Amilia's POV.
"Mia, teka lang!" napahinto ako ng hatakin ako ni Kasper sa braso.
"A-ano ba Kasper?! Bitawan mo nga ako!" pinilit kong lakasan ang boses ko at marahas na hinatak ang braso ko.
Gusto kong umiyak, ang bigat bigat sa pakiramdam ko. Simula pa kahapon, ayokong gawin kay Kasper to.
"Mia, may nagawa ba kong mali. Can you please tell me, bakit ka ganyan?" malumanay nyang tanong. Kasper is looking so down right now. Mukhang hindi sya nakatulog dahil kahit makapal ang glasses nya ay kita kong namumula ang ilalim ng mata nya.
"Wala, pagod lang ako. Pwede ba, sige na aalis na ko" sabi ko.
"Mia!" nagulat ako ng maglapitan sila Natalia sakin. Naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Kasper.
They don't like him, as much as Kasper dislikes them.
Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Natalia.
"Tara na Mia! Birthday ni Odette ngayon, we're gonna have some fun!" sigaw ni Karrie, naghiyawan pa ang mga kasama nya.
"Mia, san kayo pupunta?" tanong ni Kasper.
"Magba bar kami, so back off Dylan!" Nakataray na sabi ni Natalia.
"Ano?" gulat na tanong ni Kasper.
"Ano Mia? Sasama ka ba o hindi?" Karrie.
Tumingin ako kay Kasper, kita ko ang malalim nyang tingin sakin.
"Tara na" sabi ko.
"Mia!" tawag sakin ni Kasper pero hindi ko sya pinansin.
Lumakad pa din ako at sumunod kila Natalia.
Hindi ko alam kung anong oras na at nasa bar pa din ako kasama sila Odette.
Nakaupo lang ako sa isang sulok, at iniinom ang alak na naka serve sa table namin.
Yes, I drink. Minsan umiinom ako pero si papa lang ang kasama ko. Madalas kaming uminom kapag death anniversary ni mama.
And now, I am drinking alone dahil ito lang ang paraan ko para ma ease yung pain.
Alam kong wala akong karapatang masaktan dahil ito ang pinili ko. Pinili kong saktan si Kasper. Pinili ko to, kaya dapat panindigan ko.
But I do love him. Sya lang ang lalaking mamahalin ko bukod sa papa ko, I know I am still young to say this pero yung nararamdaman ko kay Kasper, sure ako. Alam ko, hindi ko na to mararamdaman ever.
Tatanda na siguro akong dalaga, tatandang mag isa at habang buhay kong pagsisisihan ang araw na to. Habang buhay magpapa ulit-ulit sa isip ko ang itsura ni Kasper and how I ignored it.
How I hurt him
How I left him
How I threw him awayHindi nya ba nararamdaman na dapat nya na kong iwan. Sobra na ang nagawa ko, hindi ko alam kung kaya ko pa syang hiwalayan. Yung ako, magsasabi na tapos na ang lahat samin.
Gosh, I sound like a fck girl
Well, fck life! Fck this situation.Sana kung magkikita kami ni Kasper sa future, sana hayaan nyo kong mag explain at sana by that time, mapatawad nya ko.
Hindi ko alam ilang shots na ang naiinom ko, nararamdaman ko na lang na hilong hilo ako.
Nahihilo ako pero kaya ko pa naman ang sarili ko.
Tumayo na ko pero muntik na kong matumba, nagulat na lang ako ng may sumalo sakin. I looked at the person.
"Hey Mia!"
BINABASA MO ANG
THE REVENGE OF MY NERD HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)
RomanceIf only I followed my heart at hindi ako nakinig sa sinasabi o tingin sa akin ng ibang tao maybe we are not like this. If only I chose him, he wouldn't be this monster that I feared the most. I'm Amilia Selene Torres-Pendleton, wife of Dylan Kasper...