Rose's POV.
Paghinto pa lang ng kotse ay nagmamadali na kong bumaba. Sinalubong ako ni Victor na halata ang pagka tensyonado.
"Ano bang nangyayari?" tanong ko pero umiling lang sya.
"Ma'am, mas okay po siguro kung umuwi na muna kayo, nasa loob naman na po si Sir Dawson" sabi nito sakin.
"Are you kidding me? Unico hijo ko si Dylan, I have to see him!" mariin kong sabi.
Kakatapos ko lang makipagkita sa mga amiga ko ng makatanggap ako ng tawag kay Keisha, umalis daw muna sya sa bahay kung saan pinilit ko si Dylan na patirahin sya. Pumayag naman si Dylan dahil paulit-ulit kong ipinaaalala ang sitwasyon at mga nagawa ni Keisha para sa kanya. Umalis daw sya dahil nagwawala si Dylan, nauna ng pumunta sakin ang asawa ko at nakahinga ako na nasa loob na sya.
Nagulat ako ng may marinig akong mabasag kaya kahit pipigilan sana ako ni Victor ay tinabig ko sya.
"What the hell is happening here?" nag aalala kong sabi at bilang isa nanlumo ako sa itsura ni Dylan ng magtama ang mata namin, Hawak sya ng daddy nya at parang pinipigilan syang magwala. Mabilis syang bumitaw sa daddy nya at tumayo, lasing ito dahil parang gegewang gewang itong maglakad. "Dylan Kasper what is happening to you?!" sigaw ko.
Nagtaas ng kamay ang asawa ko
"Rose, tama na!" sigaw ni Dawson sakin.
"Dad, iuwi nyo na si mom, iwanan nyo na ako" sabi ni Dylan at nagbukas ng alak kaya mabilis akong lumapit sa kanya at mabilis na hinila ang hawak nyang alak. Nagtitigan kaming dalawa, malalim ang mata nya at alam kong wala pa syang pahinga.
"Sinisira mo ba ang buhay mo?! Ano na lang ang sasabihin sayo ng mga tao?! Si Keisha bakit pinabayaan mo sya umalis?!" galit kong sabi.
"Mom! Pwede ba! Tumigil na kayo! Tigilan mo na ko kakadikta sa mga dapat kong gawin kasi nababaliw na ko!" nagulat ako ng sumigaw sya. He sat down at yumuko. Mabilis na lumapit si Dawson kay Dylan.
"Dylan hijo" Dawson. Halos yakapin na nya si Dylan at parang nadurog ang puso ko ng makitang yumuyugyog yung balikat nya at kusang naluha ang aking mga mata ng marinig ko ang mahihinang hikbi nya,
"Dad, hindi ko na alam. Ayoko talagang mawala si Mia" he said while crying. "Gusto ko man syang piliin noon, hindi ko nagawa pero dad sa pangatlong pagkakataon na to, pinapalagpas ko na naman si Mia at hindi ko na alam kung kakayanin ko pa pag talagang nawala na sya sakin"
Dawson looked at me with disappointing look.
"Dylan, si Mia pa din hindi mo ba napapansin yung effort ni Keisha for you?" I asked him.
Nasaktan na sya ng babaeng yun noon, nagtiwala ako sa kanya at ayoko ng makita na sirain nya ang buhay ng anak ko, hindi ko na kayang makitang suicidal si Dylan pero dahil sa ginagawa nya nagkakaganito na naman ang anak ko. Nagtiwala ako at minahal ko si Mia na parang anak, pero nung iniwan at niloko nya ang anak ko, hindi lang si Dylan ang nasaktan nya, kaming buong pamilya kaya hindi ko matanggap na hanggang ngayon ay baliw na baliw pa din ang anak ko sa kanya.
"Don't you get what I'm saying mom? Mahal ko si Mia, sya lang naman yung minahal ko ng ganito, she was my life before and she still is!"
"Dylan, wag mong sabihin yan! Naloko ka na talaga ng babaeng yun!"
"No, it's me who has been fooling myself! Sya dapat yung pinili ko, sya yung asawa ko but i listened to you! And now, pano kung tuluyan na talagang mawala si Mia sakin?" he asked me and I can see that he is pleading.
Ano ba ang ginawa ni Mia para magka ganito na naman ang anak ko?
"Okay ka na diba? Naka move ka na noon bakit parang mas nabaliw ka pa yata sa manlolokong iyon!"
YOU ARE READING
THE REVENGE OF MY NERD HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)
RomanceIf only I followed my heart at hindi ako nakinig sa sinasabi o tingin sa akin ng ibang tao maybe we are not like this. If only I chose him, he wouldn't be this monster that I feared the most. I'm Amilia Selene Torres-Pendleton, wife of Dylan Kasper...