Kabanata 19

3K 57 0
                                    

Kabanata 19

Fallen

"Saan ka ba papunta? Bakit napadaan ka rito?" Tanong ko kay Kent na ngayon ay ayaw pa rin akong bitawan sa pagkakayakap. Ang coat na pinatong sa akin ni Evan kanina ay tinanggal ni Kent at pinalitan ng kanya. Nakita ko kung paano niya lang sinampay iyon kung saan. Hays, Kent.

"It doesn't matter. I just wanted to see you."

"Uhm... H-hindi ako makahinga K-Kent." Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya.

"Alright." Kumalas siya sa pagkakayakap ngunit ang kamay niya ay nasa balikat ko pa rin.

"P-pauwi na rin kami." wika ko. "It's a family dinner, Kent." I added.

Tumango siya, "I guess I have to go." he smiled.

Tumingin siya sa kanyang wristwatch at nanumbalik din agad sa akin ang mata niya.

"Goodnight." Yumuko siya para mahalikan ang noo ko.



Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nagulat nalang sa kanyang ginawa.

Pinag masdan ko siyang makabalik sa sasakyan niya at nung makita kong umandar siya ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.

Ano ba kami?

Ano bang nararamdam ko?

Ano ba itong epekto niya?

"Ija, mag paalam kana sa kanila." Lumabas na ang magulang ko mula sa restaurant. Kasama rin ang pamilya ni Evan.

Hinarap ko sila Tito Hunter, "It was nice meeting you po." I smiled.

"Take care, ija." Sabi ni Tita Evelyn, ang asawa ni Tito Hunter.

"Where's my coat?" ani Evan.

My eyes widened. Hindi ko alam kung anong isasagot. Pambihira naman kasi si Kent.

"Never mind. Mukhang nag selos yung boyfriend mo." Tumawa siya kaya napaharap sina Dad sa akin.

Todo iling naman ako, "No! H-hindi ko yun boyfriend." Sabi ko sa kanila. Si Evan ay kung anong mapang asar na tingin ang ipinupukol sa akin.

"Sino yun, anak?" Tanong ni Mom.

"Uh... Si K-Kent po." Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa harap nila gayung wala naman akong ginagawang masama.

"Oh, nagkakamabutihan na kayo?" Si Dad naman ang nag tanong.


Mas lalo akong umiling. Hindi ko rin alam, Dad. Masyadong  magulo pa ang nararamdaman ko.


"O siya, siya, sige na. Mauuna na kami." Paalam ni Tito Hunter.

Bago sila umalis ay madalian kong kinuha ang coat ni Evan na nakasampay sa lamp post sa gilid ng restaurant. Inabot ko sa kanya iyon na may hiya sa aking mukha. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

"See you around, couz!" Bahagya siyang sumaludo sa akin bago siya tuluyan sumakay sa kanilang sasakyan.

"Nandito si Kent kanina, Hazel?" Tanong ni Mom. Hinihintay namin ngayon ang aming driver.

"N-napadaan lang daw po." Sagot ko.

Narinig ko ang pag tikhim ni Dad, tiningnan ko siya at kita ko ang pag ngisi niya.

"Mukhang seryoso talaga ang batang 'yon sa anak natin, Amanda." Tumawa si Dad.

"Dad!" nahihiya kong puna.

 The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon