45// Debut

650 12 0
                                    

FORTY FIVE [DEBUT]

Crystal's Point of View:

Today is one of the most special event in my life. Tiningnan ko ang bahay namin na ngayon ay nagmistulang hotel na inupuhan for a big event. Andito pa rin ako sa likod ng kurtina habang inaantay ang pagtawag sa akin ng MC. Nasa gilid ko si Mom and Dad para sabayan akong bumaba sa hagdan para harapin ang lahat ng bisita ko.

Tinawag na nga ng MC ang pangalan ko at kusang bumukas ang kurtina at nagkaroon ng spotlight sa amin. Nagpalakpakan ang mga tao sa ibaba. Napangiti naman akong pinagmamasdan sila habang bumaba na kami sa hagdan. Kumpleto ang pamilya namin, lahat ng relatives from my daddy and mommy's side ay nagpunta. Pati na rin ang iba kong naging kaklase at mga kaklase ko ngayon, mga naging kaibigan, naka-close nang minsan at maging mga council ay nandito.

Nakakatuwang makita na sama-sama lahat ng 18 roses sa iisang mahabang table. Ganoon din ang sa mga candles and treasures. Sobrang organize ng lahat ngayon araw. Siguro kulang ang pagde-describe ko kung gaano kabongga ang naging debut ko ngayon. Fairytale—'yan siguro ang pwede kong sabihin sa nangyayari sa buhay ko ngayon.

Enjoy na enjoy ako sa naging takbo ng programme. May mga professional singers din kasi na hinire sila mom and dad para sa isang intermission at mas nagulat ako dahil sa dulong part ay si Kasper ang kumanta kaya nagtilian ang lahat. Minsan lang siya kumanta kaya todo kilig ako kanina, ang lamig kasi ng boses niya at para bang dinadala ako nito sa paraiso na tanging kaming dalawa lang ang naroon.

Hindi pa man nagsasalita si Denise ay feeling ko maiiyak na ako. She's one of the 18 candles at imbes na wish ang sabihin niya ay nagdrama muna siya kaya naiyak din ako. "First of all, I'm sorry for the things I've done to you. Alam kong sobra kitang nasaktan sa nagawa ko and I thought magfre-friendship over na tayo pero thank you, bessy kasi tinanggap mo pa rin ako." Nagpunas siya ng luha at saka lumapit sa akin at inakap ako. "Ang wish ko sa'yo sana hindi ka magbago. Stay what you are. At sana...sana patuloy kang maging mapalad sa buhay mo."

Sumundo naman ay si Megan. Hindi ako pinaiyak ni Megan dahil pinatawa niya pa ako. "You know what, Crystal, so totoo lang wala naman na akong mahihiling para sa'yo. Actually, ako nga sana ang may hihilingin eh. Ipahiram mo naman si Kasper sa akin one time. Hahaha. Pero siyempre echos lang 'yon! Swerte mo kasi nabihag mo pinaka-hot at pinakagwapong nerd na nilalang sa buong kalawakan." Naghiyawan naman ang iba at napatingin kay Kasper. Natawa naman ako sa dahil biglang namula si Kasper, marahil ay sa pagpuri sa kanya ni Megan. "Osiya, sige na. Alam mo namang hindi ako madramang tao tulad ni Denise. Hahaha. Kaya ayon, isa na lang 'yung wish ko: Ang matupad ang mga wish nila para sa'yo. Labyu, bessy!"

This time, ang part na ng 18 roses. Marami akong kinuha sa relatives ko, ang iba ay sa mga classmates ko. Isa din si Silver sa 18 roses, 'though, ex ko siya pero hindi na naman kami nagkaîlangan na dalawa.

"I'm happy for you." Ani Silver na ngayon ay kasayaw ko na.

Napangiti naman ako. "Thank you for breaking my heart." Pabiro kong sabi. "If you didn't do that, maybe I would not find the right one." I'm referring to Kasper.

"You are welcome," He said. "You deserve to be loved by someone who's worthy of your love. I'm sure, you are meant to he."

"Ofcourse," Confident kong sabi. "Hinding-hindi ko na siya papakawalan pa."

Nag-signal na ang emcee na malapit nang matapos ang pagsayaw sa akin ni Silver.

"I have to go."

That Hot Handsome NerdWhere stories live. Discover now