Chapter 27: The First Wing

545 18 5
                                    


Chapter 27: First Wing, Saeha the Berserker 💣🔪🔫

Napaka init...napakasakit...at mabaho.
Napakabaho ng amoy ng pinaghalong dugo at mga katawan na nasusunog sa harap ko. Hindi ko magawang sumigaw o humagulgol sa iyak.

Lahat ng nasa paligid ko, ang buong mansion-sunog lahat. Nakaluhod lang ako sa gitna ng umaapoy na bahay at nakatitig sa mga walang buhay at nasusunog na katawan ng mga magulang at kapatid ko.

Lumuluha ako pero di man lang ako nagpakita ng kung anong ekspresyon. Ang pinaghalong tunog ng mga gamit at kahoy na nahuhulog at nasusunog at ang mga halakhak ng iilang tao na nasa paligid habang sinisira ang iba pang kagamitan ang tumatagos sa tenga ko.

(Bakit...bakit ang pamilya ko...?)

Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang mga taong gumawa ng karumal dumal na insidenteng to. Mga pulis-Tama, mga pulis ang may gawa nito. Pero bakit? Hindi ba dapat pinoprotektahan nila kami? hindi ba dapat sila ang tagapag ligtas namin? bakit?

Lumapit sa akin ang isa sa kanila at sinipa ang sikmura ko.
"Aghhhhhh!" napahawak ako sa tiyan ko at namaluktot sa sahig.

"Pare, anong gagawin natin sa isang 'to?" tanong ng isang pulis sa kasamahan niya.

"Buhayin ninyo yan. Siya ang ituturo nating gumawa ng krimen," Pangising sabi ng isa.

Hindi ko mapigilang mapahawak sa paa ng mamang pulis na may luha sa mga mata ko. "bakit po...?"
Nahihirapan na akong huminga dahil sa kapal ng usok pero pinipilit kong imulat ang mga mata ko.

Hinawakan ako ng mamang pulis sa ulo, sinabunutan at inangat ako gamit ang kanyang malaking kamay.
"Pasensya ka na bata, trip lang namin," humalakhak ito ng napakalakas at tinapon ako palabas.

Trip lang...? ang pagpatay nila sa mga magulang at kapatid ko...ang pagkasunog ng bahay ko...dahil trip lang? Matapos nun ay nakita kong may sininghot ang mga pulis na nasa isang pakete at ninanamnam nila ito.

"Hoy, umalis na tayo. Gulpuhin niyo muna ang batang yan," sabi ng leader nila.

Hindi na ako nakapag-isip ng kung ano. Sa mga oras na 'yon, nawala na ang paniniwala ko na mayroong diyos. Kung meron, bakit pinabayaan niya ako? bakit nangyari 'to? Nawala ang respeto at paghanga ko sa mga tinatawag na 'pulis' at mga hipokritong tao na nagpapataw ng batas. Grown-ups cannot be trusted.

Binugbog nila ako hanggang sa naging duguan ako at nagkabali-bali ang mga buto ko.
"Tama na iyan, di na yan makakagalaw, iwan na natin,"

Tinapon nila sa harap ko ang mga kahoy na ginamit nila sa pambubugbog sakin. Wala na akong ibang maamoy kundi ang sarili kong dugo na tumutulo mula sa ilong ko. Isang mainit na luha ang tumulo mula sa mga mata ko habang pinapanood ang bahay namun na malapit nang maging abo. Hindi man lang ako makagalaw dahil sa sakit ng katawan ko.

Hindi ko alam kung bakit bahagya akong napangiti habang nakikita ang maliliit na mga bilog mula sa apoy na kumikislap kislap na parang mga fireflies.

"Napaka...ganda..."
Hindi ko inakalang masasabi ko pa yun sa gitna ng mga nangyari. Sinong mag-aakalang ang sarap pag masdan ng apoy na tinutupok ang isang bagay. Dahil sa nangyari, parang di na normal ang pag-iisip ko. 
Nagsimula nang mawala ang malay ko at tuluyang napapikit ang mga mata ko.

Pag gising ko, nakahiga na ako sa stretcher at umaga na. Maraming tao ang nasa paligid ko at may mga rescue team sa harap ko. Abong abo na ang bahay namin at patuloy pang pinapatay ng mga pulis ang natitirang apoy.

"Kawawa naman sila, napaka sama ng may gawa nito,"
"Oo nga, the poor family was so kind..."

May iba namang nagtitsismisan sa paligid.
"Balita ko, ang batang yang ang nagsimula ng apoy!"
"Nako, ang bata bata pa eh nakakatakot na."
"Tumigil kayo, wala pang sapat na ebidensya. At isa pa, bata pa siya eh paano niya papatayin ang sarili niyang ama at ina?"
"Iyon nga ang nakakatakot! di mag sususpetya ang pamilya niya at baka sinaksak niya isa-isa."

Vasilika Academia: Elite AcademyWhere stories live. Discover now