Chapter 6 continuation

138K 1.3K 42
                                    

Ahem, ahem, ahem! Sino-sino ang mga excited sa update ng The Man of her Dreams? Ahihihihi... ayan at natapos ko nang isulat ang kasunod kaya nag-post ako agad ng update. Excited lungs. lol!

Enjoy reading guys!

And don't forget to VOTE and leave your COMMENTS below. Oki doki?

Till next update.

Always,

Sharon Rose

------------------------------------------------------------------

Nagpaalam siya kay Rohan na pupunta lamang ng restroom. Nag-offer ang lalaki na samahan siya pero tumanggi na siya. Balak kasi niyang tumagal sa loob.

She knew that she was already drunk. Hindi naman kasi siya sanay uminom. She was an occasional drinker, and usually she would just sip red wine.

But she wanted to let loose tonight. Gusto niyang maglasing kasama si Rohan. Wala siyang pakialam kung ano ang mangyari sa kanya ngayong gabi, basta si Rohan ang kasama niya. They were really having a great time together.

Ilang baso ng alcoholic na ladies’ drink na ang naubos niya. At nararamdaman na niya ang epekto niyon sa kanyang sistema.

She walked towards the restroom in a slow pace. Nakakaramdam na kasi siya nang pagkahilo. Kung hindi lang siya naiihi na ay hindi siya aalis at iiwan si Rohan.

“Hi, beautiful...”

Nag-angat siya ng paningin at nakita ang isang lalaki na nakaharang sa daraanan niya. “Excuse me...” Sinubukan niyang iwasan ito pero mukhang pinupuntirya siya. Muli nitong hinarangan ang daraanan niya. “Can you please get out of my way?” naiinis na tinarayan niya ito.

Pero ngumisi lamang ang lalaki. He continued to block her way.

“Ano ba!” Naiinis na siya. Naiihi na talaga siya at kailangan na niyang makarating sa Ladies’ Restroom.

“I bought you a drink, beautiful...” Hawak nito sa kamay ang isang baso ng Tequila.

“Thanks, but no thanks!” She fumed at the man. He looked decent, but she knew he was drunk. “Let me pass!”

“Not unless you drink this...” He pushed the glass of Tequila in her face.

Naiihi na talaga siya kaya sa pagnanais na makadaan at makapunta sa restroom, kaagad na tinanggap niya ang baso ng Tequila at ininom iyon. “Now let me pass.” Angil niya sa lalaki at ibinalik ang baso rito.

Tinanggap nito ang baso at kaagad na pinaraan siya sa labis na pasasalamat niya. Nahihilo siya pero nagmamadali siyang pumunta sa Restroom at naghanap ng bakanteng cubicle. Parang puputok na kasi ang ihi niya.

“Hey!” Inabot ni Vince ang lalaking nakasunod kay Diadem. The woman ran to the restroom and the wretched bastard followed her. Alam niyang may masamang balak ito sa babae.

Kaagad niya itong kinuwelyuhan. Nagbabaga ang kanyang mga mata sa galit.

“Hey!” kaagad na umalma ito.

Pero mas malaki at mas mataas siya kaysa sa lalaki. Hindi niya ito pinakawalan. He held him firmly in his hands. “I know what you did,” he hissed at him. Inagaw niya ang hawak nitong baso ng Tequila. May laman pa iyon. Pagkatapos ay itinapon niya iyon sa mukha ng walang-hiyang lalaki. “You put a drug in that drink. I saw you!” Nagtagis ang mga bagang niya.

Mamula-mula ang mukha nito dahil sa kalasingan pero kaagad itong namutla nang marinig ang sinabi niya. His face was wet with Tequila.

“Now get the hell out of here before I’ll kill you with my bare hands!” Binalya niya ito at malakas na itinulak palayo. Sumadsad ito sa sahig. “Get out!” he screamed at the man. Nagkukumahog itong tumayo at lumabas ng bar.

Sunod-sunod na paghinga ang hinugot niya upang pakalmahin ang sarili. Parang gusto na yata niyang pumatay ng tao ng mga sandaling iyon.

What the hell! The thought that Diadem was in the brink of danger made him really feel furious. Paano na lang kung wala siya? Paano na lang kung hindi niya nakita ang lalaking iyon nang lagyan nito ng droga ang inuming ipinainom sa babae?

Christ! He hated to think what would be the worst thing that could happen to her.

Kasalanan ito ng babaeng iyon! Kung hindi ba naman kakarampot na kasuotan ang isinuot nito ngayong gabi, hindi sana ito pag-iinteresan ng manyakis na lalaking iyon! Hindi ito nag-iingat!

So what now? Anumang sandali ay eepekto na ang droga sa katawan ni Diadem. If his hunch was right, she could turn into a hungry succubus who would literally beg sex to any man she would bump up with.

Shit! Malakas siyang napamura. She couldn’t come back to Rohan, nor see any man tonight. Maliban sa kanya.

Tiyak ang mga hakbang na tinugpa niya ang daan patungo sa Ladies’ Restroom. Aabangan niya ang paglabas ni Diadem mula roon.

The Man Of Her Dreams (COMPLETE)Where stories live. Discover now