33// The Truth

573 15 0
                                    

THIRTHY THREE [THE TRUTH]

Aliyah's Point of View:

I have the evidence. Evidence that can make Crystal's world broken. Magagawa ko nang siraan si Kasper kay Crystal. At pagnagkataon, sa akin babagsak si Kasper-Crystal will break her and then I will make a move para sa akin lumapit at mapunta si Kasper. Ako ang sasalo sa kanya after what Crystal will do to him.

I really thought na mahal na mahal at seryoso si Kasper kay Crystal. I almost died crying everyday because of that. It's really hard for me to accept the fact that the one I love is loving someone else. It's really hard when the one you love can't loved you back.

Sabi ko sa sarili ko na kahit nabigo ako noon, gagawa pa rin ako ng paraan para sa akin mapunta si Kasper. At sadyang napakabait talaga ng tadahana dahil ang mga sumunod na nangyari ay pumapabor sa akin.

Akala ko magiging sagabal lang si Silver dahil bumalik siya pero who would have thought na may dahilan pala siya kaya siya bumalik? At may purpose siya para sa akin. 'Though kahit na ipinaliwanag niya na sa akin ang lahat kung bakit niya nagawa sa akin 'yon dati, it's too late anymore, I'm already inlove with Kasper at hindi na 'yon magbabago.

But Silver keep on insisting that he will win my heart again and will do everything para sa akin. Buti na lang pala at mahal niya pa rin ako kaya 'yon ang ginawa kong paraan; siya ang ginawa kong paraan para sa mga hakbang na gagawin ko. Since he's inlovw with me and will do anything to get me back, inuto ko siya na dapat siyang makakuha ng ebidensiya sa kung anong ginawa at mga plano ni Kasper.

Pag-ibig nga naman, iba talaga ang nagagawa. Dahil sa mahal na mahal pa rin ako ni Silver ay sinunod niya ang utos ko. Sinabi ko pa sa kanyang baka bigyan ko siya ng chance pero malabo na siguro ang bagay na 'yon.

I'm sorry, Silver.

Sorry kung ginamit din kita.

Andito na ko sa harap ng bahay nila Crystal. I used the doorbell at ilang sandali pa ay nilabas na ako ng isang katulong.

"Yes po? Ano pong kailangan nila?"

"Si Crystal po. Kailangan ko siyang makausap."

"Ok po. Saglit lang po, ah? Tatawagin ko lang po si ma'am Crystal."

Bumalik 'yung katulong sa loob at naghintay naman ako dito sa labas. Ilang segundo lang ang nakakaraan at lumabas na din si Crystal. Napahinto siya sa paglalakad nang matanaw ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Sa tono ng boses niya parang gusto na niya akong paalisin. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa rehas na lang ng gate ang humaharang sa amin.

Ngumisi ako. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin? May importante pa naman akong sasabihin sa'yo."

"Sabihin mo na ngayon. Wala akong oras para sa'yo. Kung anoman 'yan, bilisan mo na."

"Oh! Masyado ka namang hot diyan, Crystal." This time, nagseryoso na ako. "I think hindi 'to pang-madalian. This is serious, Crystal. Tungkol ito kay Kasper. He's not truly---"

"Kami na ni Kasper. At kung sa tingin mo ay makakapaghabol ka pa sa kanya, ipapamukha ko sa'yong HINDI NA. Masaya na kaming dalawa kaya pwede ba, tigilan mo na kami." Tatalikuran na sana niya ako pero napahinto siya sa sinabi ko.

That Hot Handsome NerdWhere stories live. Discover now