Kabanata 23

2.7K 49 0
                                    

Kabanata 23

My girl


"Where the hell are you?"


Ang bilis ng tibok ng puso ko, nahihirapan akong huminga. Gusto kong maglupasay dito dahil iniwan ako ni Lexi. It doesn't really matter, kaya ko naman talagang umuwi mag isa, ang hindi ko lang ma-take ay iniwan niya ako dito kasama si Dorothy. Nakakabanas.


"Just around the corner, Haze. Chill." tumawa si Lexi sa kabilang linya.


"Plinano mo 'to 'no?!" bulalas ko.


Nauna nang umalis si Dorothy at naiwan akong mag isa dito sa bake shop kung saan dapat si Madame Kai lang ang sadya ko. Bakit ang hilig nila akong pag laruan? Mukha ba akong laruan?!


"Medyo lang." she won't stop laughing.

Nag-tiim bagang ako bago isubo ang piraso ng cake na in-order ko pagka alis ni Dorothy.


"I hate you!" sigaw ko habang may cake sa aking bibig.

Uubusin ko lang 'tong banana cake at aalis na ako dito. Hindi na ako babalik sa shop na 'to, leche!


"Bakit ba galit na galit ka?" tanong niya.


Umirap ako, "Nananadya kayo e!"


She chuckled, "Akala ko ba moved on ka na sa dalawang araw niyong relasyon ni Kent?"


Ay puta?! Pinamukha talaga? Gusto kong manusok ng tinidor na hawak ko ngayon. Patagal nang patagal ay nagiging katulad na ni Lexi si Lucas. Mga walang hiya!


"Tseh! Tantanan niyo ako ha!" sabi ko at kinuha ang last piece ng cake.

Galit ko iyon nginuya at inirapan ko lahat ng taong dumadaan sa labas ng shop. Ewan ko, magkakaroon na ata ako.


"O siya, siya. Daanan nalang kita bukas sa office mo, love yah!"

At pinutol na niya ang tawag.



Halos mabasag ang phone ko pagka bagsak ko nun sa lamesa. Naiirita ako ng sobra, gusto kong pasabugin itong bake shop na 'to.



"Ano 'yan?" tanong ko sa waiter na nag lapag ng milkshake sa lamesa ko. Tiningnan ko 'yon na parang nandidiri, wala akong biniling ganun.



"Vanilla milkshake for you, Ma'am."


"Wala akong in-order na milkshake." kita niyang tubig lang ang inumin ko e. Ang tamis tamis na ng banana cake nila, tapos iinom pa ako ng milkshake? Ano 'to? Gusto nila ako magka diabetes?



"Peace offering daw, Ma'am." sabi niya habang yakap yakap ang bilog na tray.


"Sinong may sabi?" tanong ko.

Wait... Familiar 'tong scene na 'to. Bakit ba ang hilig akong bigyan ng milkshake ng kung sino? Kulang ba ako sa tamis? E, kung tusukin ko kaya sila ng tinidor?


"Secret daw po. Paki ubos daw Ma'am. Kapag hindi niyo po inubos-"


Ha? May pagbabanta ang shop na 'to? Totoo ba? Gago.


"Ayoko." putol ko sa sinabi nung waiter. Kinuha ko ang pouch ko at tumayo na. Iniwan ko yung waiter na naka tayo doon.

"Oh?"Napahinto ako sa aking paglalakad dahil hinarangan ako nung waiter. Anong problema niya? Inumin niya yung milkshake kung gusto niya, wala akong pake.





 The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon