. Isa pa, they asked us na huwag munang magkakaroon ng anak dahil madami pa akong project na nakaline up na dapat tapusin. I can't work kapag nabuntis ako. Payag naman kami kase gusto ko nga rin munang magtrabaho pa bago magfully retire as an actress. Siguro after a year or two, pwede na. Kapag medyo naglie low na yun dami ng fans. But as for now, strike while the iron is hot.

☆☆☆

Our simple wedding ceremony happened a week after settling our documents and seminars to attend to before being married. Together with our PA's and handlers, naikasal kami sa isang judge na pumayag na magkasal sa amin sa condo ko. The judge sworn a strict compliance on the secrecy regarding this ceremony. Kami lang pito ang nakakaalam. Si Mama Ten ang nagpareserve ng place for the reception and it was closed for half the day para sa aming anim. The judge was paid a big amount of money para lang hindi magsalita. He bowed to say nothing to anyone, and know nothing about our marriage. Napaka-exciting ng mga naganap. After the short ceremony, we decided to proceed to the restaurant.

After a short early lunch, kase nga umaga kami nagpakasal, naghiwalay na kami agad ni Alden. Kahit naman dapat honeymoon, we can't afford na magduda ang management at ang mga fans. Kaya tumuloy kami sa kanya-kanyang trabaho. But we promised to be together tonight. Actually, medyo nakahinga ako ng maluwag dahil mabibigyan pa ako ng panahong makapaghanda para sa pulotgata. At least di pa mangyayari yun agad ngayon, mamaya na kapag madilim na. Kinakabahan ako at the same time inaanticipate ko ang mga mangyayari.

"O ano na bunso?" Tanong ni Ate O.

"Anong ano?"

"Ngayon na ano na kayo.. ngayon na legal..."

"Ate O no! Huwag mo ng ituloy!" Banta ko.

"Basta, tandan mo yun sinasabi namin sayo, sa inyo ni Alden. Baka nakakalimutan mo." Paalala niya.

"Hindi nga. Oo alam ko yun. Basta mag-iingat ako okay."

"Saan ka na titira? Paano na ako?"

"Kasama ka pa rin namin. Yun condo ko, doon pa rin tayo uuwi... minsan. I mean, uuwi pa rin ako doon. Ikaw pa rin ang PA ko, walang nagbago, walang magbabago."

"Good. At least alam ko na hindi mo ako kakalimutan. Natakot ako kase akala ko, wala na akong puwang diyan sa buhay mo. Pasensiya na, alam ko naman na mahal mo pero natakot lang ako."

"Ate O, hindi. Kahit kailan, hindi kita kakalimutan. Ikaw pa rin yun trusted Ate O ko, ang kasama ko sa buhay ko, sa lahat ng mga gagawin ko, at tandaan mo, di na ako nag-iisa ngayon, dalawa na kami. Mas madami ka ng aalagaan. Kayo ni Mama Ten. Isa pa, kung di na kita kailangan, sino na sasama sa akin sa mga gigs at shoots ko? Sino na mag-aalaga sa akin sa trabaho ko? Kaya huwag mong isipin na bibitawan na kita, kase hindi mangyayari iyon. Kahit kailan!" Niyakap ko si Ate O. Wala naman talagang nagbago. Nag-asawa lang ako.

"Salamat Meng. Hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari. Kahit ayaw mo na sa akin."

"Ate, di rin kita aayawan. Kaya huwag ka ng mag-inarte." Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa designated room para sa akin. Sisimulan na kase akong ayusan bago ang photoshoot sa endorsement ko na Feminine wash. Wow ha, feminine wash talaga. Remind me to buy some, para naman di nakakahiya sa asawa ko. Oo, sa asawa ko. I need to be fresh all the time. Ahahaha!

A/N The kids wanted to watch The Mummy ni Tom Cruise. Nakakagulat kaya I opted to write na lang to avoid the shocking and scaring scenes. Duwag lang. Ahahaha.

Sa Likod ng Kamera (Completed)Where stories live. Discover now