Chapter 4

82.8K 2.3K 293
                                    

Amilia's POV.

Sumunod lang ako sa mommy ni Kasper. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan diba? Kinakabahan talaga ako! Mamaya may pagka Lady Tremaine pala sya. Buti pa si Daddy Dawson. Hanep! Saan ako kumuha ng lakas ng loob na maki daddy haha

"Mia, right?" napatingin ako kay Tita Rose ng tawagin nya ko.

"O-opo" kinakabahan kong sagot. Hindi mo iisiping mommy sya ni Kasper kasi parehas sila ni Daddy Dawson na parang young looking at pwedeng pumasang kapatid ni Kasper.

Ngumisi sya. Halatang ramdam nya ang kaba ko.

"Natatakot ka ba sakin?" diretsa nyang tanong.

OMG! Straight forward syang tao! Kaloka mas trumiple ang kaba ko.

Pero kahit kinakabahan ako. Umiling ako at tipid na ngumiti.

Nagulat ako ng tumawa sya.

"You're scared of me, aren't you? Wag ka ng magsinungaling. Halatang halata sayo. Namumutla ka na" she said and then chuckled.

"P-pasensya na po. First time ko po kasi" sabi ko.

"Really? Hindi ka pa nagkaka boyfriend?" tanong nya habang naglalagay ng baking sheet sa baking pan na nilabas nya kanina.

"Wala pa po" sagot ko.

"Wow! If ever it will also be Kasper's first romantic relationship" sabi nya. Namula naman ako. Ibig sabihin first girlfriend/boyfriend kami ng isa't isa.
"Namangha lang ako kasi yung ate ni Kasper ang dami ng nagiging boyfriend"

"May ate po si Kasper?" gulat kong tanong. Di naman kasi nakukwento ni Kasper yun. Well, hindi naman kasi kami madalas magkasama.

"Hindi nya ba sinabi sayo. Sabagay, asar sya sa Ate Rafaella nya. But we call her Raffy. Matanda ng 5 years sa kanya yun. Nag aaral yun sa pagiging doktor. Close sila ni Kasper pero bully kasi masyado si Raffy kaya madalas mainis sa kanya yung bunso ko" Tita Rose explained.

"G-ganun po ba" sagot ko. Wala kasi akong masabi.

"But let's be serious Mia. Mabait akong tao. I can be the nicest mother. Pero once na saktan mo si Kasper, hindi mo ikatutuwa ang kakayanan ko. My son is still innocent. Mabait syang bata, he never gave me a headache or any trouble" sabi nya.

Napalunok ako. Ramdam na ramdam kong seryoso sya.

"So I ask you since alam kong gusto nyo ang isa't isa. Please take care of him. Wag na wag mo syang sasaktan Mia" sabi nya.

Mabilis naman akong tumango.

"I-i won't hurt Kasper" sabi ko.

Ngumiti naman sya sakin.

"Can I help you po?" tanong ko kasi nakita kong gumagawa sya ng cookie dough.

"Marunong ka? I mean mag bake?" namamangha nyang tanong.

"Yes po. Yung mommy ko kasi nung bata ako pastry chef sya kaya medyo natuto ako" masaya kong sabi.

Naaalala ko madalas tong bonding namin ni mama, yung mag bake. Magaling ako mag bake pero pag mga ulam na, wala ka ng aasahan sakin. Baka mamatay ka sa sakit sa kidney sa alat or magka cancer ka dahil laging sunog.

"Wow, pinabibilib mo ko Mia. Alam mo bang may favorite si Kasper na binibake ko. Marunong ka ba nung carrot cake?"

"Marunong na marunong po tita" sagot ko. Excited ako mag bake.

"It's Mommy Rose. Naku matutuwa si Raffy kapag nakita at nakilala ka pero mas matutuwa si Kasper kung ikaw mismo ang gagawa ng carrot cake nya" she suggested and then she handed me some ingredients. Napangiti naman ako.

THE REVENGE OF MY NERD HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now