Kabanata 24

2.8K 46 2
                                    

Kabanata 24

Need


Hindi ko alam kung bakit nandito si Lucas sa gusaling ito. Sa pagkakatanda ko ay nasa Clark siya para sa karera, pero isa lang ang masasabi ko—nice timing siya.


"Look, I don't want to pick a fight, bro. I just want my girl."

Mayabang na sinabi ni Kent iyon sa mukha ni Lucas. Paano kung mag away nga sila dahil sa kagagawan ko?

Sorry, Lucas.



"She's not yours. Stop dreaming." rebat ni Lucas. Parehas ko silang tintiningala ngayon dahil sa mga height nila. Kahit naka heels ako ay hindi ko pa rin sila maabot.


"Well, she's not yours either." Kent smirked.


"Pwede ba, Kent? Tumabi ka." matabang kong sabi.

"No." matigas niyang wika.



"Ang kulit ng bumbunan, fuck." bulong ko. Sinigurado kong hindi nila maririnig iyon. Gusto ko lang ilabas ang inis ko.




Bumukas na uli ang elevator, agad kaming sumakay ni Lucas at naiwan si Kent sa palapag na 'yon. Nang sa wakas ay hindi ko na siya natatanaw ay nakahinga na ako ng maluwag.





"Is that your ex?" tanong ni Lucas.




"Never mind that. Bakit ka nandito?" nakapamewang kong tanong.

Wari ko'y pinagpapawisan na ako dahil sa kaganapan kanina kaya nama'y nag papaypay ako gamit ang kamay ko. Napabuga pa ako ng malakas.


"Kagabi pa ako nandito. May naiwan kasing gamit sa sasakyan ko yung nakasama ko sa karera. Binalik ko lang." paliwanag niya.



"E, bakit ngayon ka pa lang ata uuwi?" ngumisi ako. "Babae na naman 'no?"


Madaming nilalandi 'tong si Lucas sa nagdaang limang taon. Hindi ko nga malaman kung kailan siya magseseryoso. Isang araw, nahuli siya ni Lexi sa banyo nilang may kahalikan. Hindi ko naman akalain na magdadala agad ng babae si Lucas sa bahay nila. Last month, bibisita sana ako sa kanila ngunit hinarang ako ng babae niya. Sobrang nakakapang init ng ulo ang tagpong iyon. Halos masabunutan ko na sa gigil yung babae. Sabihan ba naman akong malandi. Ha! Saksak niyo sa baga niyo yang si Lucas. Tingnan lang natin kung seryosohin kayo niyan.




"Tss, wala namang nangyari. Pinakain niya lang ako ng pansit bihon na gawa raw ng lola niya. Nakatulog na lang ako sa sobrang kabusugan." sagot niya.



"Woah! Hanggang bihon ka lang pala, e!" humalakhak ako.




"Ex mo nga ba 'yon? Buti nalang talaga at natauhan ka. Hindi naman seryoso 'yon."



"Wow! Coming from you Mr. Silvestre! Akala mo naman napaka seryoso mo sa babae. Puro ka lang naman laro, tss." umiling ako.


Bumukas ang elevator. Nang maalala kong na kay Killian ang sasakyan ko ay parang gusto ko na uling sugudin si Kent sa taas.


"Bakit ka ba dinala ng lalaking 'yon dito? Nakikipag balikan?" nakapamulsa siyang naglalakad. Suot niya ang napaka garang itim na t-shirt at naka leather pants siya.



"May appointment ako dito. Hindi niya ako dinala. Nakasalubong lang." Pagsisinungaling ko, "Wala naman dapat balikan. Anong dala mo? Motor? Kotse? Sapakin kita pag motor." umamba akong sasapakin siya.



 The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon