2// The way we treat each other

1.7K 43 1
                                    

TWO [THE WAY WE TREAT EACH OTHER]

Crystal's Point of View:

Matapos ang klase namin para sa last subject ay nagdiretso na kami ni Megan papunta sa Parking Lot ng school para hanapin ang sundo namin. Nauna naming nakita ang sundo ni Megan at dahil nagmamadali siya ay agad na rin silang umalis.

Tinawagan ko yung driver namin pero sabi niya nasa daan pa rin siya kaya naghintay na lang muna ako sa waiting area sa gilid ng parking lot at naupo.

Habang nag-fe-facebook ako ay biglang tumawag si...Kasper. At bakit naman tumatawag sa akin ang Nerd na 'to? Sa pagkakaalam ko ay wala kaming appointment or dapat na gawin ngayong araw. Ano na naman ang kailangan nya sa akin?!

Sinagot ko 'yung tawag.

[Nasaan ka?!] Inilayo ko nang bahagya ang cellphone ko dahil sa sigaw niya. Aba, problema nito at galit na naman?

"Naghihintay ako ng sundo. Bakit ba, eh wala naman tayong dapat na gawin ngayon ah? Tapos na nating ayusin yung mga student's profile--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sumingit na naman siya. Bastusan talaga eh.

[Hindi iyon. Hindi ba't may punishment kang dapat gawin ngayon? 'Wag ka munang uuwi] pinindot ko agad yung end call nang maalala ko yung punishment ko.

Oh my goodness. May punishment nga pala akong linisin ngayon yung Girl's Comfort Room sa Gym. What the ef! 'Yong sundo ko, nasaan ka na?! I need you right now. Ayokong maglinis ng CR. Kailangan kong makatakas.

Muli kong tinawagan 'yung driver pero nakita ko na siya na pupunta dito sa parking lot kaya nagmadali akong tumakbo. Nang mismong papasok na ako sa kotse ay naramdaman ko na lang na may humawak sa wrist ko. Oh my God. I'm dead.

"Where do you think you are going? You have still a punishment, right? At hindi ka pwedeng umuwi hanggat hindi mo natatapos linisin ang CR sa Gym" Kabanas naman oh! Isasara ko na lang yung pinto at makakatakas na ako tapos naabutan niya pa ako. Haist.

Binitiwan niya ako at saka tinulak palayo sa pintuan ng kotse. Dinungaw niya yung driver ko at sinabing, "Pasensya na po Manong. May kailangan pa po kasi kaming gawin, siya po pala ang may kailangan gawin. 'Wag po kayong mag-alala dahil ihahatid ko po siya dito pagkatapos." pagkasabi niya no'n ay isinara na niya ang pinto at hinila ako.

Kumalas naman ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Tatakas ka pa talaga eh noh?" Sambit niya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Hindi ako tatakas. Nakalimutan ko lang talaga." I crossed my arms. Sinisisi na naman niya ako. Pinagbibintangan na tatakas.

Ngumisi siya at tumingin sa akin. "Kahit naman tumakas ka, hindi ko hahayaan. Remember that I won't allow people to leave hanggat hindi nila natatapos ang punishment nila. 'Wag kang mag-alala sasamahan naman kita. Sasamahan kita pero hindi kita tutulungan, to make sure na maglilinis ka talaga. At saka baka kasi matakot ka, medyo papalubog na rin ang araw at wala ng masyadong tao sa campus, balita ko may mga nakakatakot na nilalang ang lumalabas sa tuwing papalubog na ang araw." inirapan ko siya. Akala niya naman matatakot niya ako.

"Matatakot na ba ako n'yan? Eh kung tutuusin, tumingin ka lang sa salamin makakakita ka ng impakto!" sabi ko at saka tumawa ng mahina.

Well, ganito kami lagi. Lagi kaming nag-aasaran. Iniinis niya ako lagi kaya gumaganti rin ako. Aba, sa ganda kong 'to, paaapi ako sa kanya? No ways.

Kahit na mas lamang siya sa authority eh hindi ibig sabihin na lagi na lang akong paaapi sa kanya. Even though wala akong magawa sa tuwing uutusan niya, gumaganti na lang ako through my words. Nagsasampalan kami ng mga salita laban sa isa't isa hanggang sa may mainis. 'Yon lang kasi ang tanging paraan para magantihan ko siya. O kaya naman pwede ko rin siyang gantigan outside the campus, pwede ko syang sampalin or what pero madalang kasing mag-krus ang landas namin outside the campus. Sa t'wing makikita ko naman siya ay laging may mga nakapaligid na kababaihan, baka kapag sinaktan ko siya in public ay ako pa ang maging masama at bugbugin pa ako ng mga babaeng nakapaligid sa kanya.

That Hot Handsome NerdWhere stories live. Discover now