Kabanata 17

3.2K 60 4
                                    


Kabanata 17

Confession

"Ija, are you sure you don't like Kent?" tanong sa akin ni Dad.

Naghahanda ako ngayon ng PowerPoint presentation para sa meeting mamaya sa kompanya. May tatlong investors na dadalo sa meeting na 'yon kaya medyo pinag handaan ko ang presentation na ito.

"He's n-nice, Dad." sagot ko at mas itinuon ang tingin ko sa aking laptop.

Hindi ko alam kung kailan uli ako kakausapin ni Kent simula nung...umamin siya.

Hindi niya na rin ako tinetext o tinatawagan man lang. As if I'm waiting for his call. Tss.

Nakapag explain na si Dad at pinatawad ko na siya, ayoko nang magkimkim ng galit lalo na sa pamilya ko pero hindi ibig sabihin ay pumapayag na akong ipag-kasundo nila kay Kent dahil lang sa negosyong ito. I'm still against it.

"Ayaw mong mas kilalanin siya?" Tanong niya uli.

Hinarap ko siya at nakitang pinagmamasdan niya ang painting sa aking kwarto. Si ate Andie ang nag paint noon. It's my favorite flower, daisy.

"D-Dad, I-I can't marry someone for business. Hindi tama yun." Sabi ko.

Nilingon niya akong may ngisi sa kanyang mukha. Ang nangungulubot niyang mukha ay kapansin-pansin.

"Alright, I won't force you anymore. Besides, alam mo naman na kasinungalingan lang iyon. Hindi ba? Sigurado akong nabanggit na sa'yo ni Kent ang tungkol doon."

Kahit na kasinungalingan lang iyon ay parang gusto pa rin niya akong ipagkasundo kay Kent dahil bukambibig niya ang pangalan ng lalaking iyon. I'm confused.

"Paano mo nakilala si Kent, Dad?" tanong ko. Nakapalumbaba ako sa aking lamesa at nakatingin sa kanya.

"Kilala ko ang ama niya, Magkababata kami." ani Dad.

Tumango ako, "Ganun ho ba?"

Inilipat niya uli ang kanyang tingin sa painting.


Hindi na siya muling nagsalita at nginitian nalang ako bago lumabas ng aking kwarto.


Hinawakan ko ang kwintas sa aking leeg at bumuntong hininga. Kung kilala ni Dad ang pamilya ni Kent ay malamang sa malamang ay na kwento na niya ako rito kaya hindi na dapat ako mag taka kung sabihin niyang kilala niya ako. Pero paano ako? Hindi ko siya kilala.

Kinabukasan ay nairaos ko ng maayos ang meeting. Hindi pa ako nakakapag breakfast at lunch na ngayon kaya naman napag desisyunan kong pumunta sa isang fast food restaurant sa labas lang ng HZ.

"One piece chicken, spicy. Tsaka large coke." sabi ko doon sa cashier at inabot ang five hundred pesos na buo. Sinuklian niya ako agad at kinuha na ang order ko.

"Didn't know you're into fast food, baby."

Nanginig ang kalahating katawan ko dahil sa bulong na iyon.

Naamoy ko ang isang pamilyar na pabango at alam ko na agad kung kanino 'yon.

"Layo, Kent. You're invading my personal space." Pagtataray ko kahit hindi siya kaharap dahil nasa likod ko siya at parang naka pila rin.

"Sit, ako na ang bahala sa pagkain mo." Bulong niya direkta sa tainga ko. Iniwas ko iyon at madaling kinamot ang aking batok dahil naramdaman ko ang pag taas ng aking balahibo doon.

"Huwag mo akong utusan, hindi tayo close." sabi ko. Nainis pa ako dahil ang tagal dumating ng order ko kahit dadalawa lang naman iyon.


 The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon