Mia's POV.
Nagising ako dahil sa katok mula sa pintuan ng unit ko. Kahit ayoko pang bumangon dahil ginabi kami sa mga guesting at performance kagabi ay mukhang hindi titigil itong katok ng katok sa pinto ko.
Tiningnan ko ang sarili ko ng mapadaan ako sa salamin, okay naman at walang panis na laway o muta. Nakapajama at t-shirt naman ako kaya pumunta na ko para pagbuksan kung sino mang nilalang itong umistorbo ng tulog ko.
Pagbukas ko ng pinto ay hindi na ko nagulat ng
"Hi Selene/Mia!" sabay-sabay pa nilang bati.
Sino pa ba? E di itong tatlong mokong na ito? Si Pierce, Lance at Kaiser.
"Teka ang aga-aga pa ah?" tanong ko pero parang baliwala lang dahil itong si Pierce ay pumasok na sa unit ko.
"Mia, anong breakfast?" Pierce asked habang papasok.
"What?" tanong ko.
"Grabe Mia, napagod kami kagabi, ano bang makakakain dito" sabi ni Lance na pumasok din.
Nagulat ako ng may mabilis na humalik sa pisngi ko.
Who else would it be?
"Sebastian Kaiser! Sinasabi ko sayo!" sabi ko habang naka crossed arms sa harapan nya.
Hindi naman sa hindi ako sanay sa paghalik nya sa pisngi ko, lagi nyang ginagawa yun at sanay naman ako ang kinakainis ko lang talaga ay yung ginawa nya sa harapan ni Dylan kung saan tinawag nya kong girlfriend na hindi naman totoo!
"Why Selene?" naka pout nya pang sabi sakin na tila nagpapa cute.
"Isa pa talagang ulitin mo iyon! Malalagot ka na talaga sakin!" pagbabanta ko.
"I'm just jealous kaya pansin ko kasi yung mga tingin sayo nung Dylan na yun" sabi nya.
"Hoy Seb! Tigilan mo na nga yang pagjo joke mo" sabi ko at tinalikuran sya. "Pumasok ka na magluluto ako ng breakfast" sabi ko.
"Hindi lahat joke Selene" narinig kong may sinabi sya pero hindi ko na naintindihan kaya hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kusina kung nasaan si Pierce at Lance.
Nakita ko namang nakasunod sakin si Kaiser.
Sanay naman na ko na nagluluto para sa kanila dahil sa iisang condominium lang kami nakatira pero iba ibang unit. Isang linggo na kami dito sa pinas.
"Alam nyo kayong tatlo, hindi ako chef o nanay nyo para maging tagaluto ng breakfast nyo, lead singer nyo lang ako" sabi ko at binuksan ang ref.
"But ikaw lang ang babae sa grupo at marunong magluto samin" Lance said.
"Ako! marunong ako magluto" sabi ni Kaiser kaya nagtawanan kami.
"Please lang Kaiser wag mo ng ipaaalala na muntik ng atakihin si Manager dahil akala talaga namin nasusunog ang unit mo yun pala nasunog yung niluluto mo" sabi ni Pierce kaya mas nagtawanan kami at. sumimangot lang si Kaiser.
"Wag ka ng sumimangot, anong gusto mong ulamin?" I asked Kaiser.
Mabilis naman syang ngumiti.
"Love mo talaga ako Selene, kahit ano basta niluto mo" sabi nya kaya tumango na lang ako.
"Bakit ganun? Bakit sya tinatanong mo! Ang unfair Mia" sabi ni Lance at sumimangot din.
Umiling-iling lang si Pierce.
"Basta ako Mia, gutom na ko" Pierce.
"Che! Sige na doon nyo na ko hintayin sa dining room. Magsilayas kayo dahil parang hindi ako makakapagluto ng maayos" sabi ko.
YOU ARE READING
THE REVENGE OF MY NERD HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)
RomanceIf only I followed my heart at hindi ako nakinig sa sinasabi o tingin sa akin ng ibang tao maybe we are not like this. If only I chose him, he wouldn't be this monster that I feared the most. I'm Amilia Selene Torres-Pendleton, wife of Dylan Kasper...