NOTE: DUE TO INSISTENT PUBLIC DEMAND, I PUBLISHED BACK THE CONTENTS OF THIS STORY ON WATTPAD, BUT I HAVE TO CENSOR IT AND REMOVE THE EROTIC PARTS FOR WATTPAD NOT TO TAKE DOWN THE STORY DUE TO HIGHLY SEXUAL CONTENT. ENJOY READING!
______________________________________________
EIGHT YEARS AGO
Naglalakad siya sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang kotse nang biglang mapalingon. May tumawag kasi sa kanya.
"Diadem!"
Bigla ang pagngalit ng kanyang mga bagang nang makita ang babaeng nakasunod sa kanya. It was Winona. Her father's notorious mistress. Bakit nandito ang babaeng ito? She had succesfully placed her behind bars two years ago. Nakalaya ito? Paano? Her teeth seethed in anger. My God! Hindi ba siya lulubayan ng babaeng ito? She had obtained peace in the last two years. She thought that her life would be peaceful now after she kicked Winona out of GOC and sent her in jail. But here she was again, destroying her newly acquired inner peace. Kapag nakikita niya si Winona ay kumukulo talaga ang kanyang dugo. Dahil naaalala na naman kasi niya ang nangyari sa kanyang mga magulang noon. Ang pagkasira ng kanyang pamilya at ang pagkamatay ng kanyang ina.
How did she get out of prison? She was sentenced to at least eight years imprisonment for an attempted murder. She came to a conclusion that the best way to kick Winona out of GOC was to place her behind bars. She planted evidences that would show how Winona was plotting to kill her so she could steal the company from her. Her father was stupid enough to give Winona a part of his fifteen percent worth of shares, thus making her one of the board members. And she didn't want the opportunist to get more. Kaya ilang linggo pa lamang itong nakatapak sa GOC ay pinagplanuhan na niya kaagad ang pagpapatalsik dito. Sa tulong ng kanyang pera at magagaling na abogado ay nagawa niyang ipaaresto si Winona at kasuhan ito ng attempted murder. The evidences against her were hard facts but forged and orchestrated by people whom she paid a large sum of money. Pinalabas nila na nagpaplano si Winona na patayin siya upang makuha nito ang GOC. She slained her character and reputation and painted her as a homewrecker and cold opportunist.
Winona denied the allegations at first, but she had no match to her. Magagaling ang mga abogadong kinuha niya. Binayaran niya ang judge, maging ang tumayong abogado ni Winona para lamang masigurong mabubulok sa bilangguan ang kabit ng ama. That was the first time that she saw how money works. It was indeed very powerful. They say that the justice system in the country moves in snail's pace, but not if you're rich. Magmula nang maaresto si Winona ay hindi na ito nakalabas pa sa bilangguan. The trial only lasted for three months and Winona was convicted for attempted murder and was sentenced to serve for at least eight years in prison. Ang gusto sana niya ay panghabambuhay na itong mabubulok sa bilangguan. Pero hindi na rin masama ang walong taon. Siguro naman ay matututo na itong lumugar pagkatapos ng walong taon. Sa loob ng tatlong buwang paglilitis ay isang beses lamang siyang sumipot sa hearing. That was when she was obliged to do a personal appearance in the court. Hindi kasi niya masikmurang makita ang pagmumukha ni Winona. Pagkatapos noon ay ipinaubaya na niya sa kanyang mga abogado ang mabilis na pag-asikaso sa kaso.
Magmula nang makulong si Winona ay parang nabunutan siya ng malaking tinik sa kanyang lalamunan. Her life returned to normal. Naging mapayapa na rin ang kanyang mundo. That was why she stopped having a slew of bodyguards. She tried to live a normal life. Ang driver at personal bodyguard na si Mang Dencio na lamang ang patuloy niyang kinuha ang serbisyo. Pero nagkasakit ito. Kaya ngayon ay wala siyang driver at dalawang araw na siyang nagda-drive mismo ng kanyang sasakyan. Ilang linggo pa lamang magmula nang kumuha siya ng driving lessons kaya hindi pa siya ganoon kagaling magmaneho. But she could manage. Isa pa ay malapit lang naman ang kanilang mansion sa kanyang opisina.
"Diadem!" muling tawag ni Winona sa kanya habang humihingal na sinusundan siya. "Puwede ka bang makausap? Please, kausapin mo naman ako o..." halos ay magsumamo ito sa kanya.
She cursed as overwhelming hatred washed through her. Winona was the last person in the world that she ever wanted to see, much more talk! She could just rot to hell! Mas lalo niyang binilisan ang paglalakad habang napapamura. Kanina nang lumingon siya ay nakita niya ang babae. She was thinner than the last time she saw her. Nanlalalim ang mga mata nito. Mukhang maysakit. Clearly, she saw how Winona suffered in prison. Which she just fully deserved!
Mabilis na pumasok siya sa loob ng kanyang sasakyan nang marating niya iyon. She banged the door close and inserted the key in the ignition hole. Kaagad na binuhay niya ang makina at pinaharurot nang takbo ang kanyang kotse. But instead of lurching foward, the car lurched backward. Muntik na niyang mabangga ang isang sasakyan na naka-park sa kabilang lane kung hindi niya kaagad naagapang apakan ang brakes. Nauga siyang bahagya sa loob nang parang may nabangga siya. Naabot ba niya ang harapan ng van sa kanyang likuran? She looked at the rearview mirror. She was close to the van pero mukhang hindi naman. Baka may natapakang bato lamang ang gulong ng kanyang kotse kaya siguro ganoon. Lumingon siya at hinanap si Winona sa paligid. She couldn't find her. Sa pagnanais na baka maabutan siya ng babae ay mariing tinapakan niya ang silenyador at mabilis na tumakbo ang kanyang sasakyan palayo sa parking lot na iyon.
Iyon ang huling pagkakataong nakita niya si Winona. She never heard of her again after that.
BINABASA MO ANG
The Man Of Her Dreams (COMPLETE)
General FictionUnlike many women, Diadem was a hardcore non-believer of marriage for love. She would rather prefer marriage for convenience, and vowed not to follow her parents' doomed marriage. A testament to what folks regard as 'how love turned bloody awry'. Iy...