6// Aliyah's Feelings

1K 23 0
                                    

SIX [ALIYAH'S FEELINGS]

Aliyah's Point of View:

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya pero biglang humarang ang kamay niya at siya na ang nagbukas. Napangiti naman at saka hinawi ang buhok ko. Kahit kailan talaga sobrang gentleman ni Kasper. That's one of his attitude na nagustuhan ko sa kanya. He never failed me to dissappoint how gentleman he is.

Pumasok na ako sa loob ng kotse at ganoon din siya. He started the engine at nag-umpisa nang magmaneho palabas ng school. Napatingin ako sa kanya habang nagmamaneho. Everytime na napapatingin ako sa kanya, pakiramdam ko paulit-ulit akong nahuhulog sa kanya.

Sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa isang lalaking ganito kagwapo, katalino at kabait? Sino ba namang hindi mahuhulog sa mga mata niyang parang laging nang-aakit? Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa katawan niyang mala-adonis?

He's really a perfect guy.

Yes, I'm inlove with this sizzling Nerd.

Kung dati sa bad boy ako attracted, ngayon naman ay inlove na ako sa isang goodboy—Good boy na kayang pantayan ang karisma at dating ng mga bad boy.

He's a goodboy but not just a goodboy. Because he is a goodboy with a characteristic of being a nerd but have the maximum hotness and handsomeness to attract every girls around him.

"Baka naman matunaw na ako niyan?" Hindi ko pala namalayan na nakatitig na ako sa kanya. Napangisi tuloy siya. "Bakit, problema ba ang mukha ko?" natatawa-tawa niyang tanong.

Napailing naman ako. "Wala naman. Ang gwapo mo lang kasi." Pabirong sagot ko. "Pero joke lang naman 'yon."

Napangiti na lang ulit siya at muling itinuon ang pansin sa daan. Itinuon ko na lang din ang tingin ko sa daan.

Hanggang sa unti-unti na namang bumalik ang mga alaala ko, alaala namin ni Kasper nang una kaming magkita.

**FLASHBACK

July 28, 2016 (Mahigit isang taon bago mag-Grade 11 Senior High)

Isang panyo ang tumambad sa akin nang matapos kong punasan ang luha ko gamit ang mga daliri ko. Andito ako ngayon sa isang gilid ng kalsada habang nakaupo at umiiyak. Napaangat ako ng tingin kung sino iyon. Napakunot ang noo ko dahil isang gwapong lalaki ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko siya kilala pero naiinis ako sa mga tulad niyang gwapo. Gaya ng ginawa sa akin ng ex-boyfriend kong gwapo pero fuckboy pala! Cheater! Walang kwenta! Bad boy!

Napatingin ako sa mukha niya. Itsura pa lang niya—ang pagiging sobrang gwapo—ay sigurado akong napapabilang siya sa mga bad boy. Itsura na 'yan, siguradong manloloko 'yan.

Agad kong tinabing ang kamay niya. Kunot-noo ko siyang tiningnan at saka inirapan. "Alam ko na ang mga galawan na ganyan. Alam kong fuckboy ka!" Galit kong sabi sa kanya pero natawa siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Sino namang nagsabing fuckboy ko ako?" Natatawa niyang sabi. Ang gwapo niya. No! 'Wag ka na ulit magpapadala sa mga gwapong 'yan. Lahat ng gwapo, manloloko! "Mag-ingat ka naman sa pananalita mo miss."

Tumayo ako at saka akmang tatalikuran siya pero hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya. "Alas-onse na ng gabi. Sa tingin mo ligtas pang maglakad-lakad dito? Baka mamaya, mapagdiskitahan ka pa ng mga tambay diyan sa kanto." sabi niya at saka marahan akong hinila pero hindi ako nagpahila. "Saan ba ang bahay niyo? Ihahatid na kita sa inyo." aniya. Binawi ko ang kamay ko at saka siya inirapan.

"Ano ba kasing pakialam mo sa akin, huh? Hindi naman tayo magkakilala kaya pabayaan mo na lang ako."

"Concerned lang ako sa'yo miss. Baka mamaya pag-iniwan kita dito mabalitaan ko na lang bukas na may tinorture na palang babae dito." Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi niya.

That Hot Handsome NerdWhere stories live. Discover now