Chapter 21

74.5K 2.1K 249
                                    

Amilia's POV.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I am wearing a above the knee dress at naka flat shoes lang. Aalis ako at pupunta ngayon sa opisina ni Dylan.

Naaalala ko pa nung gabing muntikan na kong malunod at sa pagdilat ng mata ko, si Dylan agad ang sumalubong sakin. Bakas na bakas ko ang sobrang pag aalala sa itsura nya, at halos lumundag ang puso ko ng maramdaman kong yakap yakap nya ko.

"I really thought I lost you!" bulong nya sakin. Hindi ko alam pano na control nila ate raffy yung mga bisita na wag ilabas ang anumang nangyari sa event na yun. 

In explain nya din sakin yung about kay Andrea, naiintindihan ko naman si Andy kahit pa naiinis pa din ako dahil hinalikan nya si Dylan ko, wala akong magagawa dahil nagmahal lang naman sya. Babae din ako at alam kong masakit para sa kanya dahil she's been loving Dylan for how long and then ito ako, sumingit sa picture.

Pero teka lang! Mas nauna nga pala ako. Ay nababaliw na ko! Pati sa sarili ko nakikipag debate ako.

Lumabas na ko ng kwarto at sa pagbaba ko ay nagsilapitan yung mga guards dito sa bahay.

"Ma'am Amilia, saan po kayo pupunta?" tanong sakin ni Victor, head ng security ni Dylan.

"Victor, I already told you, wag mo kong tawaging Amilia, I feel so old. Mia na lang please" sabi ko.

"S-sige po, saan po ba ang lakad nyo Ma'am Mia? Baka po mapagalitan kami ni Sir Dylan"

"Takot ka ba talaga kay Dylan?" curious kung tanong kasi alam ko naman kung gaano kasungit si Dylan at kung makasigaw ay wakas.

"Hindi naman po, nirerespeto lang po talaga namin si Sir Dylan dahil kahit ganoon po yun kung magalit, responsable po sya, inaalala nya din po ang pamilya namin lagi"

Napangiti naman ako. Ito talagang Dylan Kasper na ito, sungit-sungitan lagi pero may soft side pa din sya. Lately, din naman ay ramdam na ramdam ko na ang pagbabago nya.

"At alam namin na mas aayos pa sya lalo na't dumating ka po"

"Naku, sana talaga" sabi ko. I smiled at him. "Anyway, pupunta tayong PB. Pupuntahan ko si Dylan, nagluto ako ng tanghalian nya"

"Ay ganun po ba? Ipapahanda ko na po ang kotse"

"Sige, salamat" sabi ko at tumalikod na sya. Pumasok muna ako sa kusina at sinilid sa lalagyan yung pananghalian ni Dylan.

Waaah! Just by doing this, feeling ko misis na misis na talaga ako. 




Nung makapag park sila ay nauna na kong bumaba. Huminto ako at humarap sa kanila.

"Dito na lang kayo, kaya ko na. Kay Dylan naman ako pupunta" sabi ko. Nakita ko namang tumango-tango sila kaya napayapa ako at nagsimula ng maglakad papasok ng PB.

Ang weird kaya na may mga nakasunod sayo?

"Good morning po" sabi ko sa guard. I smiled at ilalabas ko na sana ang ID ko pero

"Ma'am Mia, sige na po, pumasok na kayo" magalang nitong sabi.

"Ay sige, salamat po" sabi ko na lang.  Kilala na talaga nya ko? Whoo! Alam na kaya nilang asawa ako ng boss nila?

Nakita kong nagtitinginan ang mga teller nung pumasok ako. Mabilis naman akong tumapat sa elevator at hinintay itong bumukas.

Hindi kasi ako mapakali dahil habang nakatalikod ako ay ramdam ko ang matatalim na tingin sakin kaya pagbukas ng elevator ay sumakay agad ako.

Pagbukas ng elevator sa floor kung nasaan ang opisina nya ay excited akong pumasok.

"Hi Amise!" masigla kong bati, tuwang tuwa talaga ako sa AI na ito.

THE REVENGE OF MY NERD HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now