Kabanata 25

2.9K 45 1
                                    

Kabanata 25

Day one

"Ang galing galing mo talaga, Lex. Ang galing galing mo. Gusto kitang bangasan." nanlilisik kong tiningnan si Lexi.

"Wow. Harsh." she chuckled. "May nangyari ba nung iniwan kita? Nagkita kayo ni Kent? Anong masasabi mong si Killian ang asawa ni Dorothy?"

"Oo! Gaga ka kasi! Na-carnapp pa tuloy yung kotse ko." sigaw ko. "Wala akong pake kay Killian." umirap ako.

Nakatingin siya sa isang magazine na naka display dito sa opisina ko. Bridal Guide ang pamagat, pinag masdan ko siyang naging interesado sa kasal.

"Hindi nga na-carnapp. Balita ko binalik naman ni Kent agad. Ayaw ka niyang mag taxi pauwi." inangat niya ang ulo sa akin pero agad din nanumbalik sa kakatingin sa magazine.

"Akala ko ba galit ka rin sa kanya? Bakit bigla atang nasiraan ka ng ulo't pumanig sa kanya?" minasahe ko ang aking sentido.

"Hindi kaya!" tanggi niya.

"Kanina mo pa 'yan tinitingnan. May balak ka na bang magpakasal?" umismid ako.

"No way. I'm still single, naghahanap lang akong ideya for wedding gowns. That's my next project." she answered.

"What project? Sa kasal ka na? Mostly debut and proms ka lang, right?" sinandal ko ang aking likod sa swivel chair.

"Yep. May nag book sa akin ng wedding gown. Actually, close friend ko ang nagpapagawa kaya imbitado ako sa kasal." aniya.

Tumango ako, "That's great."

"Imbitado ka rin." mabilis niyang sabi.

Nanlaki ang aking mata, "Me? Sino bang ikakasal? Baka naman si Valerie yan at pinagti-tripan niyo lang ako."

"Hindi si Valerie. Forever na atang hopeless romantic 'yon sa ex niya. Inimbitahan ka kasi sabi ko ikaw ang magiging assistant ko." she smirked.

My eyes become wider, "Lexi!!" singhap ko.

Tumawa siya, "Babayaran kita promise. Para na rin matuto ka, kasi nga 'di ba? Gusto mong mag design?"

"Pag ako binudol-budol mo na naman..." napa iling ako, "Kailan? Saan?" tanong ko.


"Hindi pa 'yan napag uusapan. Next year pa raw e. Gusto niya lang i-advance yung gown para mas marami siyang choices pag nagkataon." aniya.

"Kala mo kung makapag invite ka sa'kin ay hindi ako busy dito ha? Naubos oras ko kahapon, wala naman akong napala. Nabwiset lang." bumuga ako.

"Sus, parang noon ay hindi ka ngumawa sa closure, ah?" pang aasar niya.

"Excuse me, hindi ko hiningi 'yon." humalukipkip ako.

"Sabi mo e..." ngumuso siya at binaba ang magazine sa lamesa. Humigop siya ng binili niyang iced coffee, "Si Kuya Lucas, feeling ko talaga gusto ka non." sabi niya.



Kumunot ang noo ko, "Pinagsasabi mo? Tagal tagal na nating magkaibigan, ngayon pa ba sasagi sa imahinasyon mo 'yan? Tsaka, yang si Lucas parang ibon 'yan. Ipot nang ipot kung saan saan. Iba't ibang pugad ang pinag lulunggaan. In short, babaero!"


"Ayaw mo kasing bigyan ng chance...Ikaw lang naman ata hinihintay non." wika niya.

"Ang panget ng mga iniisip mo, Lex." umiling ako, naiirita.

"Ang tanda mo na, Hazel. Kailan mo balak magkaroon ng pamilya?" tanong niya. "Umaasa ka pa rin kay Kent 'no?!"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit ikaw? Matanda ka na rin ah? Ano pang hinihintay mo?"

 The Heiress (WATTYS 2017 PANALO) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon